13: Malapit na

37 2 0
                                    

Kanina pa nagsisimula tong meeting na to pero walang pumapasok sa isip ko!

Leshe ka talaga Benito! Curse you!

Hay.

Di kasi ako pinapansin. Ni lumingon di magawa.

Siguro nahurt talaga siya.

Hay. Anong gagawin ko?

~

Matheus' Point of View

Grabe. Di niya man lang ako suyuin.

Nagtatampo po ako! Nakakainis. Ba't ba ang insensitive niya?

"Okay. So as I said, the merging of the two Academies' School Fair will be for 3 days only. And that will be scheduled 3 weeks from now. What do you think Ms. Evans?"

Lahat kami napatingin kay Sab na nakatingin pala, sakin?

"Ms. Sabrina Evans."

Nakatingin parin siya sakin. Tulala.

Siniko naman siya ni Miss Kim kaya parang nakabalik naman siya sa katawang lupa niya.

"Uhm, y-yes."

Nakita ko naman siyang sinamaan ng tingin ni Miss Kim. Nabasa ko naman sa bibig niya na nagsorry siya.

After ng meeting, nauna na siyang lumabas kaya sinundan ko siya.

"Sab! Sandali!"

Lumingon naman siya at kita sa mata niya na ang lungkot lungkot niya.

"Sorry." sabi niya ng nakatungo.

"Okay lang yun. Ano kaba? Kung ayaw mong tawagin kitang baby okay lang. Titigil na ako. I'm sorry okay?"

"Hindi. Ako dapat yung mag sorry eh. Ang sama sama ko. Ang insensitive ko pa." sunod naman nun ang pag patak ng luha niya.

"Sht." tiningala ko ang nakayuko niyang mukha at pinunasan ang luha niya. "Wag kang iiyak please. It hurts like hell to see you cry." hinalikan ko siya sa noo at niyakap. Niyakap niya naman ako pabalik. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo.

"I Love you Sab." halos pabulong ko ng sinabi yun. Mahal ko talaga siya. Sobra.

Nginitian niya lang ako. Hinawakan niya yung kamay ko at hinatak niya na ako papunta sa kotse ko.

Siya yung nagdrive. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta eh. Hinayaan ko nalang muna siya.

Nakatingin lang ako sa bintana. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

~

Sabrina's Point of View

Ang cute lang pag masdan ni Matheus habang natutulog.

Hindi ko naman maipagkakaila na kahit papano nagkakagusto na ako sakanya. Matagal narin naman kaming magkakilala. Hindi naman siya mahirap magustuhan.

Konti nalang Matheus. Konting konti nalang at baka tuluyan na akong mahulog sayo.

Napangiti nalang ako sa hindi malamang dahilan. Dinala ko kasi siya dito sa place of relaxation and freedom ko. Para itong isang park na tago kasi halos wala talagang pumupunta dito.

Ang alam ko, pinatayo itong park na ito ng isang lalaki para sa pinakamamahal niyang babae. Kaso nung araw na dadalhin niya na yung babae dito, bigla nalang itong nawala at walang nakakaalam kung saan ito pumunta. Pagkatapos nun, nadepress yung lalaki at dito sa mismong park na ito, dito niya binawi ang sarili niyang buhay dahil nabalitaan niya daw na namatay na pala ang babaeng minamahal niya.

I know the story sounds creepy. Pero pag andito ako sa park na ito, nafifeel ko yung pagmamahal nung lalaki para sa babae. Para bang lahat gagawin niya para lang dito.

Nakaupo ako dito sa may swing. Iniwan ko na muna si Matheus dahil ang himbing pa ng tulog nito. Nakakapanghinayang naman gisingin. Ang cute kasi. Hihi :>

Nagulat nalang ako ng may tumakip sa mata ko. Nang tatakip pa ng mata kami lang naman ang nandito. Psh. Hahaha.

"Matheus." yun lang sinabi ko. Tapos inalis niya na yung kamay niya at biglang tumawa. Ang kulit talaga.

"Ba't di mo man lang ako ginising?"

"Ang cute mo kasing matulog." sabi ko sabay tawa. Hahaha. Totoo naman eh. Napansin ko naman na namumula yung mukha niya.

"Ayie. Nagbblush. Kinikilig siya. Hahahahaha."

Lalo naman siyang namula sa pang aasar ko. Ang cute lang talaga. Haha.

"Psh. Inlove kana siguro sakin noh?" sabi niya na parang ng aasar.

"Hahaha. Asa ka Benito!"

Wala lang. Natatawa talaga ako.

"Asa ako? Asa pala ha!" sabi niya. Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa.

"Matheus! Hahahahaha. W-wag. Hahahaha. T-ta-- Hahaha. Tama na. Hahahaha. Sht. Tama naaa."

Walangya! Kilitiin ba naman ako?

Tumigil naman siya at pareho kaming hingal na hingal na nakahiga dito sa grass.

Nagulat ako ng bigla siya pumaibabaw sakin.

"M-matheus."

"Thank you."

"Para saan?" nagtatakang tanong ko.

"Thank you for making me this happy. Sana wag ng matigil tong araw na to."

"Haha. Wala yun. Konti nalang naman eh. Konti nalang talaga." sagot ko naman sakanya ng nakangiti.

"I Love you Sab. Mahal na mahal kita." seryosong sabi niya.

"I know Matheus. I know."

Ngumiti naman siya sa sagot ko. Pero alam ko na hindi iyon ang sagot na inaantay niya.

Konti nalang talaga.

I know, malapit na.

---

End of Chapter Thirteen :)

Sarreh maikli. Writer's block. Syet lang. Hahaha. Nalihis kasi ako sa dapat na plot nitong story ko. So gumawa ako ng bago. Hahaha. Babawi ako sa next chap. Hahabaan ko na tyaka ibabalik ko na yung Pretty Girls. Hahaha.

Wait. May tanong pala ako, anong gusto niyo? Mabait si Mako, o kontrabida siya? Comment please please :> Hahaha.

Love&Kisses,

-PrettyPsycho ❤️

My Biggest Mistake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon