“ANO'NG nangyayari sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Deejay kay Ahrkhei.
“Kanina pa sumasakit ang sikmura ko, ngayon ay buong tiyan ko na yata ang masakit. Ilang araw ko nang nararamdaman ito. Nasobrahan yata kami ng inom ni Borjie sa Galera.”
Nanlalamig ang mga kamay ni Ahrkhei. Inakay niya ito paakyat sa kuwarto nito. Dumiretso ang lalaki sa loob ng toilet at doon ay isinuka nito ang lahat ng laman ng tiyan nito. “That was so embarrassing,” Nakangiwi ito nang lumabas ng toilet.
“Kailangan mong magpatingin sa doktor.”
“I will be fine.”
“No. Ilang araw mo nang tinitiis iyan. Paano kung hindi lang simpleng hyperacidity ‘yan? Paano kung appendicitis or—”
“I didn’t know that you care for me that way.” Ngayon ay may pilyong ngiti na sa mga labi nito.
Natigilan siya sa sinabi ng lalaki. Pero mas nangibabaw ang pag-aalala niya dito. “Huwag mo akong daanin sa pagpapa-cute mo, Renz Karlo. Where’s your car key? Dadalhin kita sa ospital. Huwag mo nang hintayin na bumulagta ka dito dahil hindi kita kayang buhatin.”
Pagkatapos niyang isuot ang mga damit niya kagabi ay umalis na sila. Siyempre, hindi naman niya dadalhin ang lalaki sa pinapasukan niya. Dinala niya ito sa isa pang private hospital sa bayan.
Pagdating sa emergency room ay pinahiga si Ahrkhei sa stretcher. Bakas ang pagkailang sa guwapong mukha nito nang ineeksamin na ito ng babaeng resident doctor.
“Mister mo, Ma’am?” tanong ng doktora sa kanya na mabilis niyang sinagot ng iling. “Hindi naman ba siya nilagnat or nag-vomit ng blood kaya nitong nakaraan?”
Tinignan niya si Ahrkhei. Nang umiling ito ay nakahinga siya nang maluwag. “Three times na po siyang nag-vomit ngayon, doktora. The last one ay liquid na lang ang lumabas.”
“Kailan pa unang sumakit, Sir?”
“A few weeks ago. Pasumpong-sumpong lang. Kapag uminom ako ng antacid nawawala naman. But lately hindi ko na matagalan ang sakit.”
Iniwan na sila ng doktor matapos nitong mag-order ng lab tests.
“This is too awkward,” reklamo nito.
“What is awkward? You’re sick, Ahrkhei. Lahat naman ay nagkakasakit, matanda man o bata. Kahit guwapo at macho pa na katulad mo, so don’t worry about your image, okay?”
“I’ve never been sick before.” Sumunod ang mga mata nito sa lalaking nurse na may hawak na syringe.
“So this is your first time?” Nang tumango ang lalaki ay natawa siya. “Who would expect that a big guy like you is so nervous with small needles?”
“Ma’am, tutusukan lang po natin si Sir ng gamot para sa pain at vomiting,” paalam ng nurse.
Ahrkhei held her hand tightly. He was like a small kid na umaamot ng lakas ng loob mula sa kanya. Nakita niya ang soft side nito ngayon. He was a combination of a child and a man trapped inside that sinfully gorgeous body.
Nang pumasok ang med tech na kukuha ng dugo nito ay ngani-ngani na niyang agawin ang syringe na hawak nito, para siya na lamang ang gumawa n'on. She would have done it with gentle care.
Negative naman ang test results nito for possible infection, pero gusto ng doktor ay ipa-admit ito at ipa-endoscopy, para matiyak kung ano ang problema sa loob ng tiyan nito. Ikinuha niya ito ng suite room.
“May gusto ka bang tawagan? Your brother or your Mom kaya?”
“No. I don’t want them to worry. May naglilinis sa bahay every morning, day off lang niya ngayon. Tatawagan ko siya at ipapahatid ang mga kakailanganin ko dito.”
“Do you want me to stay?” Of course, she would stay with him through all this. Pero paano kung iba ang gusto nitong makasama?
“Can you? Paano ang work mo? Ang kuya mo?”
“I can file for leave if I want to, remember? Ako na ang bahala kay Kuya Gelo.”
Pinisil nito ang palad niya na ayaw nitong bitawan mula pa kanina. Maya-maya pa ay nakatulog ito dahil sa gamot na isinaksak dito.
Iniwan niya ito sandali para kumuha ng mga gamit nila at mamili ng makakain. Pinuntahan niya si Gelo para ibalita dito ang nangyari.
“Babantayan ko siya sa ospital. Pagkakataon mo na 'yan para masolo si Cherry. Do something, Gelo, before it’s too late.”
KINAGABIHAN ay bumuti na ang pakiramdam ni Ahrkhei. He insisted na tabihan niya ito sa hospital bed nito.
"Hindi ko akalain na ang pinaplano kong weekend getaway ay dito sa hospital natin gagawin. Well, at least, you are here beside me. Your presence takes away my pain.”
Tumunog ang cellphone nito. Inabot nito iyon at pinatay.
“Bakit mo pinatay? Who’s calling you? Kanina pa may nagte-text sa ‘yo, hindi mo rin sinasagot.”
“It’s my brother. Kinukulit niya ako na mag-good time.”
“Bakit hindi mo sabihin na nandito ka?”
“Manggugulo lang ang lokong ‘yon. Let’s sleep.” Kinabig siya nito sa dibdib nito. Hinaplos-haplos nito ang braso niya hanggang sa makatulog na sila pareho.
DALAWANG gabi din si Ahrkhei sa loob ng ospital. Nang lumabas ang resulta ng endoscopy nito ay napag-alaman na may gastritis at peptic ulcer ito at kailangan ng mahabang gamutan.
“Iwasan ang stress. No more drinking. No more skipping meals. Kalimutan mo na rin ang lahat, huwag lang ang mga gamot mo,” paalala ni Deejay dito.
“Lahat? Even you? Hmmn, what could be more important than my baby?” Masuyo siya nitong hinagkan. “Thank you for taking care of me, Deejay.”
PAG-UWI ni Deejay ay nakibalita agad siya kay Gelo kung ano na ang nangyari dito at kay Cherry.
“Niyaya ko siyang mag-snack kahapon nang palabas na kami sa work. Sumama naman siya. Dinala ko siya sa mall at nag-ikot-ikot muna kami. Madilim na nang ihatid ko siya sa kanila.”
“Then?” taas ang mga kilay niya.
“Bago siya bumaba ng kotse ay naglakas-loob ako na magtapat sa kanya.”
“Hallelujah!”
“But she said, kaibigan lang talaga ang pagtingin niya sa akin.” Sinundan pa iyon ni Gelo ng malalim na buntonghininga.
Nilapitan niya ang kaibigan at ikinawit niya ang kamay sa braso nito. “Understandable naman ang sagot niya, kasi may boyfriend siya, remember? Ang sama naman kung pagsabayin din niya kayo. At least, you had the courage to tell her how you feel. I salute you for that. Kapag naghiwalay sina Cherry at Karlo, ikaw ang unang tatakbuhan niya, dahil alam na niyang mahal mo siya. Don’t lose hope. Always remember, Gelo, never give up a fight without fighting.”
BINABASA MO ANG
Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)
Romance"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." 💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖 Deejay and Gelo were best of friends. Si Cherry ang kaisa-isang babae na minahal ni...