Chapter XIV - Coming Home - Again.

581 12 0
                                    

Haaaaayyy... na-miss ko ang laptop ko... 2 chapters to go (plus epilogue)...

Inumpisahan ko na rin ang 2nd mystery/thriller story ko, ang Trauma. Hanapin nyo na lang sa profile ko... follow nyo na rin ako para masaya (walang pilitan... kung trip nyo lang naman)...

kung hindi rin naman abala, pa-vote na rin dito at sa iba pang gawa ko na nabasa nyo :) 

salamat

xoxo

Kareen

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Hindi mapakali si Nathan habang tinatahak nila ang daan papuntang Maynila. Maliban sa kinakabahan siya sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ng kapatid niyang si Sarah ay may nararamdaman siyang kakaibang kaba. Uuwi sila sa bahay na ipinatayo niya para sa kanilang mag-asawa. 

Ayaw ni Sarah na makatulog si Alfred sa biyahe kaya't inutusan niya ito na magkwento sa kuya niya tungkol sa kanila ni Ate Elisa. 

Sina Elisa at Alfred ay mga anak ni Don Antonio Calderon sa namayapa niyang asawa na si Conchita. Namatay ito nang dahil sa komplikasyon sa panganganak nang isilang niya si Alfred. Nang walong taong gulang pa lang si Elisa at apat na taong gulang pa lamang ang nakababatang kapatid ay muling umibig ito sa isang babaeng may anak na - ang mama ni Ira. Nang magpakasal sila ay inampon ni Don Antonio si Ira at itinuring na tunay na anak. Magka-edad lang si Ira at si Elisa at natural na nagkaroon ng inggitan. Sa sobrang inggit ni Ira kay Elisa ay madalas niya itong siraan sa ina at sa itinuturing niyang ama kaya naman ay madalas mapagalitan ang bata. Ipinagtatanggol naman siya ni Alfred kaya madalas ay nadadamay siya sa parusa. Nalaman ito ng lola nila - ang ina ni Conchita - kaya naman kinuha sila sa poder ng kanilang ama. Noong una ay hindi pumayag si Don Antonio, pero dahil na rin sa pangungumbinsi ng kanyang bagong asawa ay napapayag na rin ito. 

Masakit para sa magkapatid na talikuran sila ng sarili nilang ama, kaya naman kahit gumagawa ng paraan si Don Antonio na makausap sila o makasama ay tinatanggihan nila ito. Para sa kanila, wala na silang magulang. Ang lola na lamang nila ang tanging naging gabay nila sa paglaki. Nang sumapit ang ika-labingwalong kaarawan nila ay isa-isa nilang pinapalitan ng legal ang kanilang apelyido. Ginamit nila ang apelyido ng lola nila - Sanchez. Galit na galit si Don Antonio sa ginawa ng mga anak, subalit hindi niya magawang tuluyang i-takwil ang mga anak - lalo na't nabalitaan niya na namatay na ang lola na nag-aruga sa mga anak niya at nag-puno sa mga pagkukulang niya bilang isang ama. Pumayag naman ang dalawa at hindi naglaon ay nagkaayos din sila. 

Nang maka-graduate si Elisa sa kursong Interior Design ay agad siyang inalok ng trabaho ni Don Antonio. Noong una ay ayaw nitong tanggapin ang trabaho dahil gusto niyang maging successful nang walang tulong galing sa bilyonaryo niyang ama, pero napapayag naman siya nang mangako ang ama na hindi siya bibigyan ng special treatment at kapag nakapag-buo siya ng sarili niyang design portfolio at nakapag-ipon ng pera para makapag-tayo ng sarili niyang design firm ay hahayaan niya itong umalis. 

Galit na galit si Ira nang malaman ang ginawa ng ama. Gusto niya, siya lang ang bida sa mata ng mga empleyado doon. Si Ira ay ang head ng marketing department ng kumpanya. Siya ang in-charge sa marketng tasks para sa mga condominum, townhouse complex, at iba pang real estate projects ng kumpanya. Pakiramdam niya ay aagawin lang ni Elisa ang spotlight sa kanya. Ayaw naman ni Elisa ng ganoon kaya't hiniling niya sa ama na huwag siyang ituring na anak kapag nasa opisina siya. Walang nakakaalam tungkol sa tunay niyang pagkatao maliban kay Ira at sa ama nito - until Nathan came along.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon