WHAT just happened out there? She could still hear her heart beating faster, harder than normal, as nervous excitement clawed at her nerve endings. Dahil ba bukod kay Gelo ay ngayon pa lamang siya nadikitan nang ganoon ng isang lalaki? Wala sa sariling pinaypayan niya ng kamay ang mukha. Hindi pa siya nakuntento, tinanggal niya ang suot na maskara.
Mula sa labas ay may kumatok sa pinto. “Deejay! Are you okay?”
Hindi siya sumagot. Humila siya ng tissue sa tabi ng sink at ipinunas iyon sa nabasang damit. Ang mga fiber ng tissue ay dumikit at nagkalat sa damit niya. “Damn! Stupid!” Galit na sita niya sa sarili.
“Do you need help?”
“Go away!” Mula sa maliit na hand bag ay dinukot niya ang panyo.
“Deejay!” Kinatok nito ulit ang pinto. “Let me help you. I'm going in.”
“No!” Sa taranta niya ay nabitawan niya ang handbag. Tumilapon ang mga laman nito sa sahig. “Shit!” Inis na sigaw niya.Kasabay ng pag-upo niya para pulutin ang mga gamit ay ang pagbukas ng pinto ng ladies' room. Napatingala siya roon.
Ahrkhei's mouth dropped open when he saw her. Mabilis siya nitong nilapitan at tinulungan siyang pulutin ang mga abubot niya sa sahig. Nang tumayo na siya ay sumunod naman ito.
“I ruined your dress. I'm sorry.”
Hindi siya sumagot. Tumalikod siya at binasa ang panyo sa gripo. Ipinahid niya iyon sa mantsa sa damit niya, habang pinanonood ni Ahrkhei ang repleksyon niya sa salamin. Nang mag-angat siya ng mukha ay nagsalubong ang mga tingin nila sa salamin. Suddenly, her belly was in chaos. Ewan ba kung mga paru-paro o kung ano pang parasites ang nasa loob ng tiyan niya, basta ang alam niya, nage-exhibition ang mga iyon, at sinabayan pa ng letseng tibok ng puso niya.
Ahrkhei slowly removed his mask, revealing his perfectly sculpted-like face. Ang mga mata nito ay nanatiling nakatitig sa mga mata niya habang humahakbang ito palapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at dahan-dahan siyang inikot paharap dito. Nang sa wakas ay nagkaharap na sila, ang tingin nito ay bumaba sa mga labi niya. His adam's apple moved when he swallowed. Unti-unti, bumaba ang mukha nito, hanggang sa nalalanghap na niya ang hangin mula sa sunod-sunod na paghugot at pagbuga nito ng hininga.
Mula sa labas ay umabot sa pandinig niya ang baritonong tinig ni Lolo Kupido. Meron itong inaanunsyo. Her brain was just in a frenzy right now that she couldn’t understand anything other than the bizarre anticipation of what was to come.
Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya kayang salubungin ang nakikita niyang kakaibang kislap sa mga mata ng lalaki. Iyon ba ang tinatawag nilang “passion”?
Sa wakas ay dumikit din ang mga labi nito sa labi niya. His kiss was feather light. Noong una ay halos hindi man niya iyon naramdamang dumapo sa mga labi niya. Pero nang marinig nito ang mahinang pagsinghap niya ay tuluyan nang lumapat ang mga labi nito. Nanlambot ang mga tuhod niya. Wala sa sariling napakapit siya sa mga bisig ng lalaki.
“Ang larong ito ay tinatawag kong ‘Kiss of Destiny’…” sabi ni Lolo Kupido mula sa labas.
Bahagyang inilayo ni Ahrkhei ang mukha nito at tinitigan siya. There was that rakish devil-may-care smile on his lips, but that spark in his eyes was far from cool and easy. It actually spoke volumes that made her stomach flutter even more.
“Kapag medyo lumamlam na ang mga ilaw sa paligid, magsisimula na ako sa countdown para sa larong ito…”
“Kiss of Destiny,” he said in a hoarse whisper. Idinikit nito ang noo sa noo niya. “Should we wait for that, baby?” Bago pa siya nakasagot ay umiling na ang lalaki. “I don’t think I can.” Muli nitong inangkin ang mga labi niya.
He showered her lips with little light kisses, parang nananantya kung itutulak niya ito. Nang hindi siya nagpakita ng protesta ay nag-iba ang paraan ng paghalik nito. He was teasing her to open her mouth. And then finally, she did.
