Chapter Four
KINABUKASAN, nakatanggap ng tawag si Deejay mula kay Ahrkhei. Nasa duty siya at kasalukuyang nakayuko sa harap ng microscope. Kung naiba lang ang caller n'ya, nungkang tanggapin n'ya ang tawag. Sa bagsik ng matandang chief med tech nila ay dinaig pa nito ang pinakamatinding mikrobyo.
“Good morning, baby. I just woke up, and I needed to hear your voice to keep me up, I mean, really up,” may lakip na kalokohan ang boses nito.
Disgusting mammal!
“Well, I'm sorry to say, Perv, but I'm at work now. I can't do much to solve your problem.”
“Work? What work?” halatang nagising ang interest nito. “Nasaan ka ngayon?”
Nakagat niya ang ibabang labi. “In a home for the aged.”
“May ganyan ba dito?”
“Yeah! It's private, actually. Inaalagaan ko ang isang matandang bruha, and right now, hawak ko ang ebak n'ya. Want some?”
“Eeww!”
Oh, I love that husky voice!
“Deejay!” Tawag ng chief nila. “Sabi nang bawal mag-cellphone sa duty!”
“Nandito na ang bruha! Bye!”
“Wait—”
Pagdating ng lunch time ay text naman ang natanggap niya.
“I prefer eating lunch with you, you know, somewhere near the toilet.” Dinugtungan pa nito iyon ng isang emoticon ng lovestruck na smiley.Napakunot ang noo niya doon. Kung hindi lang niya nakapa ang bukol-bukol na muscles sa katawan ng lalaking iyon ay magdududa rin siya kung straight nga ba ito. Sabagay, may beki ba na ganoon kasarap humalik?
Tinignan niya ang pagkain niya. Bakit parang sa mga oras na iyon ay iba ang gusto niyang kainin? Nakakaadik ba talaga ang halik? 'Di kaya puro dangerous drugs ang sangkap ng laway ng Ahrkhei na 'yon? Gumana na naman ang pagiging paranoid niya.
Sabi niya noon, bago siya mag-boyfriend kailangang matiyak muna niya na negative sa lahat ng diagnostic tests ang lalaking sasagutin niya. Mahirap na, baka ang ka-lips-to-lips niya ay positive pala sa tuberculosis! At dapat, laging bagong toothbrush bago siya hahalikan. Bakit pagdating kay Ahrkhei, care ba niya kung lasa pa itong ulam…
Teka, ano nga pala ang apelyido ng lalaking iyon? Taga-saan? Ilang taon na? May SSS at Philhealth kaya siya? May insurance? May bank account?
Aray, boyfriend material ba si Ahrkhei? Sobrang nabibilisan lang kasi siya sa mga pangyayari. Pero bakit nga ba kailangang patagalin pa? ‘Di ba’t kailangang ma-save nila agad si Cherry bago pa mahulog nang husto ang loob nito sa lalaki? At kailangang matapos agad ang mission bago pa mahulog din ang loob niya dito.
Sinagot niya ang text ni Ahrkhei. “Then why don't we have dinner together?”
“I'd love to. Susunduin kita mamaya.”
Well, clearly, hindi lang siya ang adik. Napangiti siya. Pero bigla n'yang naalala na kina Gelo siya nito susunduin. Tinawagan niya ang kaibigan.
“Paano ang gagawin natin? Ikulong mo muna kaya ang Tita mo sa kuwarto n'ya para siguradong hindi siya lalabas pagdating ni Ahrkhei?” Sa sobrang daldal ng tiyahin ni Gelo ay tiyak na mabubuking sila nito.
“Wait. Sigurado ka ba na mamayang gabi 'yan? Around what time? Kasi nabanggit ni Cherry ngayon lang, na balak niyang yayain si Karlo na manood ng concert sa MOA mamaya.”
“Ahm, maybe before the concert?”
“Okay, do everything you can para hindi kayo agad maghiwalay ng lalaking 'yon.”
BINABASA MO ANG
Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)
Romantizm"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." 💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖 Deejay and Gelo were best of friends. Si Cherry ang kaisa-isang babae na minahal ni...