MAGBALIK

10 1 0
                                        


Naalala ko pa noong una tayong nag-usap,
Sa messenger pa noon,  hindi ba?
Kasi nga nasa malayo ka, 
Magkalayo tayong dalawa,
Pero ayos lang dahil may komunikasyon naman tayo.

Naalala ko pa noon na tinawag kitang Kuya?
Siyempre,  mas matanda ka kaya 'Kuya' kita,
At ako naman ang nakababata mong kapatid na si Angel, 
Angel Dirham,

Naalala ko pa noon,
Noong unang beses kitang tinawag na Kuya, 'Kuya Jusko',
Kasi iyon ang paborito mong ekspresyon,
At 'Mema' naman  ako kaya't iyon ang itinawag mo saakin,
Pero kahit ganon ang tawag ko saiyo,  ikaw pa rin ang Kuya Daniel, Daniel Dirham ko.

Lumipas ang ilang buwan,  halos mag-iisang taon na din pala,
Napalapit na ng husto ang loob ko sayo,
Sa sobrang lapit ay nakalimutan kong hindi pala kita tunay na kapatid,
Na hindi pala kita tunay na Kuya.

Nakalimutan ko ang reyalidad sa kung akong meron tayo,
Nilamon ang bigla ng reyalidad,
Oo nga pala,  dakila akong assumera at feelengera,
Kaya inakala ko talagang kadugo kita,
Akala ko lang naman pala.

Lahat ng mga ala-alang iyan,
Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa aking isipan,
Lahat ng bawat salita na lumalabas sa iyong bibig ay ay akin paring tanda,
Pero Kuya,  ikaw ba,  ganon din?

At nilamon ako ng reyalidad na,
Oo nga pala,  hindi tayo magkapatid na tunay,
Kaya pwede mo akong iwan nalang sa isang sulok,
Ng nag-iisa't nagmumukmok.

Umalis ka nalang bigla ng parang bula,
Na hindi ko alam kung saan ka na din nagmula,
Bakit ka nga ba nawala?
Pakisagot naman,  sige na.

Alam mo bang ang hirap?
Ang hirap maiwan ng walang sapat na paliwanag at dahilan?
Iyon 'yong para ka nalang nadulas ng wala naman tumulak o pumatid sayo,
Tapos wala man lang tutulong sayo.

Ang labo mo naman,  Kuya.
Sabi mo pa nga saakin noon,
Ito't tandang-tanda ko pa,
"Mema,  hindi ka iiwan ni Kuya.  Andito pa ako para sayo."
Lintek kang kupal ka't asan ka na?

Kaya't ako'y nandito pa rin,
Hinintay ang iyobg pagbabalik,
Dahil ako'y muling umaasa, 
Sa mga binitawan mong mga kataga,
Mga katagang hindi kita iiwan at hindi ako aalis.

Hinihiling ko na ikaw sana'y magbalik,
Ng sumaya naman muli,
Ang bunso mong kapatid na nangungulila saiyo,
Na naghihintay at nananalangin na sana'y ika'y magbalik.

Random PoemsWhere stories live. Discover now