Lightning bolts of fiery pleasure tore through her nervous system and boiled right down at the center of her being.
Lumalim pa ang mga halik ng lalaki. Ang mga braso nito ay kumapit sa beywang niya. Ang mga palad nito ay humaplos sa likuran niya. He was stroking her ultra sensitive skin upwards, and then downwards. Nang tuluyan na siyang nawawala sa sarili ay ginulat sila pareho ng isang tawag.
Kumawala si Ahrkhei, pero ang isang kamay nito ay nanatiling nakakapit sa beywang niya. Dinukot nito ang cellphone sa bulsa. He licked his lips before he accepted the call. “Hello, Borjie?” Kumunot ang noo nito. “Hindi ko narinig, maingay sa labas, eh… What?! Okay, just give me a minute.” Pinutol nito ang tawag at hinarap siya. “I'm sorry, there's been an emergency. Kailangan ko nang umalis.”
Itinaas nito ang mukha niya at tinitigan siya nang diretso. “Ibigay mo sa akin ang numero mo. Tatawagan kita.”
“Okay.” Kumawala siya dito. Humila siya ng tissue, dumukot ng ballpen sa bag at isinulat ang numero ng cellphone doon. Nang iabot niya iyon sa lalaki ay doon pa lamang niya napansin ang cellphone nito. Hawak iyon ng lalaki at talagang hinihintay siyang i-dictate niya ang numero niya para mai-save nito iyon sa phonebook nito.
“Don’t tell me that the last time a guy asked for your number ay hindi pa uso ang calling cards at cellphones? How about beepers?” Taas ang mga kilay nito.
Hindi naman ba siya mukhang hilong-tuliro dahil sa mga halik nito? Napangiwi siya. Itatapon na sana niya ang tissue, pero kinuha iyon ng lalaki.
“That will do.” Nakapinta ang pilyong ngiti sa mga labi nito. Naglalaro ang samut-saring emosyon sa guwapong mukha nito. “Hintayin mo ang tawag ko.”
Humila din ito ng tissue at ipinunas iyon sa glossy red lipstick smudge sa gilid ng mga labi niya, tapos ay ipinunas din nito iyon sa sariling bibig nito. Bago ito tumalikod ay kinalabit nito ng hintuturo ang tungkil ng ilong niya. Bago ito tuluyang lumabas ng pinto ay nilingon siya ulit nito.
“Sorry for the dress, pretty lady. I'll make it up to you.”
Nang mawala ito sa paningin niya ay doon pa lamang siya nagpakawala ng pagkalalim-lalim na buntonghininga. Tinitigan niya ang sarili sa harap ng salamin.
Kitang-kita niya ang pagkutitap ng mga mata niya. Wala sa sariling napahawak siya sa namimintog niyang mga labi. Akalain ba niyang mahahalikan siya ni...
Wait, he was a total stranger! Maliban sa pangalan nitong Ahrkhei ay wala na siyang alam pa tungkol sa pagkatao nito. She almost made out with a stranger na nakasama lang niya ng ilang minuto, at sa loob pa ng banyo! Oo nga’t mala-hotel toilet ang dating n’on, pero banyo pa rin. Yuck!!!
Bilang isang medical technologist na nag-aral ng iba’t-ibang klase ng mikrobyo, masyado siyang maingat sa kanyang personal hygiene. Isipin na lang na kani-kanina lang ay namulot siya sa sahig at ngayon-ngayon lang ay hinawak niya ang mga daliri sa nangangapal pa niyang mga labi.
Oh, bloody Mary! Nakikinita pa niya ang project nilang bacteria culture noong college. Iniwan lang nila ng ilang minuto ang petri dish na may agar sa loob ng banyo, pagtingin nila dito sa ilalim ng microscope ay too many to mention na ang naglalamyerdang mikrobyo. Halos masuka tuloy siya sa pandidiri ngayon. Normally, sasabunan niya ang mga kamay, at dapat ay pati ang mga labi niya ngayon, pero naiisip pa lamang niya ang pinagsaluhan nila ni Ahrkhei... Damn! Iinom na lang ako ng isang litro ng antiseptic!
“Three…two… one. You may now kiss,” malakas na anunsyo ni Lolo Kupido sa tapat ng mikropono.
“Sorry, guys, nauna na kami ni Ahrkhei sa harap ng salamin,” nangingiting sabi niya sa sarili. She would definitely treasure that moment.
BINABASA MO ANG
Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)
Romance"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." 💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖 Deejay and Gelo were best of friends. Si Cherry ang kaisa-isang babae na minahal ni...