Apat na buwan.Sa apat na buwan na iyon,
Naging masaya tayo.
Naging totoo sa isa't-isa.
Naging magkasintahan.
Apat na buwan.
Dumating ang mga problema.
Sinubok tayo ng tadhana.
Inulan tayo ng suliranin.
Pero kinaya natin.
Apat na buwan.
Kinaya natin ang LDR.
Kinaya ang malayo sa isa't-isa.
Kinaya natin na sa medya lang nag-uusap.
Kinaya natin ang hindi magkita.
Pero bakit ganon?
Bakit bigla kang nag-bago?
Bakit bigla ka nalang parang naging manhid?
Bakit hindi mo ako ramdam?
May kulang pa ba?
Ilang linggo nalang bago ang ika-lima nating buwan,
Tuluyan kang nag-bago.
May nakilala ka kasi,
Iyon ang kwento mo.
Gusto ka kasi niya eh.
Sinabi niya sayo na kaya ka niyang bigyan ng kasal
Kasal na gaya ng kasal ng sikat na artista.
Hindi ko alam kung bakit mo iyon ikinuwento,
Gayong alam mo namang magseselos at magagalit ako.
Mahal, anong nangyari saiyo't hindi mo iyon dama?
Sinabi ko sayong layuan mo,
Pero sabi mo hindi mo kaya.
Mahal, bakit hindi?
Noong ako ang sinabihan mong layuan ang isa kong kaklaseng may gusto saakin,
Sinunod kita, mahal.
Pero ako?
Mahal, sinunod mo ba?
Dumating tayo sa punto na pinapili kita.
Pinapili kita kung iyong lalaking may gusto sayo
O AKO ba?
Pero ang sabi mo lang,
Hindi mo alam.
Nahihirapan ka na rin.
Lumipas ang ilang araw,
Nagtapos na.
Ang apat na buwan,
Nagwakas na.
Ang pag-iibigan natin,
Natapos na.
Mahal, masakit.
Bakit hindi ako?
Bakit siya?
Saan ako nag-kulang?
May mali ba akong nagawa?
Mahal, bakit parang ang dali lang sayo?
Gayong sabi mo nahihirapan ka din?
Mahal, hindi kita maintidihan.
Mahal mo ba ako?
O hindi?
Minahal mo ba ako?
O hindi?
Kasi mahal,
Kahit gaano ko isipin?
Lumalabas na hindi ka man lang na-apektuhan.
Sa simpleng salita ng ng lalaking iyon,
Iniwan mo na ako.
Mahal, bakit hindi ako?
----
