Chapter two
TINITIGAN ni Deejay ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Pinaglapat niya ang mga labi na pininturahan niya ng pulang-pulang lipstick. Ang mahabang buhok niya ay naka-Bohemian braid paikot, at ang dulo nito ay inikot ng pakorteng bulaklak sa likod ng ulo niya, exposing her neck and bare shoulders. Inayos niya ang pagkakalapat ng ocean-green satin evening gown sa katawan niya. Halter at pa-cross sa likuran ang makikipot na straps nito. Ang mababang neckline nito na napapalamutian ng maliliit na Swarovski ay nagbigay ng emphasis sa malulusog niyang dibdib. Ang low back naman nito ay halos tama lamang na tumakip sa makurbang balakang at maumbok na pang-upo niya. Bagsak ang tela nito at may haba na hanggang talampakan. Tinernuhan niya ito ng silver strappy heels. To make her outfit complete, isinuot niya ang isang silver metal filigree mask na hugis butterfly. Ang magkabilang pakpak nito ang siyang tumatakip sa mga mata niya. Nagwisik siya ng paboritong Perry Ellis 360º sa magkabilang palapulsuhan.
Dinampot niya ang silver handbag at bumaba na ng hagdan.
“Is... is that my best friend?” Tanong ni Gelo sa sarili nito habang pinanonood siya sa pagbaba ng hagdan.
“Don't you ever fall in love with me, ipapakulam kita.” Kumapit siya sa braso ni Gelo. “Mabuti na lang at nakakuha tayo ng invitation mula sa boss ko na matandang dalaga.”
“Saan naman daw niya galing ang invitation na ‘to?”
“May nag-abot lang daw niyan sa kanya. Alam siguro na kailangan niya ng jowa, para naman mabawasan ang galit niya sa mundo."
Ayaw mo ba talaga akong samahan? Puwede naman daw magsama.”
“Alam mo namang anti-social ako. Hihintayin na lang kita sa sasakyan. Basta tawag ka lang kapag kailangan mo ng saklolo.”
Pagdating nila sa bagong bukas na resort, kung saan ang venue ng party, ay halos puno na ang parking lot nito. Kalahating oras na kasi silang late. Ipinarada ni Gelo ang kotse sa bandang dulo. Sinamahan siya nito hanggang sa harap ng mala-palasyong function hall ng Mystic Landia.
“'Di ka kaya magka-pulmonya sa suot mo?”
Siniko niya ang lalaki. “Paano ko maaakit ang babaero kung magsusuot ako ng saya ni Maria Clara? Huwag kang aalis, ha? D'yan ka lang sa kotse.”
Pagdating sa main entrance ay napilitan siyang mag-register sa logbook, pero pangalan ng boss niya ang isinulat niya doon.
Nilampasan niya ang photobooth sa gilid dahil wala naman doon ang hinahanap niya. Papasok na siya sa pinto nang may tumawag sa kanya.
“Miss!”
Nilingon niya ang pinagmulan ng paos na tinig na iyon. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng black tuxedo with white lapel, black bow tie, and black Venetian eye mask ang nakita niyang papalapit sa kanya.
“I think you dropped something.” Itinaas nito ang hawak na gold bracelet.
“It’s not mine.” Tinalikuran niya ito at nagpatuloy na sa paghakbang.
“Are you sure?”
Hindi na niya pinagkaabalahang lingunin ulit ang lalaki. Itinaas niya ang isang kamay na may bracelet at singsing. She was wearing a set of diamond studded white gold, kaya imposibleng sa kanya ang alahas na iyon.
Natigil siya sa paglalakad nang may magflash na camera sa likod niya. Lumingon ulit siya. Isang lalaki na nakasuot ng plain black tuxedo ang nakatayo malapit sa pinto. Ang black mask nito na may gold streaks sa gilid ay halos tumakip na sa buong mukha nito. Ang buhok at mga labi lang nito ang nakikita. May hawak itong malaking camera na may retractable lens na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa kanya.
“Excuse me, did you just take a photo of my butt?” Mataray na tanong niya sa lalaki.
Tumikhim ang lalaking tinanong niya. “Actually, it was your bare back, Miss.” Gumuhit ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito.
Hmnn... Kung naibang lalaki lang ito, nakatikim na ito sa kanya. But this was the playboy photographer. The very reason why she was here tonight. Gotcha!
No sweat at all. Thanks to this lovely gown, courtesy of Gelo. Humakbang siya pabalik. “How about a full frontal view?”
“Sure, sure! Stand right there. Diyan sa ilalim ng arc.” Pagkatapos ng tatlong shots ay ibinaba na nito ang camera. “Thank you, Miss.”
Mukhang makikipagkamay pa sana ito sa kanya, pero may tumawag dito. “See you around,” paalam nito.
Sinundan niya ito sa loob. Hindi ito dapat mawala sa paningin niya. Naghanap siya ng pagkakataon na malapitan ito ulit, pero hindi nagpipirmi sa isang lugar ang lalaki. Abala ito masyado sa pagkuha ng mga litrato ng mga dumalo. Nang pumanhik ito sa balcony ay mabilis din siyang sumunod dito, pero pagdating niya sa itaas ay hindi na niya ito nakita. Napabuga siya ng malalim na hininga.
Itinuon na lamang niya ang paningin sa ibaba, sa tumutugtog na orchestra sa gitna ng dalawang mahabang hagdan. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Hindi niya akalain na ganito karami ang dadalo sa party na ito. Everyone looked so elegant in their suit and evening gown attire. The masks gave the party an over-all mysterious effect.
Naagaw ang atensyon niya ng isang baritonong tinig na nagmumula sa platform sa upper end ng dalawang mahabang hagdan.
Ito pala si Lolo Kupido, ang host ng event na ito. She couldn’t help but stare at him. Ang puting maskara, tuxedo at long black cape nito ay bumagay sa taas at tikas ng katawan nito. He had this mysterious aura na stand out sa masquerade party na ito. Para lang naman niyang nakita sa personal ang “Phantom”. Napangiti siya sa puntong iyon. Ano kaya ang misteryo na nagtatago sa likod ng maskara na iyon? Her curiosity was suddenly piqued.
Na-distract siya sa sunod-sunod na kislap ng mga camera sa paligid. Napakurap pa siya na parang siya nagising mula sa isang enchantment. Pupusta siya na halos lahat ng nandito ngayong gabi ay may dalang camera at iba’t-ibang gadgets na nagpo-produce ng flash. Paano niya hahanapin si Karlo sa gitna ng mga ito?
Nahagip ng tingin niya ang lalaki na kasalukuyang nasa stage na kinaroroonan ng orchestra. Damn it! May pagka-engkanto yata ang Karlo na ito. Nasa ibaba na naman ang loko?
Muli siyang bumaba ng mahabang hagdan, pero katulad ng inaasahan, nawawala na naman ang mailap na photographer sa gitna ng karamihan. Dapat yata ay dinikitan niya ito kanina ng tracking device sa katawan.
Naisip niyang umupo muna sa isang mataas na stool sa gilid at itinuon niya ang atensyon sa programa. Maya-maya pa ay nakaramdam na siya ng lamig. Nanunuot ang lamig ng centralized aircon sa kalamnan niya. Lumingon siya sa paligid at naghanap ng lugar na masusulingan. Paglingon pa niya nang minsan ay nagkasalubong sila ng tingin ng isang lalaki. Nakalingon din ito sa kanya habang may kausap ito na isa pang lalaki.
He was staring at her like she was the only woman in that huge hall. Kung hindi siya nagkakamali, ito 'yong lalaking tumawag sa kanya kanina sa labas. The way he stood high like a Viking king, mahihiya ang mga lalaking nasa paligid nito ngayon. Sa kabila ng suot nitong maskara ay hindi pa rin naitago ang perfect contour ng mukha nito. Ang mapupungay nitong mga mata ay bumagay sa mga mapupulang labi nito. Seriously, how many guys in the world had this kind of lips?
Kung ang mga mata nito ay nangungusap, ano pa kaya ang kayang gawin ng mga labi nito? Nahiya siya bigla sa itinatakbo ng isip. Nagbawi siya ng tingin. Kahit nakatalikod na siya ay ramdam pa rin niya ang mga mata nito sa likuran niya. Lalo lang tuloy siyang nangilabot sa lamig ng aircon. Pinagkrus niya ang mga braso sa katawan niya. She also rubbed her palms on her arms.
Sa itinatakbo ng programa, mukhang magtatagal pa ito. Nagpasya siyang lumabas muna ng malaking bulwagan. Pagdating niya sa labas ay sinalubong naman siya ng malamig na simoy ng hangin mula sa dagat na lalo nang nanuot sa kalamnan niya.
https://www.preciousshop.com.ph/home/
https://www.facebook.com/dwayne.izobelle.phr/
BINABASA MO ANG
Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)
Romance"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." 💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖 Deejay and Gelo were best of friends. Si Cherry ang kaisa-isang babae na minahal ni...