The Show

8.5K 207 8
                                    

MABILIS na binuksan ni Deejay ang text message na natanggap.

“Dinner with your soul mate?”

Bumalik siya sa loob.  “I'm surprised that it only took you two minutes to text me this time, pagkatapos mo 'kong nilayasan sa party at pinaghin...” natigil siya sa pagsasalita nang makita ang nakakalokong ngiti ng lalaki.

“I'm sorry if I’ve kept you waiting.”

“Excuse me... Hindi ako naghintay.”

“That's sad, because I’ve done everything to find you.”

“Really? Oh, I believe you!” She said sarcastically.

“Look, I accidentally lost the tissue. I'm sorry. Naitapon ko 'yon kasama ng ipinampunas ko sa lipstick mo. At hindi kita nilayasan. Kinailangan ko lang magpunta sa hospital dahil naaksidente ang parents ko nang gabing ‘yon. Kinabukasan ay bumalik ako sa resort. Nakiusap ako doon na makita ang logbook ng mga guests na dumalo sa party. Hinanap ko ang pangalan mo, wala akong nakita na nagsisimula sa D at J. So obviously, you didn't register your true name.”

True. Pero true din ba na aksidenteng naitapon ang tissue? At hinanap pa raw ako nito. Really?! What do you expect, Deejay? This guy is cheating on her girlfriend, and you expect him to be honest with you? You're kidding, right? Cut the bitterness. Get over it now and go on with the mission! Ayan na nga, ang dali-dali na, ano pa ang inaarte mo? I-push na ‘yan. The sooner it’s over, the better.

“Okay. Saan mo ako dadalhin?”

  Umaliwalas ang mukha ng binata. “Does that mean, I'm forgiven?”

“It means, naghintay talaga ako ng sixty-four hours sa tawag mo, at hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito.”

“I thought so,” buong kompyansang sagot nito.

At ayan na naman ang pamatay na ngiti nito. Dapat ay may pangkontra s'ya doon, or else, kawawang Deejay s'ya 'pag nagkataon.

DINALA ni Ahrkhei si Deejay sa isang expensive resto. Medyo nasa alanganing lugar iyon, kaya dalawang pares lamang ang naabutan nilang kumakain doon. Naisip niya na ganoon talaga kapag may itinatago, bawal lumantad sa publiko.

Habang kumakain sila, napansin niyang panay ang sulyap ng lalaki sa kanya. Hanggang sa nagpasya siyang salubungin ang tingin nito.

“Have I told you that you look lovelier in broad daylight?”

“You just did.”

Natawa ito. “Most women need photo editing to look perfect in a picture, you are but one of the few exceptions.”

“Are you sure you're a photographer? 'Cause you sound more of a poet. Hindi na ako magtataka kung madaming babae ang napapaniwala ng mga pambobola mo.”

“That night at the party, I admit na medyo nambola ako, to get your attention. I mean, sa dami ng mga lalaking nandoon na naghahanap ng partner, I had to give my best shot para 'di ako maunahan. I just couldn't let you slip away, you know.”

Kinuha nito ang goblet at lumagok ng wine. “Pero ngayon, hindi ko na kailangang gawin ‘yon. Everything I say now is definitely what I feel and what I mean.”

“At bakit hindi mo na kailangang mambola?”

“Because I know I’ve got you.”

“Paano ka nakasiguro?”

“Because you let me kiss you.”

“'Di ba pwedeng na-cute-an lang ako sa 'yo kaya ako nagpahalik?”

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon