NAKAKAPAGOD

45 6 0
                                        


Nakakapagod.

Nakakapagod maging pagod.

Na kahit pagod kana, wala paring tigil ang pagod.

Ang gulo diba?

Ganyan naman siguro.

Mapapagod ka nalang bigla.

Marami kasing dahilan ng pagkapagod.

Nakakapagod makipag-kaibigan sa mga taong hindi totoo. Plastik kung baga.

Nakakapagod makihalubilo sa mga taong pakitang tao.

Nakakapagod mag-panggap para sa iba.

Nakakapagod mag-bago para lang magustuhan ng iba.

Nakakapagod mahusgahan ng iba dahil sa konting pagkakamali.

Nakakapagod mag-hintay sa araw na darating na maiintindihan ako ng iba.

Nakakapagod mabuhay sa mundong punong-puno ng panggagamit ng iba.

Nakakapagod maging bahagi sa isang kwentong hindi naman ako ang bida.

Nakakapagod mag-mahal.

Nakakapagod maiwan.

Nakakapagod bumaksak ng paulit-ulit.

Nakakapagod. Sobra.

Ayoko na. Nakakapagod na. Nakiki-usap ako. Tama na. Pagod na ako.

Random PoemsWhere stories live. Discover now