Chapter XX - So, This Is The End (Part 2)

516 9 2
                                    

"I won't make this quick, Sarah. I hate you. I want you to suffer. I don't care if Nathan doesn't want me anymore. I just want you to die a slow and painful death for ruining everything. Pagkatapos mo, si Alfred ang isusunod ko - and then I'm going to kill Nathan, too."  seryosong sabi ni Ira.

---

Unti unting lumapit si Ira kay Sarah. Napapikit na lamang ang dalaga habang pinipigil ang luha na nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata.

"Please, Ira, no! I'll do anything you want! Just don't hurt my sister! Please!" mangiyakngiyak na pagsumamo ni Nathan kay Ira.

"You should have thought of that before you rejected me." malamig na sagot ni Ira. Ibinaling ni Ira ang kanyang buong atensyon kay Nathan at lumuhod sa harapan nito upang magkapantay ang kanilang mga mukha. Inilapag niya ang bukas na bote ng acido sa kanyang tabi para mahawakan niya ang mukha ni Nathan gamit ang dalawa niyang kamay. Tinitigan niya ito sa mata at saka mariin na siniil ng halik ang lalaki.

"It pains me that I have to kill you, but you have got to pay for all the hurt you've caused me. I did everything for us to be together. I even got rid of your stupid wife para wala nang humadlang sa ating dalawa, pero ayaw mo pa rin sa akin. Ibinigay ko sa'yo ang lahat lahat noong wala ka pang maalala tungkol sa nakaraan mo, pero hindi ka pa rin nakuntento! Kung ayaw mo sa akin, eh di ayoko na rin sa'yo! Magsama sama kayong lahat sa impyerno!" sabi ni Ira at saka tumawa nanaman na parang baliw. 

Sinamantala ni Sarah ang pagkakataon na nagbabaliw baliwan si Ira para sipain ang bote ng acido papalayo sa kanila. May kalayuan ang tinalsikan ng bote at dahil nakabukas na nga ito ay tumapon ang lahat ng laman nito sa sahig malayo sa kanilang tatlo. 

"You stupid little bitch!" sigaw ni Ira na biglang tumayo para tignan kung saan napunta ang acido na dapat ay ibubuhos niya sa mukha ni Sarah.

Agad ay lumapit ang dalawa sa mga hired goons ni Ira kay Sarah at hinawakan siya sa magkabilang braso habang ang dalawa namang natitira ay si Nathan ang hinawakan.

"Bitiwan nyo ko mga panget!" sigaw ni Sarah na nagpupumiglas. Humarap sa kanya si Ira at saka sinampal ng malakas.

"You're really getting on my nerves!" sigaw niya kay Sarah. "Dado! Kaloy! Ingudngod ang mukha ng walang kwentang babaeng yan sa acidong natapon sa sahig!" utos pa niya sa mga tauhan.

"No! Huwag ninyong saktan ang kapatid ko!" sigaw ni Nathan habang pilit hinihilia si Sarah ng mga lalaki. 

Kahit maliit lang si Sarah at balingkinitan ang pangangatawan ay malakas ito. Hindi siya agad mahila ng mga lalaki kahit dalawa pa sila kaya't bumitaw ang isa sa may hawak kay Nathan para tulungan sila. Ito ng humawak sa mga nakataling paa ni Sarah na kanina pa nagpapapadyak. Kahit tatlo pa sila ay hirap silang buhatin ang dalaga. Masyado itong malikot .

"No wonder I didn't fall in love with you no matter how hard you tried to make me." sambit ni Nathan."You're a monster." dagdag pa niya.

Tumawa lang si Ira sa sinabi ni Nathan ngunit bakas sa kanyang mga mata ang sakit. "I'm a monster because you made me one." sagot sa kanya ng dalaga. Tinalikuran niya ang lahat ng tao sa silid at saka nagbitiw ng huling salita bago buksan ang pinto papalabas ng model unit. ""I changed my mind. Kill them. Now." 

Binuksan ni Ira ang pinto at laking gulat niya nang may isang lalaking may baril na nakatutok sa kanyang mukha ang bumungad sa kanya.

"Itaas ang mga kamay!" sigaw ni Inspector Ruiz.

Agad na itinaas ni Ira ang kanyang kamay. Binitawan naman ng mga lalaki ang magkapatid upang bumunot ng baril ngunit sabay sabay nagsibasagan ang mga bintana sa paligid at biglang may nagsipasukan na mga SWAT at NBI agents sa silid. Wala na silang magawa kung hindi ang itaas ang kanilang mga kamay sa likod ng kanilang mga ulo at lumuhod upang ipakita ang kanilang pagsuko. Isa isa silang dinisarmahan ng mga pulis  at ang iba ay kinalagan ang dalawang bihag.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon