Chapter II - Coming Home

991 11 2
                                    

        "Yes, he's finally going home." wika ni Ira habang may kausap sa cell phone at naglalakad patungo sa hospital room ni Nathan. "Uh, huh. That's why I asked Manang Lagring to cook all his favorite dishes." tuloy pa niya na tila sobrang excited sa mga maaring mangyari bago matapos ang araw na ito. Pagdating niya sa kuwarto ni Nathan ay nagulat siya na bihis na ito at naka-empake na ang mga gamit. "Sheena, I'll have to call you later. Bye." Nag-iba ang tono ng boses ni Ira. Pati na rin ang mukha niya na kanina ay maaliwalas at punong-puno ng saya ay nagbago. Nagsalubong ang kanyang mga kilay na tila may kinaiinisan. 

        "I see you're already dressed. Sino ang tumulong sa iyo magbihis, yung magandang nurse na naka-assign sa'yo?" May bahid ng pagpaparatang ang tono ng boses ni Ira ng mga sandaling iyon at hindi na niya maitago ang inis at selos na ikinagulat ni Nathan. "Huh? I'm not a little boy, you know. I can dress up by myself." sagot ng lalaki. "Ikaw lang naman ang nagpupumiilt na tratuhin akong bata na walang alam gawin para sa sarili eh." tuloy pa niya. Di na rin matago ni Nathan ang inis sa asawa dahil sa loob ng isang buwan mula ng siya ay nagising, itinuring siyang parang sanggol ni Ira. Noong una ay masaya pa si Nathan sa pagba-baby sa kanya, ngunit habang tumatagal ay hindi na ikinatutuwa ng lalaki ang ikinikilos ng kanyang asawa. Minsan nga ay iniisip nya na baka hindi aksidente ang nangyari sa kanya kung hindi attempted suicide dahil hindi niya alam kung paano nya natagalan ang ganitong pag-uugali ng asawa niya. Maliban sa nakakasakal na pagaalaga ay medyo may pagkaselosa si Ira. Pakiramdam niya ay ito din ang dahilan kung bakit maliban sa best friend ni Ira na si Sheena, ay wala nang ibang dumalaw sa kanya sa ospital. 

        "Are we going to fight about this again?" seryosong tanong ni Ira. "You're not going to get better if we keep doing this." dagdag pa niya. Gusto siyang sagutin ni Nathan ngunit naisip niya na lalo lang lalaki ang gulo kung mangangatuwiran pa siya. Besides, it's hard to argue when you're not even 100% sure about who you are yet. It's been a month, pero wala pa rin maalala si Nathan tungkol sa nakaraan niya maliban sa kanyang propesyon. Isa siyang architect na nagtatrabaho sa isang architecture firm na pagaari ng ama ni Ira. Ang sabi ni Ira, ang pagresign daw ni Nathan mula sa kumpanya ang pinagumpisahan ng away nilang magasawa noong gabi na siya ay maaksidente. Hindi na raw bago ang mag-walkout si Nathan tuwing nagaaway sila. Noong gabing iyon, hindi inalintana ni Nathan ang lakas ng ulan at umalis pa rin siya ng bahay dala dala ang sasakyan na iniregalo sa kanya ni Ira nung kanyang huling birthday. Hindi na alam ni Ira ang mga susunod na pangyayari, ngunit sabi sa police report ay may mga testigo na nagsabing pagewang-gewang daw ang sasakyan ni Nathan bago ito bumangga at pumulupot sa isang poste. Pilit inaalala ni Nathan ang gabing iyon, pero wala talaga siyang maalala tungkol sa aksidente. Tahimik ang mag-asawa nang may pumasok na isang male nurse sa kwarto. May dala-dala itong wheelchair na sasakyan ni Nathan hanggang sa may patient's exit ng ospital. He doesn't like the idea na kahit kaya na nyang maglakad papalabas ay kailangan naka-wheelchair pa siya, pero hospital policy ito at mismong ang doktor na niya ang nagsabi na kailangan niya itong sundin. Pakiramdam niya ay utos lang sa kanya ni Ira na sabihin ito para mapasunod siya, pero hinayaan na niya para hindi na sila mag-away ng asawa niya. 

