Laking pasasalamat
Sa ulang bumubuhos
Natatakpan nito
Luhang ibinubuhosSa t'wing nasasaktan
Ulan ang laging nariyan
Ulan ang sandalan
Oras niya'y laanUlan, salamat
Salamat sa lahat
Sa lahat ng pagsama
Sa t'wing ako'y nag-iisaUlan, patawad
Patawad kung ikaw palagi
Palagi ang tinatakbuhan
Palagi ang sinasandalanUlan, pangako
Hindi na ito mauulit
Dahil ang lahat ng ito ay iuukit
Iuukit nalang habang buhayUlan, hanggang sa muli
Pinagpapahinga na muna kita
Alam kong pagod ka na din
Sige na, Ulan
Hanggang dito nalang muna.
