“WHAT do you think you’re doing?” galit na sita ni Ahrkhei kay Karlo. Sinalubong niya agad ang kapatid pagkatapos niya itong makita na tumabi kay Deejay.“Hey, man. Can’t a photographer rest for a minute? Tapos na ang party. I did my job well.”
“Back off, Karlo.” Alam niyang galit si Karlo, dahil sa inamin niya dito kailan lang tungkol sa lahat ng nangyari bago namatay si Raquel sa aksidente. Sa kabila n'on, nagpapasalamat siya na nakipag-ayos na rin ito, sa wakas, sa mga magulang nila.
“Or what?” hamon nito sa kanya. “You’re dating Monica now, and I am seeing no one. You don’t have the right to stop me if I want to be with Deejay.”
“She’s a liar! You know that.”
“I don’t care. People lie all the time for different reasons. What matters is what I want. Do you know what I want right now? I want Raquel back, even if she lied to me."
"Pagkatapos ng matinding pagtatalo namin nang gabing iyon, sabi niya ay uuwi muna siya sa kanila. She didn’t say anything about seeing you or going back to you. She didn’t tell me that she was carrying my child. But you know what? I don’t really care about that anymore. Puwede siyang magsinungaling sa akin habangbuhay, basta nandito lang siya sa tabi ko. Pero syempre, hindi na mangyayari ‘yon, dahil wala na siya. Because you were so damned foolish to turn your back on someone just because of one mistake. Kung hindi mo siya itinaboy nang gabing iyon, buhay pa sana siya ngayon! Buhay sana ang anak ko,”galit na sumbat ni Karlo. "Sana’y nagkaroon pa ako ng pagkakataon na mabawi siya.""Tama ka, aksidente ang nangyari, at wala namang may gusto n’on, but it could have been prevented. Don’t let that happen again. Don’t let death or another man take Deejay away from you for good, Ahrkhei. Don’t let this chance pass you by. You might not get another one."
Hindi makuhang sumagot ni Ahrkhei. Ramdam kasi niya ang galit at sakit na dinadala ni Karlo nang mga sandaling iyon.
"Look, Deejay’s drunk, Ahrkhei. Can’t you see that she’s hurting? You’ve been so cruelly parading around with Monica just so you can punish her. If you can’t find it in your heart to at least forgive her, then let me take her home.”
💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔
INABUTAN ni Ahrkhei si Deejay sa parking lot. Nasa tapat na ito ng puting Subaru nang tawagin niya ito. “Deejay!”
Nagulat ang dalaga. Napaatras ito bigla. “I’m… I’m sorry. I thought you were Karlo. I mean…”
“Give me your car key.”
“No. I can drive.”
“C’mon, Deejay. Alam ko na kung saan ka talaga nakatira. And you said it yourself, Gelo’s not around. Are you trying to keep something from me again?”
“I’m trying to tell you that you have no business taking me home, because you and I are so, so done.”
“What if I kiss you again?” Humakbang siya palapit dito.
“What?!” Nanlaki ang mga mata ni Deejay. “You’re gonna kiss me? Right now?” Umatras ito hanggang sa sumadsad na ito sa pinto ng kotse.
“What would you do if I did?” Humakbang siya ulit palapit. Hanggang sa isang dangkal na lamang ang layo niya sa mukha nito ay wala siyang narinig na protesta mula dito. Naaamoy na niya ang alak na hininga nito. Naririnig na rin niya ang kabog ng dibdib nito. Kinuha niya ang susi sa kamay nito at pilit niya itong pinapasok sa passenger’s seat.
“Hahanapin ka ng girlfriend mo.”
“She’s not my girlfriend.”
“Really? Then what is she to you?”
“Do you really wanna go there, Deejay? Are you ready to answer all my questions now?”
Nanahimik ito at isinandal ang ulo sa headrest.
Itinigil niya ang sasakyan pagdating sa tapat ng bahay nito. Bumaba siya at pinagbuksan ang dalaga.
“Give me my keys.”
Ibinalik niya iyon sa dalaga. Nanatili siyang nakamasid dito hanggang sa pumasok ito sa loob ng gate.
“Alis ka na,” pagtataboy nito sa kanya.
“Get inside, Deejay. I wanna make sure that you're safely back home.”
“I’m home now.”
“Unless lalabas ka ulit at lilipat sa kabilang bahay.”
Tumalikod ang dalaga at humakbang papasok. Dahil yata sa nainom nito ay sablay na ang motor coordination nito. Natapilok ito at bumagsak sa semento.
“Deejay!” Tinakbo niya ito. “Are you all right?” Ineksamin niya ang magkabilang binti nito.
“I’m fine.” Tinabig nito ang kamay niya. Pero binuhat niya ito at dinala sa harap ng pinto. “What are you doing?” nagpa-panic na tanong ng dalaga. “Ibaba mo ako.”
“Open the door.” Pagpasok nila sa loob ng bahay ay itinulak niya ng paa ang pinto pasara. Dumiretso siya papanhik sa hagdan. “Where’s your room?”
Ibinaba niya si Deejay sa ibabaw ng kama. Matagal na naghinang ang mga mata nila bago niya ito binitawan. “Sleep now.”
“Don’t go,” mahinang bulong ni Deejay.
“That’s not a good idea.” Tinalikuran na niya ito.
Mabilis na bumangon si Deejay at hinarang siya bago pa niya narating ang pinto. Ikinapit nito ang mga braso sa batok niya. “I know I made mistakes. And I know how much you hate me now. I’m not asking for another chance, Ahrkhei. I’m just asking for one night.”
She caught his lips in a mind-numbing kiss. Bumaba ang mga kamay nito sa suot niyang tuxedo. She pushed his coat off his shoulders, pabagsak sa sahig.
When her lips went down to his neck, and her fingers started to remove his tie, he let out a deep sigh. He took every ounce of his strength and self control to stop her. “Stop, Deejay. You’re drunk. You’re gonna regret this tomorrow.”
Nagpatuloy pa rin si Deejay sa ginagawa nito. She kissed him again as she started to unbutton his shirt.
😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉
To be continued... 😊😊😊
BINABASA MO ANG
Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)
Romansa"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." 💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖 Deejay and Gelo were best of friends. Si Cherry ang kaisa-isang babae na minahal ni...