chapter 7: ligaw (continuation)

101 4 0
                                    

di ko alam pero tulala ako sa kanilang 4 hanggang matapos na silang kumanta.

"hoy!!, ano na shook ka no" pang aasar ni nik sakin.

"so? ano?, tingnan mo nga naman, sinong magaakalang utol ko pala ang bibihag sa tigreng pagala gala dito sa tondo,hahhahha" pang aasar pa ni rich habang inaayos ang gitara niya.

"i think this is the thing what we called 'himala' " sabi ni sean habang kinakatok ang gitara niya.

"ey!, teka nga ano ba to? hahatulan?" reklamo ni charles sa kanila at humarap naman siya sakin.

"okay lang ba?," maikling tanong niya pero , bakit parang iba ang dating sakin ng simple niyang tanong.

s"ah o--"

"oo naman papa charles!, ang ganda nga ng surprise mo as in super nakakainlove!, gusto mo sagutin na kita ngayon ihhh!" sabi ni nik sa malanding tono at may pagakto pa ng paghawi ng buhok at paghaplos sa braso ni charles.

"ano ka ba nik! mandiri ka nga! " sabi ni sean kay nik.

"oo nga babae si ella, hindi bakla!" sigaw pa ni rich, sa tagal ng panahon doon ko lang ulit narinig ang salitang babae na kasama anag pangalan ko sa iisang pangungusap.

"teka?, amoy sunog?" sabi ni charles habang inaamoy ang paligid.

owsyet!!

"yung niluluto ko!" sigaw ko at dali daling tumakbo papunta sa kusina, pumasok sila at sinundan ako papunta sa kalan para hinaan ang apoy.

"nagluluto ka pala?" isang boses ang nagmula sa kaliwang bahagi ng balikat ko, sa boses niyang iyon ay para akong naging estatwa, bakit ba kasi ako nagkakaganto?!

"ah oo, naman wala kasing mag luluto si kuya ian pauwi na yon tas mamaya maya pupunta kamini kuya sa hospital para dalan ng pagkain si mama at kuya"sabi ko habang hinahalo ang niluto ko.

"So first time mo? Magluto?, pwede ba ako ang unang makatikim nyan mukang masarap eh" nakangiting sabi niya pa habang nakatingin sa kawaling may laman ng mainit at bagong lutong adobo.

"Woi!! Titigan portion ba yan?"sigaw ni rich.

Medyo na akwardan naman ako dahil kapatid iyon ng nanliligaw sakin.
Nagfocus na lang ako sa pagaayos ng niluto ko.

Pagkatapos ko ayusin ang niluto ko ay pinakain ko na din sila, dahil maghahapunan na din naman.

" ang sarap nito ah?" Sabi ni nik
"Oo nga gab, ang sarap kay talent ka pala sa cooking" sabi pa ni mike at kumuha ulit siya ng kanin.

"Gab? Oh may bisita ka pala?" Sabi ni kuya Ian.
"Tara kuya, kumain ka na, tas mamaya na tayo pumunta kay kuya harrold" pagyaya ko kay kuya at agad naman siyang umupo.

"Teka? Ikaw nagluto?"tanong ni kuya ng matikman ni kuya ang adobo.
"Oo, masarapa diba?" Pagyayabang ko kay kuya.
"Hindi kaya masarap, teka? Ano meron bakit nandito sila?" Patukoy ni kuya sa mga kaibigan ko.
"Hinarana kasi namin si gab kuya ian" sabat naman ni nik.

"Ha?" Medyo gulat na sabi ni kuya.
"H-harana??" Gulat na gulat siya to be exact.

"O-oo kuya ian?, teka? God!! Di nyo pa sinasabi kay kuya ian na , charles naman! Dapat nagpaalam ka kay kuya Ian bago ka manligaw!" Dire diretsong sabi ni nik

"Nanliligaw ka charles?" Halos tumayo na si kuya ian sa pagkakaupo sa narinig niya mula kay nik.

"Aba!" Tumayo si kuya at lumapit kay charles.

Halos tumalon naman ang puso ko ng bigla niyang tapkin si charles sa balikat.

"Charles? Adik ka ba?" Tanong ni kuya kay charles at napatungo na lang si charles, at tawa naman ng tawa ang mga kaibigan ko.

TITIBO-TIBO A ONE SHOT STORY by messyl!cousWhere stories live. Discover now