Chapter XVII - The Informant

614 13 2
                                    

A/N:

Hello Amnesiacs :) (Naks, lakas ko mag-trip!)

Magulo ang utak ni Author... sabi ko noon, 15 chapters lang + epilogue... tapos naisip kong i-extend ng konti.. pero ngayon, final na... 20 chapters + epilogue na talaga!

Naisip ko kasi na palawigin pa ang kwento ng magkasintahang si Sarah at Alfred... planning to make a short (pwede ding humaba, depende sa reception ng tao) side-story about them... ang tentative title ay "Sa Gitna Ng Kadiliman" at ito ang kwento nang kung paano sila nagkakilala at paano na-in love sa isa't isa sa gitna ng kaguluhang nangyayari sa mga pamilya nila. Comment naman kayo kung gusto ninyong ituloy ko iyon... :) 

Yung pinangako kong pasabog, malapit na... 

xoxo

Kareen

P.S.

Salamat sa votes at comments... kahit ang dami kong silent readers, nagulat ako one time na nagrank #27 sa mystery/thriller itong Amnesia... sana madagdagan pa... para masaya, diba? I love you all!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Nathan cried himself to sleep inside the room he and his wife used to share. It was a dreamless sleep. Siguro ay sobrang pagod na lang talaga siya kaya nagpasya ang kanyang utak na magpahinga na rin muna.

Sa labas ng kanyang kwarto ay naroroon si Sarah, nagbabantay. Natatakot siya na baka magka-panic attack ang kapatid o di kaya ay ma-overwhelm sa dami ng emosyon na nararamdaman. Paminsan minsan ay sinisilip niya ang kuya niya. Iyak ito ng iyak habang yakap yakap ang unan na madalas gamitin ng ate Elisa niya noon.

Awang-awa siya sa kuya niya ngunit wala siyang magawa. Nang huling silipin niya ito ay wala na siyang naririnig na hikbi galing sa kapatid kaya naman nagsimula na siya magpanic. Dahan dahan siyang pumasok sa loob at tinignan ang kalagayan ni Nathan. Nang napansin niya ang pantay na paghinga ng kapatid na natutulog ay napabuga ito ng hangin at napailing naman. Nag-alala siya na baka may kung ano nang nangyari sa kuya niya, pero para siyang nabunutan ng tinik nang nakita niyang natutulog lamang ito.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng kapatid.

"Kuya, tama iyan. Magpahinga ka muna. Marami pa tayong haharapin sa mga susunod na araw. Kailangan mong magpalakas. Kailangan mong tibayan ang loob mo, hindi lang para kay ate Elisa, kung hindi para sa'yo na rin." bulong niya kay Nathan bago niya dampian ng halik ito sa sentido.

Lumabas ulit si Sarah sa kwartong iyon, ngunit imbes na mamalagi ulit sa may labas ng kwarto ay bumaba na ito sa sala kung nasaan si Alfred.

"Baby, kamusta na si Kuya Jon?" tanong ng kasintahan.

"He's sleeping now, finally." sagot nya naman bago siya umupo sa tabi ni Alfred.

"I'm scared, Baby." sabi pa niya habang hinihilig niya ang kanyang ulo sa balikat ng binata.

"Don't be scared. It's almost over. Pag nahuli na si Ira, tapos na ito. Masyadong maraming ebidensya laban sa kanya. Isa pa, hindi na siya kukunsintihin ni Papa." sabi ni Nathan.

"Nag-usap na ba kayo ng papa mo?" tanong ni Sarah.

"Hindi pa, Baby. Huling pagkikita namin ay noong kasal pa ni Kuya Jon at Ate Elisa. Malaki pa rin ang galit ko sa kanya sa ginawa niyang pagkampi sa demonyong mag-ina na iyon. Nang mamatay si Ate Elisa ay sinubukan niya akong hanapin, pero hindi ko pa rin magawang humarap sa kanya." malungkot niyang wika.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon