chapter 8: one month

79 3 0
                                    

After one month

Nakalabas na si kuya harrold sa hospital 2 weeks after niyang maconfined.

October ngayon, malapit na ang birthday ni papa at ni mama sigurado akong uuwi siya para magcelebrate kami ng kaarawan nila.

Si charles naman ay patuloy ang panliligaw sakin, at di mawawala naman ang mga tula niya sakin at yung pagkanta kanta nya para sakin, isang beses nga ay tumawag siya sakin at pagbukas ko ay kumakanta siya ng angels brought me here..
And ang bago ay accapella yon at walang gitara, nakaktunaw yon dahil sa ganda ng boses niya samahan mo pa ng magandang umaga.....

Si sean naman ay alam kong may gusto siya sa kuya ko pero hinayaan ko na lang, alam ko naman na di pa siya sure dahil ganyan din ako kay charles.

"Gab!!" Narinig kong sigaw mula sa likod ko.

"Oh ano ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya dahil nagsosolo lang siya, nandito kami ngayon ni kuya harrold sa divisoria at namimili ng pwedeng iregalo kay papa at kamamanil si kuya ian naman ay busy sa mga school works niya.

"Ah wala naman bibili lang ako ng mga piyesa ng gitara, tas nakita ko kayo, sino bang kasama mo?" Tanong niya sakin at tumingin sa likod ko.

"Ah si kuya harrold lang namimili kaming panregalo eh, tara ano sabay na tayo?" Yaya ko sa kanya.

"Ahsige ba?" Sabi niya at niyaua ko siya sa mga pabangong pambabae.

"Pabango panreregalo mo kay tita?" Tanong niya.
"Ah oo, nagcocolect kasi siya ng mga ganyan eh" sabi ko at namili ng pabango.

"Uyy gab, oh nik anjan ka pala"
"Ano kuya may nabili ka na ba?"
"Oo eto hmm? Sumbrero at polo short kay papa, tapos blouse at payong kay mama" sabi ni kuya hawak ang dalawang paper bag.

"Pabango kay mama at sinturon kay papa ang reregalo ko, wala akong maisip eh" sabi ko at kinuha na ang napili kong pabango.
Binayaran na namin yon, at napahdisisyunan naming kumain dahil tanghali na din.

"Gab? Humanda ka paguwi ni papa" sabi ni kuya harrold sakin at pumunta na sa counter.

"Ano daw?" Tanong ni nik.
"Ewan ko don? Hayaan mo na lang" sabi ko ay nik at inintay namin si kuya dala ang pagkain namin.

Habang kumakain ay may narinig kaming ingay na tila nag aaway sa kalapit na table at ng tingnan namin iyon ay.

"Tingnan mo nga naman kung minamalas ka? Karma ba yan? Tsk? Natatawang sabi ko.

"Teka yan ba yong? Drake? San nya kaya napulot yan huh?" Natatawa ding sabi ni nik.

"Ano ba binatawan mo nga ako!! Drake ano ba?! Nasasaktan ako!!" Sigaw ni nina habang hinihigit ang braso niya mula sa pagkakahawak ng drake na yon.

"Nina! Napupuno na ako sayo ha?! Umuwi na tayo!" Sabi ni drake at hinila si nina.

"Ano ba drake!! Di na nga ako sasama sayo!! Ayoko na sayo!!" Sigaw ni nina kay drake at isang malakas na sampiga ang nakuha ni nina mula kay drake.

"Ay grabe naman yan?"
"Tungan nyo kaya yung babae?"
"Hays kawawa naman yung babae?"
"Ano na yan? Nagskandalo pa?" Bulung bulungan ng mga tao sa kainan.

Nagulat na lang kami ng biglang tumayo si kuya harrold mula sa kinauupuan niya.

"Oh kuya? San ka pupunta? Hayaan mo na si nina" pagpipigil ko kay kuya.

"Si nina yon? Baka mapatay pa siya ng lalaking yon"

"Kuya! Ano gusto mo ikaw naman ang mamatay?!" Sigaw ko kay kuya, pero dumiretso pa din siya at hinampas ang batok ni drake dahilan para mawalan ito ng malay. Agad naman lumapit ang mga security guard at binuhat ang walang malay na si drake.

