Epilogue

663 12 1
                                    

"Okay, Jonathan. Our time is up for today. Magschedule na lang tayo ng bagong session for next week?" sabi ni Dra. Castro kay Nathan.  "Kaunti na lang, Jonathan. You're making very good progress. The fact that you don't get the nightmares as often as you used to is a good sign. You're coping with your loss and pretty soon, you'll be okay." dagdag pa niya.

Binigyan lang siya ni Nathan ng matipid na ngiti at nagpasalamat. Tumayo siya mula sa sofa at nakipagkamay kay Dra. Castro bago siya lumabas ng opisina nito. 

Nang buksan ni Nathan ang pintuan papunta sa waiting room ay napako ang tingin niya sa isang babaeng nakaupo sa sofa doon. May kasama ito maliban kay Alfred at Sarah na naghihintay sa paglabas niya mula sa therapy session. Saglit lamang siya tinignan ng babae bago nito ibaling muli ang kanyang tingin sa magazine na binabasa niya, ngunit sa iilang segundong iyon ay nagtama ang kanilang mga mata. Kilala niya ang babaeng iyon. Siya si Alyanna Alvarez, ang anak ng may ari ng Alvarez Building and Construction. Alam niya ang kwento ni Alyanna at hindi niya mapigilan makaramdam ng awa. Pareho silang mabigat ang dinadalang sakit sa damdamin. 

Nasira ang pagkatulala ni Nathan kay Alyanna nang marining niyang muntik nang mapasigaw ang kasama nito.

"Ay, mamamng pogi!" gulat na sambit ng kasama ni Alyanna.

Napatingin si Nathan doon sa kasamang babae ni Alyanna at napangiti. 

"Kuya Jon! Na-miss kita!" bati kay Nathan ng kapatid niyang si Sarah.

"Ikaw naman, oh. Isang oras lang naman ang session, na-miss mo na agad ako?" pabirong sagot ni Nathan.

"Hindi Kuya. Na-miss ko yung ngiti mo. Ngayon ka lang ulit ngumiti after a long time." paliwanag ng nakababatang kapatid. "Does this mean na maganda ang kinalabasan ng session mo?" pahabol na tanong ni Sarah.

Tango lang ang tanging naisagot ni Nathan sa kapatid. Gustohin man niya ipaliwanag kung anong nangyari sa session nila ni Dra. Castro ay masyadong mahaba ito para ikwento. 

"Ah, Kuya Jon, kaklase ko pala noong high school, sina Arlene at - " pakilala ni Alfred pero hindi na niya natapos ang sinabi niya kasi sumingit si Sarah. 

"Yung kasama niya, siya si Alyanna. She's my new friend. Pero hindi mo siya pwedeng kausapin." walang prenong sabi ni Sarah.

Muling tinignan ni Nathan si Alyanna na halatang kinakabahan sa presencya niya. Kalat na kalat sa buong opisina ng ABC, Inc. ang nangyari sa panganay na anak ng boss nila. Nasa kolehiyo pa lamang si Nathan noon at doon siya sa kumpanya ng mga Alvarez inassign ng professor niya para mag OJT.

"Yes, I know her, and I know I can't talk to her. Doon ako sa company nila nag-OJT nung college, remember?" sagot ni Nathan kay Sarah.

Hindi maintindihan ni Nathan kung bakit hindi niya mai-alis ang tingin sa dalaga. Siguro ay dahil naiintindihan niya ang nararamdaman ni Alyanna. Hindi man pareho ang sitwasyon nila ay pareho naman silang nakaranas ng mga kahindik-hindik na pangyayari sa buhay nila. Naisip na lang ni Nathan na baka iyon nga ang dahilan kung bakit nagiging interesado siya sa dalaga. 

"Ay! Siya ba yung --" putol na sabi ni Sarah.

Pinanlakikhan siya ng mata ni Alfred kaya't napatahimik si Sarah. Nanlaki din ang mata niya habang tinatakpan ang bibig. Halata ang gulat sa mukha ng kapatid ni Nathan, ngunit mas nakakagulat ang sunod niyang ginawa. 

Halos talunin ni Sarah ang pagitan nila ni Alyanna at saka nito niyakap ang babae. Umamba ang kasama ni Alyanna na si Arlene na pigilan si Sarah, ngunit nang makita niyang hindi pumapalag at parang ninanamnam ni Alyanna ang yakap ni Sarah ay hinayaan na lang niya ito.

Ilang saglit lang ay lumapit sa waiting area ang receptionist ni Dra. Castro. Ngumiti ito sa akin at saka ibinaling ang attention niya kay Alyanna.

"Ms. Alvarez, the doctor will see you now." malumanay niyang sabi.

Hindi kumikilos si Alyanna sa kinauupuan niya kaya't sinenyasan na lang siya ni Alfred na aalis na kami. Nauna na kami ni Alfred lumabas ng waiting area at nagpaiwan lamang saglit si Sarah. Siguro ay pormal siyang magpapaalam sa bago niyang kaibigan. 

Naghintay ang mga binata sa tapat ng private elevator hanggang sa dumating si Sarah bago nila pindutin ang "down" button.

Tahimik silang naglakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Alfred. Habang naglalakad ay walang ibang iniisip si Nathan kung hindi si Alyanna. Pagsakay sa likod ng kotse ay umiling-iling si Nathan para maalis ang babae sa isipan niya.

Napansin iyon ni Sarah na nakaupo sa harap ng sasakyan, katabi ni Alfred.

"Kuya, are you ok?" nagaalalang tanong ng dalaga.

"Uh, yeah, I'm fine. I'm just tired." sagot naman ni Nathan.

Habang pauwi ay kwento ng kwento si Sarah tungkol sa mga nangyayari sa trabaho niya. Doon na rin siya nagtatrabaho sa kumpanya ng mga Calderon. Si Alfred naman ay pinipilit pa rin ni Don Antonio na mag-aral ng business para siya ang magmana ng negosyo, pero masaya na si Alfred sa pagiging nurse kaya naman si Nathan na lang ang inaasahan ng biyenan para mapanatili ang negosyo sa pamilya.

Nang malapit na sina Nathan sa kanilang bahay ay naipit sila sa traffic. Mabagal ang takbo ng stoplight sa lugar na iyon kaya't pag naabutan ng pulang ilaw ay matagal tagal din ang bubunuin bago mag berde ito. Habang naghihintay ay nakadungaw lamang si Nathan sa bintana. Hindi ito tinted kaya't nakikita niya ng maliwanag ang paligid kahit nakasara ito dahil sa aircon.

Nagulat si Nathan nang may pulubing biglang kumatok sa bintana. Babae ito na may nakatalukbong na tela sa ulo at mukha. Mata at noo lamang ang kita dito, pero halata na naaksidente ang babae dahil kita na sira at mukhang nasunog ang isang bahagi ng mukha nito. Sa gulat ni Nathan ay hindi na niya nagawang tignan ng mabuti ang mukha ng pulubi. Agad siyang naghanap ng barya sa bulsa para ibigay sa babae.

Nang makahanap ng dalawang sampung pisong barya sa bulsa ay binuksan niya ng kaunti ang bintana para i-abot ang pera at nilabas ang kamay. 

Napilitan ang pulubi na tanggalin ang kamay sa pagkahawak sa telang tumatakip sa kanyang mukha para abutin ang pera. Laking gulat ni Nathan nang hawakan nito ang buong kamay niya at halos maestatwa siya nang makita niya kung sino iyon. Si Ira. Nanlilisik ang mga mata at may malademonyong ngiti sa labi.

---

"Kuya, wake up. We're home." bulong ni Sarah sa kuya niya habang inaalog para gisingin. 

Nagmulat ng mata si Nathan at tumingin sa paligid. Wala si Ira. Wala yung pulubing may malademonyong ngiti. Nakatulog pala siya. Panaginip lang pala iyon. Huminga siya ng malalim at saka umamba na tumayo na mula sa kinauupuan niya. Bukas na ang pinto niya dahil binuksan ito ni Sarah upang gisingin siya. 

Nang bumaba si Nathan ay lumapit siya kay Alfred para tulungan ito magsara ng gate. Napansin niya na parang may pinagmamasdan ang lalaki sa labas kaya't tumingin na rin siya sa direksyon na iyon.

"Kuya Jon, nakikita mo ba yung babaeng pulubi na iyon? Yung nakatayo sa harap ng katapat-bahay natin?" tanong ni Alfred.

Kinabahan si Nathan sa narinig. Ayaw niyang tignan ang tinutukoy ni Alfred, subalit alam niyang hindi siya matatahimik kung hindi niya tignan kaya't hinanap niya ang babaeng tinutukoy ni Alfred.

Hindi makapagsalita si Nathan. Those eyes. That smile. Ang sunog na kalahating mukha. Hindi niya maipagkakaila. Si Ira iyon - at nakatingin ito sa kanila.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

A/N:

OH NOES!

BAKIT WALA SA KULUNGAN SI IRA?!?!?!?!?

ABANGAN SA SUSUNOD NA KWENTO (pagkatapos ng Trauma)

I love you guys! Thanks for reading!

xoxo

Kareen

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon