9: Ang KAHIT ANO ni Matheus

76 1 0
                                    

Matheus' Point of View

Oo tama yung narinig niyo KAHIT ANO. Kahit ano gagawin ko para sakanya, para mapatawad niya ako. Sweet ko ba?

Ito andito pa rin ako basa sa binugang inumin ni Sab. Ok lang yan. Atleast nalagyan ako ng konting particles ng laway niya. Hahahahahahahaha jk lang.

"Diba gagawin mo ang lahat? Sige samahan mo ako papunta dun sa likod ng bahay." sabi ni Sab.

Sumunod naman ako. Diba sabi ko nga gagawin ko ang lahat. Diba? Diba? Diba? Diba? Hahahahaha k.

Ang dami palang pasikot-sikot dito sakanila.

At ayun nakarating na rin kami. Ang saya lang HAHAHAHA.

Joke. Ang hyper ko ba?

Syempre kasama ko siya eh ❤

Dejoke lang. Lande hahahaha

Nagulat ako ng nakita ko nasa may pool kami.

Isang napakalaking pool.

Napakalalim na pool.

At napakaduming pool.

Oo. Napakadumi. With a capital N-A-P-A-K-A. Actually kulay green na nga ang tubig.

"Anong ginagawa natin dito?" nagtataka kong tanong.

"Diba sabi mo gagawin mo ang lahat? KAHIT ANO pa nga diba?" sabi ni Sab emphazising the word 'KAHIT ANO'.

"A-ah. A-ano. O-oo. O-oo n-naman." nag-aalangan kong sagot.

"Oh sige. Ito linisin mo ang pool. Gusto kong mag swimming kaso madumi siya. Diba gagawin mo ang lahat? Oh ayan, umpisahan mo na." sabi ni Sab sabay abot ng panglinis sa pool.

Tumalikod na siya at umupo sa isang upuan at uminom ulit ng juice.

Kung pano nagka-juice jan, hindi ko alam.

Tulala parin ako sa pool at iniisip kung paano ko lilinisan tong bwiset na pool na to.

"Matheus. 3:30 na. Anong balak mo? Mag night swimming ako?"

Kung di ko lang crush to eh!

Sinimulan ko ng kuskusin ang gilid ng pool gamit itong mahabang brush na to.

Nakikita ko kung pano humalo tong green na mga ewan na to sa tubig.

Alam kong ang gay pakinggan pero nandidiri ako!

Duh! Anak mayaman kaya ako. Never pa akong pinaglinis. Ni kwarto ko nga di ko malinisan eh!

Pero wala akong magagawa. Utos ng dyosa. Dapat sundin.

After 123456789 years, natapos din.

Nasatisfy naman ako dahil ang kaninang dark green na tubig ay crystal clear blue na ngayon! Yeheeey~

Paglingon ko kay Sab, peste yan!

TULOG NA!

Akala ko ba maliligo siya sa pool?

Naglinis ako para sa wala?

Kakagising niya lang diba? Anong oras na ba?

4:45 pm. Ang tagal ko maglinis.

Acceptable naman ata ang 1 hour and 15 mins na paglilinis. 4-7 ft. din naman kasi yung pool eh.

Ginising ko na si Sab. Napanganga siyang saglit nang makita ang pool pero tinikom niya rin naman.

Umalis na siya at pumasok uli sa bahay.

Pumunta naman ako sa parking area nila. Kukunin ko lang yung backpack ko. Parang gusto ko rin kasing maligo.

My Biggest Mistake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon