Nasa arriving area kami ngayon dito sa NAIA para sunduin si papa, bukas makalawa na ang birthday niya at sa isang lingo naman ang birthday ni mama, maghahanda lang sa bahay si mama katulong si tita mila ang nakakatandang kapatid ni mama kasama si tito gorg kapatid ni papa na chef sa laguna. Dadating ang mga relatives namin from laguna, kaya mapupuno ang simple naming bahay.
"Oh ayan na ang naglalabasan na" excited na sabi ni mama habang lahat kami ay nakaabang sa exit.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si papa dala ang isang malaking maleta niya at dalawang hand bag, agad na kinuha nila kuya ang dala ni papa at nilagay sa van na inarkila namin kay tito jhong ang bunsong kapatid ni papa.
"Hyst! Ang gagwapo at ang ganda ng mga anak ko!" Biro samin ni papa at ginulo ang buhok namin.
"Aba gabriella aba dalaga na pala ang bunso ko, ang tanda ko na pala haha" pero ni papa sa sarili nya.
"Pa baka naman barbie pa din iregalo nyo jan kay gab?" Tanong ni kuya harrold.
"Ah hindi ah? Mamaya ko na lang ipapakita sa inyo tara na at baka maabutan pa tayo ng traffic" sabi ni papa at sumakay na kami sa van.
"Oh kuya kamusta naman sa saudi?" Tanong ni tito jhong kay papa, si tito jhong ang nagda drive habang si papa naman ang katabi nito sa driver seat samantalang magkatabi kami ni mama sa sumunod na linya at nasa hulihan sila kuya ian at kuya harrold.
Dahil tanghali na rin ay dumaan muna kami sa moa para pananghalian at maggala ng kaunti.
Habang nakain kami sa isang restaurant ay nag vibrate ang cellphone ko.
From charles:
Kumain ka na ba?Balak ko pa sana mag reply kay charles pero dumating na ang order naming pagkain at sa sobrang excited namin na magkasama sama ulit kumain after almost 1 and a half year.
Natapos kaming kumain at umikot muna sandali, nagpunta kami sa mga pasyalan at pagdating ng hapon ay umuwi na din.
Nagtulungan pa kami na ayusin ang gamit ni papa, at bandang ala sais na kami nakapag pahinga, nagdeliver na lang kami ng pagkain sa isang restaurant dahil pagod din si mama at tinatamad magluto.
Nagaayos na din si mama ng mga listahan sa maliit na salo salo sa birthday ni papa at sa birthday naman ni mama saka uuwi ang mga kamag anak namin galing sa laguna.
"Oh pa akala ko ba may regalo ka samin?" Tanong ni kuya harrold.
"Oo ng pa?" Dag dag pa ni kuya ian."Kayo talaga, bukas ko na lang ibibigay sa inyo" sabi ni papa na paakyat na ng hagdan.
"Eh pa, paano naman ako?" Tanong ko kay papa habang nag iistrum ng gitara.
"Bukas na den yung iyo ella, magsitulog na kayo at may pasok pa kayo bukas.
Pagkatapos ng pinapanood namin nila kuya na harry potter ay nagsipanikan na din kami.
Paghiga ko sa kama ay nadaganan ko ang cellphone ko, nang buksan ko ito ay may 4 na messeges si charles.
12:09
Wala pala kayo sa bahay nyo,dumaan kasi kami ni rich bibigay sana nya yung flash drive para sa project nyo.3:48
Panutsa
Isang kulay brown na pagkain
Sa tigas nito ay parang nakakabasag ng ngipin,
Pero di mo aasahan ang tamis sa oras na iyong kagatin.
Gabriella para kang panutsa, sa unang tingin akala mo ay bato
Ngunit ng makilala mo ay makikita mo din ang matamis nyang ngiti.7:56
Good eve gab10:24
Good night gab see you sa school.Ngayon ko lang nabasa ang nga message nya dahil kanina sa moa ay nilagay ko ang cellphone ko sa bag at kaninang pag dating ko ay naiwan ko naman ito dito.
YOU ARE READING
TITIBO-TIBO A ONE SHOT STORY by messyl!cous
Teen FictionTHIS STORY IS INSPIRED FORM THE SONG TITIBO-TIBO , AND PLEASE BEFORE READING THIS PLEASEWATCH THE SONG OF MOIRA TITIBO-TIBO ON YOUTUBE THANKS GUYS!! PLEASE VOTE!! COMMENT!! AND SHARE!!! (ON-GOING)