Mahal, sana ito'y iyong pakinggan,
Dahil ito ang unang beses kong ipagsisigawan
Na sa mundo nating ginagalawan,
Imposibleng hindi mo ako iwan at pakawalan,
Dahil alam naman natin
Na ang lahat ng bagay ay may wakas,hangganan at katapusan.Naalala mo pa ba noong araw na hindi kita pinansin?
Iyon din ang araw na hindi ko din naintindihan ang aking damdamin,
Ang paliwanag mo'y gusto kong dinggin,
Ngunit pinangunahan ng takot ang aking damdaminAlam ko naman na siya'y kaibigan mo,
Subalit puso'y binalot ng paninibugho,
Gusto ko sanang siya'y layuan mo,
Subalit alam kong wala naman akong karapatan na sabihin ang mga iyon sayo.Alam mo naman na madali lang akong masaktan,
Na nag-iiba iba pa ng timpla kung minsan,
Madali din akong mayamot at magalit na kung minsan ay hindi ko din alam ang dahilan
Bagaman kahit ako'y ganon sana'y hindi mo ako iwanan.Ngunit kung aking iisipin,
Baka nga sa huli hindi ako ang iyong piliin
Kung aking pa lamang pipiliin,
Baka masaktan la ang puso't damdamin.Kung lumisan ka'y huwag naman sana,
Sulitin natin ang araw nating magkasama
Tayo'y kumapit lang ng hindi makawala
Subalit kung hindi nga tayo sa huli ay bahala naAking sinta ikaw na ang tahanan at mundo,
Kaya ang puso'y isinusumamo ko na sa'yo
Sana ito'y pag-ingatan mo,
Dahil ang puso ko'y tumitibok lamang para sayoKahit paulit-ulit mong ikumpara ang sarili mo sa iba,
Hindi ako magsasawang ipaalala sayong iyong hayaan mo na sila,
Dahil wala akong ibang gugustuhing makasama kundi ikaw na
At ayoko nang mawala ka pa.Alam kong ika'y naiiba sa lahat,
Dahil alam kong saakin ay ika'y nararapat at tapat,
Hindi mahalaga saakin ang panlabas na anyo,
Basta alam kong ika'y may respeto
At isa kang maginoo.Wala akong pakealam sa sinasabi ng iba,
Basta't ang alam ko lang ay mahal kitaKung sa mundong ito,
Ang pag-ibig ay laro,
Handa akong lisanin ito
Upang bumuo ng sarili nating mundoMundo kung saan tayo'y magiging masaya,
Laging magkasama,
At wala ng iwanan pa.