      Sa pagpasok ng nurse ay binasag na rin ni Ira ang katahimikan nilang dalawa. "Hon, this is Alfred. He's going to be your private nurse until you're fully recovered." Private nurse? Baka personal alalay-slash-spy! Hindi man nasabi ng malakas ni Nathan ang mga salitang iyon ay halatang-halata naman sa mukha niya ang pagkadismaya at pagkainis sa pagde-desisyon ni Ira on his behalf. Tumango na lang siya at umupo sa wheelchair. Tumahimik na lamang si Nathan mula ng ilabas siya ni Alfred sa kwarto hanggang sa makalabas ng ospital. Sa kotse naman, nagsasalita lang siya kapag may gusto siyang itanong sa driver tungkol sa mga building at kalyeng nadadaanan nila pauwi. Wala siyang matandaan sa mga nakita niya sa labas ng ospital. It's as if he's never passed through these streets before. Finally, kinausap na rin ni Nathan si Ira. "Where are we?" tanong niya. "This is your hometown, Nathan. This is San Teodoro. You grew up here." parang may pagaalinlangan sa sagot na ito ni Ira.  "Oh, okay." Ito na lamang ang nasambit ni Nathan. Habang naka-confine pa siya sa ospital ay ikinuwento ni Ira kay Nathan ang mga alam nito tungkol sa kanyang nakaraan. Kung saan siya ipinanganak, lumaki, at nag-aral, pati na rin kung paano sila nagka-kilala. Sabi ni Ira, magkaklase daw sila nung Freshman year nila sa college. Gusto ng daddy ni Ira na maging architect din ang kanyang unica hija, pero napilitan lang talaga si Ira na kunin ang course na iyon. Si Nathan daw ang nagconvince sa kanya na kausapin ang daddy nya na payagan siyang mag-shift to a business course. That way she could still run the firm kahit hindi siya architect. Doon daw nahulog ang loob ni Ira sa kanya. 

Biglang tumigil ang kotse nila sa harap ng isang malaking compound. Bumusina ang driver nila at unti-unting bumukas ang higanteng gate at nakita ni Nathan ang isang sobrang laking bahay. "Where are we?" Tanong niya sa asawa. "We're home!" sagot naman ni Ira. Hindi makapaniwala si Nathan sa nakikita ng mga mata nya habang tinatahak ng kotse ang napakahabang driveway. Dito ako nakatira? Wow. Wala na ibang maisip si Nathan kung hindi WOW! When they got to the end of the driveway, unti unting binuksan ni Nathan ang pinto ng sasakyan habang nakatitig sa malapalasyong bahay sa harapan niya. Nagulat na lang siya ng nakita nyang nakahanda na ang wheelchair sa harap nya.

"I don't need that." sabi nya kay Alfred.

"Pero sir, sabi po ni Ma'am Ira..." 

"Sabi ko, di ko kailangan ng wheelchair."

"Don't be silly, Nathan. You're not better yet." singit ni Ira. Huminga ng malalim si Nathan. Ayaw nyang makipagdebate tungkol sa wheel chair, pero ayaw din naman niyang tratuhin siya ng parang walang silbi. Hindi niya pinansin ang wheel chair at inakyat ang mga hagdan papunta sa engrandeng pintuan ng bahay. Nagtagal siya sandali sa may pinto at pinagmasdan ang paligid at ang pagkakagawa ng main entrance ng bahay. Parang pamilyar ang disenyo nito.

"You designed this house for us, hon." sabi ni Ira.

Napangiti si Nathan sa narinig. He was impressed with what he saw. "Can you show me around? I want to see the whole house. Maybe I'll remember something."

"You're being silly again, Nathan. You need to rest." pa-iling na sinabi ni Ira. "Okay, I won't force you to use the wheelchair, but you need to go straight to the bedroom." Pumayag na rin si Nathan dahil medyo napagod siya sa biyahe at sa pipilit sa sarili na maalala ang nakaraan niya. Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang mga katulong na naka uniform pa na bumubuhat sa mga gamit niya para i-akyat sa kwarto. Lahat sila ay nakangiti at  tila masayang nakauwi na siya. Mental note: Alamin ang pangalan ng mga katulong, Kilalanin sila at magpakwento ng nalalaman nila tungkol sa akin.  

"Sir, dito po ang daan papunta sa kwarto ninyo," sabi ng isang katulong na may bitbit ng maliit niyang maleta. Sumunod si Nathan sa kanya paakyat ng hagdan. Ang mga mata nya ay naglilikot. Paikot-ikot ang tingin niya sa paligid. Nang dumating sa kwarto ay nagpasalamat siya sa nakangiting babae sa harapan niya at sinabing tatawagin na lang siya kung may kailangan. Isinara niya ang pinto at humilata sa kama. I need to get my memory back. ang huling naiisip ni Nathan bago siya nakatulog.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon