Chapter VI - Revelations

637 16 1
                                    

Nathan shook his head. Bakit kamukha ni Sarah yung bata sa flashback niya? Flashback nga ba yun? Baka naman pinaglalaruan lang ako ng magulo kung utak.

"Sir Nathan." tawag ni Aling Lagring

"Bakit po Manang?" tanong ni Nathan na tumalikod para harapin ang matanda.

"Okay ka lang po ba? Gusto nyo pong tawagan ko si Ira?" concerned na tanong ni Aling Lagring

"Hindi na po. Magpapahinga na lang po ako sa itaas." sagot ni Nathan.

Bumalik na si Nathan sa kwarto niya. Medyo sumakit ang ulo niya. Sabi ng doctor, hindi daw malayong mangyari yun kapag bumabalik ang alaala ng isang taong may amnesia. He popped a few pills and downed it with a glass of water that he always keeps on his bedside table. 

Humiga siya at ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi na niya maialis ang mukha at boses ng batang iyon sa kanyang utak.

"Strawberry po, kuya Jonathan."

"Promise, you'll buy me another ice cream?"

Sino ka ba talaga Sarah? tanong niya sa sarili niya. Kapag tinignan mo si Sarah, lalo na't hindi niya suot ang uniform na suot ng lahat ng kasambahay sa pamamahay na ito, hindi mo iisiping namamasukan ito. Pati sa pananalita niya, parang hindi siya ang tipo na magsisilbi sa ibang tao. Para bang sanay siya na siya ang pinagsisilbihan. 

Hindi na nakapagpigil pa si Nathan at bumaba siya ulit sa kusina. Wala nang tao roon kaya hinanap niya ang pinakabata nilang kasambahay sa quarters nito. Wala rin siya doon. Nilibot niya ang buong ground floor ng bahay pero wala ang hinahanap niya dito. Paakyat na siya ulit ng hagdan nang makita niyang pababa si Sarah. Nakapagpalit na ito ng uniporme at may dalang basahan at feather duster. 

Tumango lamang ang dalaga nang makita niya ang amo niya pero hindi na pinalagpas ni Nathan ang pagkakataon na makausap si Sarah. He needed answers.

"Sarah, saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap."

"Sir, nilinis ko lang po ang guestroom. Tumawag po si Ma'am Ira. Dito daw po matutulog ang best friend niyang si Ma'am Sheena mamayang gabi." sagot ni Sarah na hindi pa rin makatingin sa amo.

"Ah ganoon ba?" tanong ni Nathan.

"Opo. Sige po sir, balik na po ako sa quarters ko." sagot ng babae at ipinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan ng nakayuko. Nanggigilid ang luha sa mga mata ni Sarah pero ayaw niyang ipahalata ito sa asawa ng taong nagpapasweldo sa kanya. Nakalagpas na siya kay Nathan ng biglang nagsalita ang kanyang amo.

"Sarsi?" tanong ni Nathan.

Sarah turned around instinctively and blurted out, "Kuya Jonathan?" her tears were already streaming down her face. She looked at him hopefully.

"Sarah, bakit ka umiiyak?' he asked.

Her face fell and she bowed her head again. "Ha, sir, wala po ito. I'm going to be okay." and she turned away again.

"Sarah, wait." Nathan ran after her and grabbed her wrist.

Sarah was still crying and she still couldn't face Nathan so she just stood still and kept quiet.

"Sarah, bakit ka lumingon nung tinawag kitang Sarsi? At bakit mo ako tinawag na Kuya Jonathan?" he asked gently. She sensed confusion in his voice and she knew she had to tell him the truth sooner or later.

She turned around and took a deep breath. After a few seconds, she finally spoke, "Because that's what you've always called me all my life. My real name is Sarah Jane Villiamor. Your full name is Jonathan Caleb Villamor and you're my brother."

Natulala si Nathan sa pag-amin ng babae sa harap niya.

It took a while for Nathan to get hits wits together. When he finally spoke, his tears were already falling down his cheeks like rain.

"Kapatid? Paanong nangyari - ? Bakit ka namamasukan dito? Bakit hindi ka nagpakilala agad? Ano ba talaga ang nangyayari dito?" sunod sunod na tanong ni Nathan.

"Kuya, let me explain" umpisa ni Sarah pero hindi na niya maituloy ang sinasabi niya dahil napaluhod na ang kapatid dahil sa sakit ng ulo.

"Aaaaaarrrrrrgggggggg!!!! Ang saaaaakkkkiiiiiiitttt!" sigaw ni Nathan.

"Kuya! Kuya!" sigaw ni Sarah na lumuhod na rin sa harapan ng kuya niya. "Aling Lagring! Tulong!" sigaw pa niya.

Tumatakbong lumapit si Aling Lagring sa dalawa at napa-sign of the cross ito sa kaba.

"Aling Lagring, dalhin natin sa sofa si Sir Nathan!" pautos na sabi ni Sarah sa matanda.

Sir Nathan? 

Naramdaman ni Nathan na binubuhat siya ng dalawa papunta sa living room para maiupo sa sofa. Nang nakaupo na si Nathan ay hindi na nito napigilan humiga. Nakapikit ito at namimilipit na sa sakit.

"Aling Lagring, kuha ka ng gamot at tubig!" utos ulit ni Sarah. "Mapapagalitan nanaman tayo ni Ma'am Ira kung maabutan niyang ganito ang asawa niya!" Sa taranta ay napatango nalang si Aling Lagring at tumakbo ulit papunta sa kusina.

"Kuya, kuya, sorry nabigla kita." bulong ni Sarah sa kapatid. Hinawakan ni Nathan ng mahigpit ang kamay ng nakababatang kapatid at iminulat ang kanyang mata para tignan siya. Magsasalita na sana ito ng pinigilan siya ni Sarah.

"Ssshhh kuya. Magpahinga ka lang diyan." Sarah whispered as Nathan nodded and he closed his eyes again. 

"Kuya, please, kahit anong mangyari, huwag mong sasabihin kahit kanino kung sino ako. It's not the right time. If that bitch finds out who I am and that I've found you, I'm going to lose you forever." she said.

Even if Nathan was in extreme pain, he understood what she meant. No one should know that he's beginning to regain his memory.

Sarah pulled her hand away from his all of a sudden as he heard Aling Lagring walking towards them with a pill bottle and a glass of water.

Nathan tried to sit up to accept the glass of water. He waved his hand signalling that he doesn't want the pills. "Uminom na po ako ng gamot kani-kanina lang. Hindi pa siguro umeepekto. Okay lang ako dito. Salamat ulit sa tubig." he said.

"Sir, sigruado po ba kayo?" tanong ni Aling Lagring.

"Oo, kailangan ko lang magpahinga ng konti. Dito lang ako sa sala. Iwan na ninyo ako." sabi niya sa matanda. Tumingin din siya kay Sarah at tumango lang. Naintindihan na ng kapatid niya ang ibig sabihin ng kanyang kuya.

Tumayo na si Sarah at sabay sila ni Aling Lagring na naglakad papalayo.

"Aling Lagring?" pahabol ni Nathan

"Ano po iyon sir?" sagot ng matanda na humarap agad sa amo.

"Huwag niyong sabihin kay Ira ang nakita nyo ngayon ha. Alam nyo naman yun kung mag-alala. Okay lang ako, pramis." sabi ni Nathan.

"Opo sir." sumangayon ang matanda. Tumango lang si Sarah at sabay na silang bumalik sa kusina.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon