Sa ibabaw ng mga bulaklak, may malalayang paru-parong dumadapo,At ako naman at tamang naghihintay ng iyong sagot sa mensahe ko,
Hindi ka sumasagot pero nakita mo na ang ito.
Sumasagot ka sa iba, bakit hindi ka maging patas?
Palagi kitang pinapadalan ng mensahe,
Pero hindi mo parin ako mapansin, sinabi ko bang may bayad?
Kasi sa tuwing nakikita kitang naglalaro,
Nalilibang ako.
Sa pamamagitan ng mensahe ko,
Naipapadama ko.
Isang tag-araw,
Binalot ako ng kapaitan
Dahil mas mayroong isang taong mas espesyal kaysa saakin
Sinabi niya saaki na walang kayo,
Pero sabi mo naman, sakanya, may habang buhay
Tubig ng sakit,
Umagos pababa sa aking pisngi,
Naging tanga nanaman ako, sa isa pang beses
Nakilala mo ang totoong ako
Ngayon, hindi na ako ligtas sa lugar na ito
Dahil dito, mag-isa ako.
