Sa tanong na 'Mahal mo o Mahal ka'?
Sino ang iyong pipiliin?
Iyong minamahal mo?
O iyong minamahal ka?
O siguro pwedeng huwag nalang sumagot?Kung ako ang papipiliin,
Mahal ko ba o mahal ako,
Pipiliin ko ang mahal ako.
Tanong niyo ba'y bakit?
Simple lang ang sagot ko.Aanhin ko pa iyong taong mahal ko,
Kung iba at hindi naman ako ang gusto niyang makasama?
Kung iba at hindi naman ako ang taong nasa puso niya?
Kung sa huli ay ako din ang masasaktan?Mabuti pa sa taong mahal ka,
Bibigyan mo siya ng tyansa
Upang mapakita
Ang totoong nadaramaHindi masamang piliin siya,
Lalo na kung alam mong may tyansa kayong dalawa.
Ang masama doon ay mapaasa,
Yung taong walang ginawa kundi ang mahalin ka.Kaya payo ko saiyo kaibigan,
Isipin mong mabuti ang pagpipilian.
Para hindi magmukhang tanga ang mga nasa pagpilian,
At hindi masaktan ang maiiwan.