Chapter IX - Sarah

575 10 2
                                    

Malapit na ang sinasakyan na taxi ni Sarah sa subdivision kung saan naroroon ang bahay ng amo niyang si Ira Calderon. Tinignan niya ang metro ng taxi at nasa 150 pesos pa lang ang patak nito. Naalala niya ang sinabi sa kanya ng kuya niya na ipambili niya ng ice cream ang sukli ng limangdaan na bigay nito kaya't sinabihan niya ang taxi driver na pumara muna sa may convenience store sa may labasan ng subdivision nila. Mabuti na rin iyon, para mabaryahan ang pera niya at hindi na mahihirapan ang taxi driver na suklian pa siya.

Pagkatapos bumili ng isang pint-size na strawberry ice cream ay sumakay ulit siya sa taxi at itinuro ang daan papunta sa bahay. Pagdating nila sa tapat ng bahay ay nagpatulong siya sa driver na ibaba na ang mga pinamili nila ng kuya Jonathan niya. Pagkatapos noon ay binayaran na niya ang driver at nagbigay pa ng tip. Agad niyang ibinulsa ang natira sa perang ibinigay ng kuya niya sa kanya. Simula kasi ng mamasukan siya dito ay parang lagi siyang kapos sa pera. Hindi siya sanay sa ganitong buhay. Sa Maynila siya lumaki at hindi man sila kasing yaman ng mga Calderon ay may kaya naman sila sa buhay.

Nagdoorbell siya at nagpatulong sa mga trabahador ng contractor ng renovations para maipasok ang mga gamit sa loob ng bahay. Siya naman ay dumerecho sa quarters niya upang itago muna ang ice cream bago niya pinuntahan si Ira para ibigay ang sukli at resibo ng ipinamiling materyales. Nang matiyak ni Ira na walang bawas ang sukling ini-abot sa kanya ay pinayagan na niya si Sarah na bumalik sa quarters nito.

Dumaan muna si Sarah sa kusina para kumuha ng kutsara. Strawberry ice cream has always been her favorite. Laging iyon ang pasalubong sa kanya ng kuya niya dahil ito lang yata ang bagay na hindi niya pinagsasawaan. In fact, she can finish off a whole pint by herself.

Sarah started eating her ice cream while thinking of a way to help her brother remember his past. Mukhang sa sobrang inis ng kuya niya sa paghihigpit ng pekeng asawa niya ay hindi na siya nagkakaroon ng visions of his past kagaya nang nangyari sa kanya noong nag-pinky swear sila. Sinadya ni Sarah na iyon ang sabihin sa kapatid sa pagaakalang makakatulong ito sa pagbalik ng kanyang ala-ala. Hindi siya nagkamali. Bumalik sa kanya ang ala-ala nilang magkapatid. 

Sa lalim ng pagiisip niya ay hindi na niya namalayan na ubos na pala ang ice cream na kinakain niya.  Inilapag niya ang empty pint ng ice cream sa isang maliit na mesa na nasa gitna ng kama niya at ng kasamahang si Osang. Lumuhod siya sa sahig at yumuko upang kunin ang isang maliit na maleta sa ilalim ng kama niya. Binuksan nya ang maleta at kinuha ang isang metal box at bumalik sa pagkakaupo sa kama.

Madalas niyang buksan ang box na iyon tuwing gabi pag tulog na si Osang.  Kapag ginagagwa niya iyon ay tinitignan nya ang mga laman nito gamit lamang ang ilaw na nagmumula sa cellphone niya. Tulad ng ginagawa niya gabi gabi ay binuksan niya ang box na iyon. Punong-puno ito ng newspaper clippings at lumang litrato.

Una niyang kinuha ang litrato nila ng kuya niya. Kuha ito noong high school graduation niya. Both of them were smiling from ear to ear in this picture. Naalala niya na sa graduation party niya nagpropose ang kapatid kay Ate Elisa.

She put that picture aside and took out another picture. It was a picture of Jonathan and Elisa on their wedding day. She wore a simple, yet elegant wedding dress and her long, brown, wavy locks were tied in a ponytail and rested on one side of her neck. May suot din siyang korona na gawa sa bulaklak at nagmukha siyang diwata. Isang maganda at mysteryosang diwata. Syempre, napakagwapo din ng kuya niya sa litrato. He was wearing a white barong na may chinese collar na lalong nagpakita ng kakisigan ng katawan nito.

Simple lang ang kasal despite their mother's protests. Simpleng babae lang naman si Ate Elisa eh at ayaw niya ng sobrang magarbong kasalan. Yun naman ang nagustohan ni Sarah sa kanya - di tulad ni Ira - saksakan ng arte.

Kilala niya si Ira noon pa, pero hindi siya kilala ng bruha niyang amo. 

Pagka-graduate kasi ni Jonathan ay nagsimula siyang magtrabaho sa architecture firm ng mga Calderon. Minsan ay nagkaroon ng team building ang kumpanya sa Tagaytay. Ayaw sanang sumama ni Jonathan dahil para lamang ito sa mga senior architects at mga mas mataas pa ang posisyon pero mapilit daw ang isa niyang kasamahan sa trabaho. Hindi daw niya matanggihan ito kasi anak ito ng big boss. Si Ira ang tinutukoy nito. Para makasigurong sumama siya ay sinundo pa siya ng babaeng iyon sa bahay.

Nakasilip lang si Sarah mula sa bintana ng kwarto niya sa second floor. Unang kita pa lang niya kay Ira ay kumukulo na ang dugo nito dito. Ang landi kasi eh. Panay ang hawak sa braso at balikat ng kuya niya habang kinukumbinse ito na wag nang magdala ng sarili niyang sasakyan at sa kotse na lang niya sumakay. 

"Nathan, ano ka ba? Isang car na lang tayo. Sayang sa gasolina, and I have a driver so you won't get pagod na sa pag-drive." maarteng wika ni Ira 

Kapag naaalala ito ni Sarah ay kinikilabutan siya. Ang arte lang talaga! Sobrang landi pa! At isa pa, siya lang ang tumatawag kay Jonathan ng Nathan. Her kuya hated being called by that name. Sa bahay at mga kaibigan kasi, Jon or JC ang tawag sa kanya. E sabi ni Ira, baduy daw kaya iba ang tawag nito sa kapatid niya. 

"Feeling close! Eh ni wala ka ngang alam sa buhay ng lalaking tinatawag mong asawa!"  sabi ni Sarah sa sarili.

Nakakatawang isipin na hindi alam ni Ira na may kapatid pang mas bata si Jonathan. Nagawa niyang magpanggap na mag-aaply bilang kasambahay at hindi man lang inusisa ang mga pekeng dokumento na ibinigay niya sa amo. Sarah Jane Villegas ang nakalagay sa birth certificate na pinasa niya - gawang Recto lang ito.

Matagal din na panahon ang ginugol nito sa paghahanap sa kapatid niya. Walang naniwala sa kanya nang sabihin niya na baka si Ira Calderon ang may hawak sa kapatid niyang bigla na lang nawala ng parang bula. 

Itinigil niya ang pag-aaral niya para lang hanapin ang kapatid. Ito ay isang bagay na hindi sinang-ayunan ng pamilya niya, pero hindi na nila siya mapigilan. Hindi pa rin niya sinasabi sa Mama nila na nakita na niya ang kuya niya. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos. Baka makatakas pa ang walang hiyang babaeng iyon. Kailangan niyang pagbayaran lahat ng ito.

Huling kinuha ni Ira mula sa box ay isang news clipping. Tinitigan niya itong maigi at di na niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya.

Ang nakalagay na headline sa clipping:

Woman Found Dead Inside Their Home; Husband Missing - Feared Dead. 

"Oo, akala ng lahat patay ka na Kuya Jonathan, pero alam ko ang totoo. Buhay ka pa at ipinapangako kong magbabayad ang gumawa nito sa iyo at kay Ate Elisa. Tutulungan kitang maalala ang lahat. Tutulungan ka namin ni Kuya Alfred." sabi ni Sarah habang kinukuha ang litrato ng isang maganda ngunit napakasamang demonyo - ang litrato ni Ira.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Si Alfred?

Hahahahaha! Abangan ang susunod na chapter... pahinga lang muna ako... sumakit ang ulo ko dito... hahaha... may update ulit mamaya.

XOXO

Kareen

P.S. Kung may katanungan kayo tungkol sa mga nangyayari dito sa kwentong ito... ako din... madaming katanungan... teka lang... kakain lang ako ng ice cream, baka mahanap ko ang kasagutan... Bwahahahaha!!!!

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon