chapter6: LIGAW

125 3 0
                                    


"Hyst!!" Reklamo ko sabay tumayo sa kama at ginulo ang buhok ko.

2:38 am

Umaga na pala pero di pa den ako makatulog, kaninang mga 11 kami umuwi ni kuya mula sa birthday ni charles at di pa den ako makapaniwala.

"Hyst!, ano ba gabriella! Inaalala mo na naman eh!" Sabi ko at ginulo ang buhok ko.

"Ano? Gabriella? Kailan ko pa tinawag ang sarili ko ng ganon? Its gab? Okay take two, gab matulog ka na!"hay nako para na akong baliw dito.

Dahil muka na akong tangga sa kwarto ko na salita ng salita ay bumaba muna ako at nagtimpla ng gatas. Pero nagulat ako ng mapadaan ako sa bintana ng kwarto ko ay may taong nakatayo sa labas ng gate.

Nilapit ko ang muka ko sa bintana at nagulat pa ako ng makita ko kung sino ang nandon.

"Charles?--"

"Oo kanina pa siya nanjan---"

"Ay anak ka ng nanay mo--kuya Ian!! Bakit ka ba nangugulat"sigaw ko sa kanya ng makita ko siyang nakasilip sa pintuan ko.

Tuluyan na den siyang pumasok at binuksan ang ilaw ng kwarto ko.

"Ang sabi ko kanina pa nanjan si charles, nagulat nga ako eh akala ko akyat bahay"sabi niya pa at umupo sa kama ko.

"Ang tanong ko bakit ka nangugulat?"sabi ko sa kanya at inayos ang kurtina.

"Bakit kaya nanjan yan?" Sabi niya na para bang alam ko, pero teka bakit nga ba??.

"Aba malay ko!bakit di siya tanungin mo" Sabi ko sa kanya.

"Pero teka bakit ba kase gising ka pa?" Sabi ko at inagaw ang unan ko sa kanya.

"Eh ikaw bakit gising ka pa?" Banat naman ni kuya sakin.

"Tsk! Pake mo?" Sabi ko sakanya at tinataboy na siya sa kwarto ko.

"Bumaba ka na don tanungin mo si charles kung bakit nanjan siya, at matulog ka na, matutulog na den ako"sabi niya at lumabas na siya ng kwarto ko.

Inintay ko muna makapasok si kuya sa kwarto niya, at saka ako bumaba, binuksan ko ang ilaw sa labas at nakita ko nga si charles don.

"Ano ginagawa mo jan?" Tanong ko sa kanya habang naka silip sa may screen ng pinto.

"Ah sorry , ginising kapa yata ng kuya mo, hmm tutal nandito ka na din naman,Gab yung sinabi ko sayo kanina, totoo yon at seryoso ako sa gagawin ko, thanks den dahil binigyan mo ako ng pagkakataon" mahabang sabi ni charles sakin.

"Ah, oo naman pumayag naman ako charles eh, sige na umuwi ka na at matulog ka na kase umaga na,"sabi ko sa kanya.

"Ah sige gab, good mor'night"sabi niya at ngumiti ng napakalawak sakin.

"Mor'night? Hahah sige sabi mo eh good mor'night"natatawang sabi ko sa kanya, san niya naman kaya napulot yung mor'night niya?

Pagkasabi ko nun ay kumaway na nga siya at naglakad palayo, pumasok na naman ako at sinara na ang pinto, magkakanaw pa sana ako ng gatas pero panay na ang hikab kaya di ko na  tinuloy,

Pumanik na ako sa kwarto ko at pinatay ang ilaw, humiga na ako sa kama at bumagsak na nga ang mga talukap ng mata ko.....

"Tsk!, nakita lang si charles nakatulog agad? Siguro sila na"alam kong si kuya Ian yon pero sadyang nilunod na ako ng antok.

ZzzzzzZzzzZzzzzzzzZzzzzzZzzzZzzZz!!!

***

"Bakit ganyan ang itsura mo gabriella? Muka kang zombie"sigaw sakin ni mama pagdating namin ni kuya sa hospital para dalin ang mga gamit ni kuya, di ako pumasok sa school, ako kase ang magbabantay kay kuya ngayong umaga dahil papasok pa mamaya si mama sa parlor at si kuya Ian naman ay mamaya pa ang pasok ng alauna ng hapon.

TITIBO-TIBO A ONE SHOT STORY by messyl!cousWhere stories live. Discover now