chapter1: elementary

466 8 0
                                    

"mama naman kase eh sabi ko ibili mo ako ng teks o kaya jolen bakit naman kase barbie ang binili mo sakin eh?"reklamo ko sa mama ko ng humingi ako ng pasalubong sakanya galing sa mall,

"ella naman kase eh ito dapat ang nilalaro ng mga batang babae, di yung ang dungis dungis na mga bata ang kalaro mo sa labas" sabi ba ni mama habang pinapagpag ang manggas ng pink kong damit na may mantsa pagkatapos kong tamaan ng bola kanina sa habulang bola.

"mama gab kasi, ikaw lang tumatawag sakin ng ella dito satin"

di naman kami mayaman, tama lang ang pamumuhay namin dito sa tondo may dalawa akong kuya, magkakasunod lang ang edad namin kaya naman close kami habang ang papa naman namin ay nasa saudi ofw.

'nakakaasar naman si mama eh sabi ko teks o jolen ang bilin sakin paano yan wala akong pang laro, hinamon ako ni brian eh hyst!'

lumabas ako sa may pinto namin at umupo dito sa may bangkito sa maliit naming bakuran.

"oy gab tara ano? jolen? box ah? labanan dito buo di yung babaryahin?" yaya sakin ni noel.

"ah saka na muna! hahahaha baka hamig na namanako eh, sige an ipon muna kayo saka laban tayo"

"ang yabang naman neto, tara na nga" yaya ni noel sa mga kaibigan niyang kapit bahay namin.

"hahaha hoy gab bakit ayaw mo daw laruin yung barbie mo sabi ni mama!" sigaw sakin ni kuya harrold 9years old na siya.

"hahaha sigurado ako ang uwi na naman ni papa sa pasko sayo ay doll house hahah"sabi naman ni kua Ian.

tinignan ko lang sila ng masama dahil totoo naman na panay ganon ang regalo sakin ni papa tuwing pasko, panay damit sapatos o laruan na may tatak na barbie.

"haayyy kayo naman inaasar nyo yang si ella tara na sa loob kumain na kayo ng tanghalian at mamaya aalis ako, wag kayong magulo dito sa bahay mamimili ako ng gamit nyo sa school para bukas"

"mama akin ben10"sigaw ni kuya harrold habnag papasok sa bahay

"akin mama spider man!"sigaw ni kuya ian habang paupo na sa kainan

"mama! mama ako din ha gusto ko superman" sigaw ko naman at saka lumapit kay mama para maghugas ng kamay.

"ella di pwede ang ibibili ko sayo ay--" naputol na ang sasabihin ni mama ng bigla namang nagsalita ang dalawa kong kuya

"BARBIE! hahahahah" sabay na sabi nila kuya.

"hoy tara na nga at maghugas kayo ng kamay ng makakain na" saway ni mamasa mga kuya ko.

pagkatapos ay umalis na nga si mama para mamili ng school supplies.

unang araw ko sa elementary bukas dahil dati ay sa preschool ako nag aaral kaya kailangan ko ng lumipat sa school nila kuya.

KINABUKASAN

"hahhahha gab ang panget mo hahah"

"hahaha nakapalda hahha muka kang babae"

"hahah tama samahan mo pa ng trolly na pink with--"

"barbie hahaha"

inaasar lang naman ako ng dalawa kong kuya dahil nakapalda ako, pasukan na kase ngayon, kaninanga ay galit na galit na ako kay mama sa kwarto ko dahil plada ang ipinasusuot niya sakin.

"kayong dalawa tigilan nyo na nga si ella talagang mukang babae yan dahil babae siya, kayo ha? alagaan nyo yung kapatid nyo sa school"

"mama baon namin?" tanong ni kuya ian.

"eto oh ikaw na maghawak niyan ibigay mo na lang sa mga kapatid mo kapag recess na" sabi i mama saka abot kay kuya ng 60 pesos.

sumakay na kami sa trycycle na service namin papuntang school at aalis naman si mama para magtrabaho sa parlor.

MAKALIPAS AG 4 YEARS SA ELEMENTARY.

"gabriella tara sali ka samin maglalaro kami ng ten twenty"

"eh maglalaro kasi kami nila vince ng jolen tutal lunch break pa naman, sige labas na ako ah" sabi ko at tumakbo na pababa sa building namin papunta sa garden kung saan maglalaro kami ng mga kaklase kong lalaki.

"hoy gab anjan ka na pala oh tara na magsimula na tayong maglaro, walang barya barya ha? yung kape na holen ang pambato dapat"sabi ni john at nag lagay na kami ng mga taya namin sa loob ng box.

"hoy gab pano ba yan loob ka haha atalo yata si gab ngayon ah" sabi pani mike at tinira na ang pato niya nakapagpalabas siya ng tatlo at di kasama ang pato ko. sila sila ang naging kaibigan ko simula grade one hanggan ngayon, at tama din dahil taga samin din sila pinsan niya si brian.

TINGGGGG!!!!!!!!!!!!

biglang tumunog ang alarm at biglang kung kinuha ang pato ko mula sa box at tumakbo na papanik ng room.

"hoy gabbbb maduya ka!!" sigaw niya pa pero di ko a siya pinansin pa.

nakita ko naman si red (babae si red)

"red! patabi ah?" sabi ko at umupo na sa tabi niya, tahimik siya may maikli siyang buhok na kita na ang batok pero di naman siya gupit panglalaki.

"bakit di ka lumabas?" tanong ko sa kanya haang nagpapalinis naman yung teacher sa unahan.

"ah nahihiya kase ako sa mga classmate natin eh"

"ha bakit naman? bakit di ka sumama kila jane sa pag chichinese garter"

"bakit ayaw ka ba nila isali? sabihin mo lagot sila sakin"

"haha di ah gusto ko den kasi maglaro kasama nyo nila vince eh"

"haha yun lang ba? o sige sama ka samin bukas maglalaro ulit kami"



~titibo-tibo

https://youtu.be/PzULf7Ire3E

https://youtu.be/PzULf7Ire3E

titibo-tibo by moira!!!!



TITIBO-TIBO A ONE SHOT STORY by messyl!cousWhere stories live. Discover now