Chapter XVI - Police Protection

569 13 3
                                    

Nakaluhod pa rin si Nathan sa pwesto kung saan namatay si Elisa nang papasukin ni Sarah ang mga pulis na kabilang sa task force na inatasang lutasin ang kaso nilang mag-asawa. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak at paghingi ng tawad sa asawa.

"Ah, mga sir, Doon muna po tayo sa may sala. Kababalik lang ng alaala ni Kuya Jon sa mga pangyayari noong  gabing iyon. Hayaan po muna natin siyang maka-recover." paanyaya ni Alfred sa dalawang pulis.

Kilalang-kilala na nila Sarah ang dalawang ito. Sila ang in-charge sa kaso. Bago kasi natagpuan nina Sarah si Nathan ay araw-araw pumupunta ang dalawa sa headquarters ng task force para magtanong kung may development na sa kaso. Pagkatapos ng ilang buwan ay halos mawalan na ng pag-asa ang mga pulis sa paghahanap, ngunit si Alfred at Sarah ay hindi natinag.

Ayaw pa maniwala ng mga pulis sa hinala ni Sarah na si Ira ang may kagagawan nito. Wala kasing pruweba na may kinalaman ang babae sa pagkamatay ni Elisa at pagkawala ni Jonathan. Walang fingerprints na naiwan. Malamang ay pinunasan ng salarin ang lahat ng kanyang nahawakan. Wala ding ebidensya na nagpunta doon si Ira noong gabing iyon. Kahit ang CCTV footage ng gate ng village ay walaing maibigay na lead. Para bang bula na biglang naglaho ang salarin.

Nang makarating sa sala ay isinalaysay nina Sarah at Alfred kung paano nila nahanap si Jonathan.

Gumwawa ng sariling imbestigasyon si Sarah. Napag-alaman niya na naghahanap ng katulong si Ira kaya naman nag-apply siya. Malakas ang loob niya dahil alam niyang hindi siya kilala ng magiging amo niya. Nagpagawa siya ng pekeng papeles na may ibang apelyido para hindi siya magpaghinalaan. Noong unang araw pa lang ni Sarah sa pamamahay ni Ira ay nalaman niyang may asawa daw itong nasa ospital.

Unang day-off niya nang makipagkita siya kay Alfred upang sabihin ang lahat ng kanyang nalalaman. Bagamat naniniwala ang lalaki sa kanya ay pinapatigil siya sa pag-iimbestiga. Delikado raw, lalo na kung matuklasan ni Ira ang tunay na pagkatao ni Sarah. Ipinaliwanag naman ng dalaga na hindi nakikisalamuha ang amo niya sa kanila. Maysado itong abala sa pag-aalaga sa lalaking tinatawag nitong asawa sa ospital. Kung may kailangan man ito ay si Manang Lagring lang ang kinakausap nito. Hindi pa man lubusang napanatag ang loob ni Alfred ay pumayag na rin ito.

Isang beses ay sinundan ni Alfred ang step-sister niya papuntang ospital. Ingat na ingat si Alfred na huwag siyang makilala ni Ira kaya naman isinuot niya ang uniporme niya bilang nurse para mag-blend in. Nakita niya ang private room kung saan naglalagi si Ira, subalit hindi niya ito malapitan sa takot na baka makita siya at makilala. Nang umuwi na si Ira noong gabi ay saka lang siyang nagka-lakas ng loob na pumasok doon sa kwartong kanyang binabantayan at doon niya nakita ang kanyang bayaw na nakaratay. Walang malay at malabong magising kahit magsisisigaw pa siya. 

Nilapitan niya si Nathan at napatulala siya ng ilang saglit. Laking gulat na lang niya nang pumasok ulit sa kwartong iyon si Ira. Nakatingin ito sa mukha niya na parang kinikikala siya. Ang bilis ng tibok ng puso ni Alfred ng mga sandaling iyon. Akala niya ay nahuli na siya, pero nakahinga siya ng maluwag nang itanong ni Ira kung bago lang ba siya doon at kung pwede ba siyang mag-pa-assign doon dahil ayaw ni Ira sa mga babaeng nurse na mukhang may gusto sa 'asawa' niya. 

Nagdahilan na lang si Alfred na nag-resign na siya at ito ang huling araw niya sa ospital. Pina-check lang sa kanya ang pasyente kasi may emergency sa kabilang kwarto (na totoo naman kaya siya nagka-tyempo na makapasok doon). Inalok siya ni Ira na maging private nurse nito sa oras na magising na siya at pwede nang i-uwi sa bahay. Nang masiguro niyang hindi siya nakilala ng babaeng gumawa ng paraan upang mapalayas sila ng ate niya sa mansyon ng kanilang ama ay tinanggap niya ang alok nito. Naisip din niya na bata pa siya nang huli silang magkita kaya hindi siya namukhaan. Noong tinanong siya kung anong pangalan niya ay Alfred San Pedro ang nasabi niya. Nang hingian siya ng papeles ay nagpatulong siya kay Sarah na makakuha ng pekeng diploma at lisensya bilang nurse. 

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon