Chapter XI - Missing

554 12 1
                                    

Sorry sa late update... mahirap pong kumita ng pera... kailangan kumayod ng todo...

Anyway...

last 5 chapters na lang! This was supposed to be a 20-chapter story pero naisip kong gawing 15 + 1 (epilogue) para hindi na gumulo pa ang storya... 

May update ulit bukas... ina-ayos ko lang ang takbo ng storya para maganda ang ending...

Happy reading!

xoxo

Kareen

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Ilang araw na rin ang dumaan simula nang malaman ni Nathan na hindi aksidente ang nangyari sa kanya kaya siya nawlalan ng alaala. Gusto man niyang kausapin si Alfred at magtanong pa tungkol sa nalalaman nito ay hindi niya magawa. Tuwing sinisimulan niya ay iniiba agad ng binata ang topic. 

Kahit si Sarah ay hindi rin masyadong naglalalapit sa kanya. Siguro ito ay dahil sa bantay sarado pa rin siya kay Ira. Tapos na naman ang pagpapagawa sa home office niya pero wala pa rin siyang takas dahil nga sa mala-aquarium ang hitsura ng opisina niya. Tuwing nagbabasa siya ng mga architecture books o di kaya'y pinag-aaralan niya ang mga projects na nagawa na niya noong nagta-trabaho pa siya sa firm ni Don Antonio Calderon ay nararamdaman niya na pinagmamasdan siya ng kanyang pekeng asawa.

Ilang gabi na rin siyang hindi nakakatulog ng maayos sa kakaisip niya kay Elisa. Pinipilit niya ang sarili niya na madagdagan pa ang kanyang naaalala, pero kahit anong pilit niya ay wala siyang napapala kung hindi sakit ng ulo. 

Bago nya nalaman ang tungkol kay Elisa ay pumapayag pa rin siya na may mangyari sa kanila ni Ira. Just because he doesn't love her, it doesn't mean he can't lust for her. Kasama na rin iyon sa pagkukunwaring wala pa siyang maalala. Pero ngayong mga nakaraang araw, iba na ang pakiramdam niya kapag nakikita niya si Ira. Parang may matinding galit siya dito pero hindi niya alam kung bakit siya nagagalit. Iniiwasan na rin niya na may mangyari pa sa kanilang dalawa. Nagkukunwari siyang natutulog na o di kaya'y dinadahilan niya na masakit ang ulo niya.

"For crying out loud Nathan! Ano ka? Babae? Ano ang dahilan mo bukas? May period ka?" inis na sumbat sa kanya ni Ira kagabi nang nagdahilan siya na sumasakit ang ulo niya para hindi matuloy ang pagta-talik nila.

Nakaupo siya ngayon sa desk niya. Alas onse na ng gabi. Umakyat na si Ira sa kwarto at naiwan siya sa office nila. Ilang araw na niyang gustong mag-search sa  internet tungkol kay Elisa pero natatakot siyang makita ni Ira ang computer screen niya from her side of the glass sliding door kaya nagpasya na lang siyang mag-aral nanggang magsawa sa kakahintay sa kanya si Ira.

He launched his web browser and typed "Elisa Sanchez" on the search engine. It took hijm a couple of seconds before he hit the enter key.

Madaming results ang nagsilabasan. Puro mga facebook at twitter profiles ng mga babaeng nagnangalang Elisa Sanchez ang top hits. He clicked on the 'News' tab. Doon ay may lumabas ng litrato ng babae na kanyang nakikita sa mga flashbacks niya.

Sa tabi ng larawan ay may nakalagay na headline. 

Housewife Found Dead Inside Their Home; Husband Appears To Have Been Abducted. 

Itinapat niya ang cursor sa link na ito at saka nag-click. Binasa niya ang artikulo

A woman was found dead in her home in Las Pinas City last Thursday afternoon. The victim, Elisa Sanchez - Villamor, 26, appears to have been hit on her head with a blunt object several times. Her husband, Jonathan Caleb Villamor, 28, an architect at the prestigious real estate development company Calderon Bulders Inc., was nowhere to be found.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon