Marami akong biro
Biro na akala mo talaga natatawa ako
Pero sa likod ng mga biro ko
Nakatago ang katotohanang itinatago ko
Minsan, umaakto akong masaya
Kahit hindi naman talaga
Minsan, umaakto akong malungkot
Kahit hindi naman talaga
Minsan, tawa ako ng tawa
Kasi iyon ang tanging paraan para matakpan ang sakit
Tinatapan ko ang sakit
Sakit na hindi ko alam kung ako o ikaw nga ba ang may gawa
Kasi ikaw, sinaktan mo ako
Ako, sinaktan ang sarili ko
Sinaktan ko ang sarili ko dahil ako mismi ang umasa
Umasa na magtatagal tayo
Pero nagkamali ako
Sinaktan mo ako kasi pinaasa mo ako
Pinaasa mo na magtatagal tayo
Pero hindi naman nangyari
Kasi nga hindi totoo.
Umakto kang parang walang nagyari
Akala ko mahal mo din ako
Pero hindi pala
KUNWARI lang din pala ang lahat.
