Chapter Seven
HINDI mapalagay si Deejay sa buong durasyon ng biyahe papunta sa resthouse ng mga Salvador sa Tagaytay. Kulang na lang ay hilahin niya ang manibela na hawak ni Ahrkhei paliko, pabalik sa pinanggalingan nila.
Tama ba itong gagawin niya? She would be spending the whole weekend alone with this man, in a place that was so conducive to romance. Noong gabing sumama siya sa bahay ng lalaki, masama lang ang pakiramdam nito kaya hindi siya nadisgrasya, paano ang ngayon?
Makakatagal ba siya sa mga pangungulit at panunukso ng binata sa kanya? What if in the end ay bumigay na siya sa mga yakap at halik nito?
“Relax, baby. Hindi ba't matagal na nating balak na magpunta sa Tagaytay? Bakit parang sinisilaban ka d’yan sa upuan mo?”
“What if hindi mo na ako iuwi ng buhay?”
Natawa ito. Kinuha nito ang palad niya. Pinisil nito iyon bago nito idinikit sa mga labi nito at masuyong hinalikan. “Well… I could, you know, let you die in ecstacy.” Sinundan nito iyon ng nakakalokong tawa.
“Ahrkhei! I told you, I’m not ready for that.”
“Easy, baby. I won’t pressure you into something you do not want.”
“It’s not that I don’t want to. It’s just… It would be…”
“Your first time,” dugtong nito sa hindi niya masabi-sabi.
Nilingon niya ang lalaki. “How did you know that?”
“I know,” nilingon din siya nito, “that I'm the first guy in your life. It's in the way you kissed me back the first time.” Kumislap ang mga mata nito. “Hindi na ako magtataka d'on, considering how taray you are. Ako lang yata ang nakatagal sa kasungitan mo.”
Pinagtatawanan ba siya nito? Kaya nga hindi nito mabitawan si Cherry ay dahil wala siyang panama sa babaeng iyon. Bakit ba kasi iyon pa ang inibig ni Gelo? At bakit ngayon ay nakakaramdam siya ng matinding iritasyon sa babaeng iyon?
“Are you saying na hindi ako marunong humalik?” Iniwas niya ang tingin dito.
Natawa ito. “I’m saying that I’m glad, and I’m proud, to be the guy who taught you how to do it. And baby, you are such a good kisser now. Trust me. You simply take my breath away.”
“Of course, I’ve learned from the best.” Sinagot iyon ni Ahrkhei ng malakas na tawa.
Pagdating nila sa malaking bahay na nakatayo sa gilid ng isang mataas na cliff, hindi niya napigilan ang mapamangha. The place was breathtaking. Kapag tumanaw ka sa ilalim ay para ka nang nasa kalangitan.
Ang malaking bahay ay antigo ang design. Para itong bahay noong panahon pa ng mga Kastila. Pero maayos pa ito at halatang panay ang pagpapa-renovate dito, para mapanatili ang kaayusan at katatagan ng pundasyon nito.
“This is an ancestral house. Kahit siguro ano'ng mangyari ay hindi ito iiwan ng Mommy at Daddy. Though my Dad is always out of the country, dahil nga sa business niya.”
“May ibang kapatid ka pa?”
“Dalawa lang kami. Layas pa ang isa. Mabuti nga at medyo tumino na siya ngayon.” Inalalayan siya nito papasok sa malaking bahay.
“We're here!” Anunsiyo nito.
Napatingin siya sa lalaki. Sino ang daratnan nila dito?
Mula sa kusina ay may lumabas na matangkad na babae. Nakasuot ito ng isang eleganteng bestida. Kahit may edad na ito at nagkaroon na ng dalawang anak ay perpekto pa rin ang figure nito. At ang kutis nito ay parang porselana. Sinalubong nila ang ginang.
BINABASA MO ANG
Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)
Romance"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." 💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖 Deejay and Gelo were best of friends. Si Cherry ang kaisa-isang babae na minahal ni...