Marami akong sana na gusto kong matupad na,
Kasi hindi ko alam kung makakaya ko bang mawala ka,
Ang mga sana ko sa mga oras na 'to, mahal umiikot lang sayo,
Gusto kong malaman mo, na ikaw at ikaw ang laging iniisip ko,
Sa mga sana sa buhay ko, mahal ikaw na ang buhay ko.
Kaya mahal, pakinggan sana ang mga sana na laging gumugulo sa isip at puso ko.
Mahal gusto ko sana, na sa huli tayo pa,
Subalit wala tayong kasiguraduhan dahil wala pa ngang tayo,
Gusto ko sana akin ka lang, pero pakiramdam ko wala akong karapatan,
Gusto ko sana na sabay tayong tatanda, puputing mga buhok at lumalagutok na mga buto,
Ngunit hindi natin alam ang hinaharap,
Gusto ko sana, ikaw na,
Kaya sana'y ang mundo'y hindi maging hadalang saating dalawa.Gusto ko sana, maging ama ka ng bubuoin nating pamilya
Pero ito na naman at wala tayong kasiguraduhan.
Mahal, ang hirap.
Ang hirap ng sitwasyon natin.
Patago tayo lagi.
Malayo sa mga maaaring magkalat ng sekreto natin.
Kasi alam naman natin,
Naparehong istrikto ang ating mga magulang,
Na gusto muna daw may matapos, bago ang mga bagay na maaaring tumapos sa ating pangarap.
Pero mahal, wag tayong sususko, ha?
Nangako tayo sa isa't-isa na pareho nating hihintayin ang tamang oras at panahon,
Nangako tayo na dapat tayo hanggang dulo.
Sa mga sanang nabanggit ko, ito ang pinakahihiling ko.
Na sana mahal, mahintay mo nga ako.
Dahil mahal, mahal na mahal kita.