Agad naman naming nilapitan ni nik si kuya.

Ngayon naman ay akay akay niya si nina na may pasa ang kanang pisngi.

Bigla namang lumapit ang isa sa mga kaibigan ni nina at hinatud na ito palayo mula sa mga nakikiusyosong tao.

***

"Kung nakita nyo lang talaga!, tsk si kuya kasi pinakielaman pa yung ex niya, buti nga sa kanya" paglalabas ko kay mama habang nagluluto ng sinigang.

"Yaan mo na ang kuya mo gabriella, sabi mo nga ex nga ng kuya mo edi shempre minahal niya din yon" sabi naman ni mama habang hinahalo ang sinigang.

"Okay" nasabi ko na lang habang naghihiwa ng iba pang gulay.

*brrttt!*

From:charles

Ikaw si gab
Ikaw ang aking love
Dahil sayo para akong dove
Lumilipad hanggang sa mag night
You guide me to your life
Because of your light.
Kahit hindi ka lite, (;
For you I'll fight
Cause i want to live,
And sleep with you until we grow...♡

Napangiti na lang ako ng mabasa ko ang taglish niyang tula para sakin.

"Uyy gab! Yung gulay sabi ko" nagulat ako sa sinabi ni mama at inabot agad ang gulay nahiniwa ko.

"Death treath ba yang nakuha mo at nakatulala ka sa cellphone mo" sabi ni mama habang nilalagay ang gukay sa kaserola.

"Hindi ah? San naman ako makakakuha ng death treath" sabi ko kay mama at nilagay na sa lababo ang plato at pumunta ako sa sofa.

*charles calling*

"Hel---"

"Inlove na ako!inlove na sa'yo
Sana'y malaman mo
Ang damdamin ko
Tinamaan ako
Tinamaan sayo,
Sanay sabihin mo sayo ay may
Pag-asa ako...."

Natahimik pa din ako Im still in the shock moment ng bigla na lang niya binirit ang high note ng kanta ni darren.

"Hello?gab?"
"A-ah oo naman"
"Ha? Anong oo naman?" Takang tanong niya.
"Sabi ko gusto mong sabihin ko na may pagasa ka,.... ka s-sakin?" Nagaalinlangan kong sagot.
"Hahahah hyst!, mabuti na yung alam ko"
"Ah- eh nga pala malapit na ang birthday ni rich ah?, si papa din uuwi na next week"
"Ah oo nga eh, baka maghanda kami dito punta ka ha? Sama mo na din dalawa mong kuya" sabi pa niya.
"Si kuya Ian kahit di ko yayain sasama yon kung hindi busy lalo na najan pa yung pinsan nyo si lea at si kuya harrold naman, sure ako sasama yon dahil,"   sa isip ko'dahil kasama si sean?'

"Dahil ano?" Tanong ni charles
"Dahil kasama kami ni kuya Ian"
"Kamust na nga pala si kuya harrold wala ba siyang nililigawan ngayon?"tanong ni charles.
"Bakit balak mo ligawan?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Di ah? May nililigawan na ako eh, gabriella Diaz ang pangalan" parang biglang natunaw ako sa sinabi niya,

"H-haha eto naman joke lang" pagbawi ko sa sinabi ko.
"Sa pagkakaalam ko naman wala eh"

Nagusap pa kami hanggang sa tinawag na ako ni mama para kumain ng tanghalian.

Gabriella iyon ang kaunaunahang binaggit niya ang buong pangalan ko, tumagos sa puso ko na unti unting lumalambot.
Eto ba yung pusong mamon? O eto yung pusong tumitibok tibok  dahil inlove at balot ng pagmamahal ni charles?.
Hindi ko parin maintindihan yung nararamdaman ko pero sana makapaghintay ka charles...

-titibo tibo

A/N: sorry sa sinigang na update, hindi maasim pero masabaw ^~^v

TITIBO-TIBO A ONE SHOT STORY by messyl!cousWhere stories live. Discover now