P A G O D

5 1 0
                                        

Tama na crush.

Titigil na ako.

Hindi ngayon pero malapit na.

Pagod na akong magpapansin.

Pagod na akong hingin ang oras mo.

Pagod na akong hintayin ang mga sagot mo sa mga mensahe ko.

Pagod na akong titigan nalang ang "ACTIVE NOW" mo.

Pagod na akong asarin ng mga kaibigan ko sayo.

Pagod na akong makarinig ng balita ukol sayo.

Pagod na iyong tenga ko na pinapakinggan ang pangalan mo.

Pagod na ang mga mata kong laging lumuluha dahil sayo.

Pagod na ang ilong ko kakasinghot ng sipon dahil sayo.

Pagod na ang bunganga ko kakangawa.

Pagod na ang puso ko dahil mahal na kita.

Oo, minamahal na kita.

Hindi ko ginusto pero nangyari.

Nahulog ako sa patibong mo.

Pagod na ang buong sistema ko.

Laging ikaw ang inaalala't inuuna ko.

Pagod na ako sayo.

Nakakapagod kang mahalin.

Ngayon, sarili ko muna.

Pupunuin ko muna ulit ng pagmamahal ang sarili ko.

Mamahalin ko muna ang sarili ko.

Tutal wala akong ibang kakampi sa kwentong ito kundi ako lang.

Magpapahinga muna ako.

Dahil napagod na ako.

Random PoemsWhere stories live. Discover now