Chapter X - Alfred

549 11 4
                                    

"Sir, hanggang anong oras po ang paalam nyo kay Ma'am Ira?" tanong ng male nurse kay Nathan na nakaupo sa likod ng driver.

"Wala akong binigay na oras, pero kung hindi tayo umuwi bago magdilim, pare-pareho tayong lagot." sagot ni Nathan sa kanya.

"Sayang, Sir. Isusuggest ko sana sa Maynila na lang kayo maghanap ng inspirasyon." nakangising sabi ni Alfred. 

"Kung pwede lang sana, Alfred. Gustong gusto kong bumalk ng Maynila. Ewan ko ba kasi kay Ira kung anong kinatatakuan niya." sagot ni Nathan

"Baka kasi natatakot siya na malaman mo ang katotohanan na hindi siya ang asawa mo kung hindi ang Ate Elisa ko." pabulong na sabi ni Alfred sa sarili.

"Ano yun?" tanong ni Nathan

"Ah, Wala po." sagot naman ng nurse.

"Kung tungkol kay Ira yang sinasabi mo, sige lang. Hindi ko na rin matagalan ang ugali niya. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya pinakasalan." sabi naman ni Nathan. 

What he said was partly true. Hindi na talaga nya matagalan ang pagiging moody, possessive, at over protective ng babaeng iyon, pero dahil na rin sa rebelasyon sa kanya ni Sarah, alam niyang hindi niya ito tunay na asawa.

"Ganoon po ba? Eh paano po iyan? Ikakasal daw kayo ulit?" tanong ni Alfred

"Ewan ko ba. Sana bumalik na ang alaala ko bago mangyari iyon para alam ko kung ano ba talaga ang pinapasok ko." sagot ni Nathan

"Sir, Ito na po yung lumang simbahan dito sa San Teodoro." sabi ng driver habang ipinaparada sa gilid ng daan yung sasakyan.

Bumaba si Nathan at tumawid papunta sa simbahan. 

"Manong, dito ka lang muna ah. Susundan ko lang si Sir. Baka umatake nanaman sakit ng ulo niyan eh." bilin ni Alfred sa kasama. Tumango naman ang driver at nagpatugtog na lang ng radyo sa sasakyan para malibang.

Sumunod si Alfred kay Nathan at naabutan niya ito na nakaupo sa loob ng simbahan. Tinabihan niya ito.

"Sir, hindi nyo ba ako namumukhaan?" tanong niya sa alaga niya.

"Bakit? Dapat ba kitang maalala, Alfred?" patanong na sagot ni Nathan.

Yumuko lang si Alfred at pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalita na ito. "Alfred Sanchez ang buong pangalan ko. May kapatid akong mas matanda sa akin. Elisa ang pangalan niya, pero patay na siya ngayon." sabi niya.

"Elisa? Bakit parang alam ko ang pangalan na iyan. Elisa Sanchez." sabi ni Nathan

"Oo, Elisa Sanchez-Villamor." sagot naman ni Alfred bago siya tumayo at naglakad pabalik sa sasakyan.

Elisa Sanchez - Villamor

Napatingin si Nathan sa may altar habang paulit ulit sa utak niya ang sinabi ng nurse niya.

Elisa Sanchez - Villamor

Elisa Sanchez - Villamor

Elisa Sanchez - Villamor

Elisa Sanchez - Villamor 

Pumikit si Nathan at sa pagdilat niya ay parang nagbago ang paligid niya.

Simbahan pa rin ito, pero hindi luma. There were some people sitting on the pews and they were dressed up as if they were attending a wedding. Nathan wasn't sitting on the pew anymore. Instead, he was standing at the end of the aisle waiting for someone to walk towards him. 

Then he saw Alfred in a Barong Tagalog walking down the aisle with a woman in a white dress holding on to his arm. When they reached him, Alfred took his hand and shook it. He then said, "Kuya Jon, ikaw na ang bahala sa Ate Elisa ko ha." and then he gave him a hug. 

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon