The Visitor

7.1K 204 2
                                    


HATINGGABI na ay gising pa rin si Deejay. Paikot-ikot siya sa malapad na kama.  May nararamdaman siyang kakaiba na hindi niya maintindihan kung ano. Siguro ay namamahay lamang siya. But seriously, this old house gave her the creeps. Parang iyong mga bahay na ginagamit sa horror movies.

  Tinignan niya ang manipis na puting kurtina na nakapalibot sa higaan niya. Prinsesa lang ang peg!

Bumangon siya para hawiin ang magkabila nito. Hindi kasi siya sanay sa ganito, feeling niya ay siya si Sleeping Beauty na nakahimlay sa loob ng magarang kabaong. Nang humiga siya ulit ay napalingon siya sa isang antique na rocking chair sa harap ng saradong bintana.

  Ewan kung namalikmata lamang siya, or dahil subconsciously ay tinatakot niya ang sarili niya, dahil may nakita siyang nakaupo doon.
Ipinikit niya ang mga mata at ipinilig niya ang ulo. Nang muli siyang magmulat ay wala na iyon. Gumapang ang kilabot sa buong katawan niya. Mabilis siyang nagtalukbong ng kumot. Hinila niya ang cellphone sa gilid ng malaking unan. Tinawagan niya ang numero ni Ahrkhei. Tatlong ring bago ito sumagot.

“Babe?” paos na sagot nito.

“Punta ka dito. Dali!”

“What’s wrong?”

“Bilisan mo.”

Ilang segundo lang ang lumipas, bumukas na ang pinto ng kuwarto at pumasok si Ahrkhei doon. “Deejay? Are you all right?”

Lumapit ito sa kama at inalis ang kumot na nakatakip sa ulo niya.
Hinila niya ang kamay ng lalaki. Bumagsak ito sa tabi niya.

“Hey, what happened?” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.

“May tao sa rocking chair.”

“What?” Nilingon nito ang upuan. “There's no one there.”

“Meron! Natatakot ako. Huwag mo akong iiwan mag-isa.”

“Deejay.” Siguro ay naramdaman nito ang panginginig niya sa takot. “Baby.” Niyakap siya nito nang mahigpit. “It’s okay.” Maya-maya pa ay lumapat na ang mga labi nito sa mga labi niya.

Doon pa lamang siya nahimasmasan. Ang atensyon niya ay naagaw ng maalab na halik na iyon. Ang mga bisig na nakapulupot sa likod niya ay naglakbay sa katawan niya.  Hindi niya napigilan ang isang ungol nang bumaba ang mga labi nito sa leeg niya.

“Shhh,” saway nito sa kanya. Ang isang palad nito ay dumako sa isang dibdib niya. Nang matanggal na nito ang lahat ng butones ng pajama tops niya ay unti-unting bumaba ang mga labi nito sa dibdib niya. When Ahrkhei finally captured one peak ay napasinghap siya nang malakas.

“Ahrkhei!”

“Don't be so loud, baby. Baka marinig tayo ni Mommy.”

Nagpatuloy ito sa ginagawa nito. He ground his hips against her lower belly.

“Ahrkhei, no...” Bahagya niyang itinulak ang ulo nito palayo, pero ayaw bumitaw ng binata.

Natatangay na siya sa ginagawa nito. Kung hindi ito kusang titigil ay madidisgrasya siya nang tuluyan. “No, please.” May lakip na pakiusap na ang tinig niya.

Doon tumigil ang binata. Nagpakawala ito ng malalim na buntonghininga bago nito isinubsob ang mukha sa leeg niya. Sunod-sunod ang buga nito ng hangin.

“I'm... I'm sorry.”

Kumawala ito sa kanya at ibinagsak ang sarili sa tabi niya. Itinakip nito ang braso sa mga mata nito.

“Ahrkhei...” Pinagsalikop niya sa dibdib ang bukas na damit.

Nanatiling walang kibo ang binata. Maya-maya pa ay naging panatag na ang paraan ng paghinga nito. Doon pa lamang siya nito nilingon. Kinabig siya nito at ikinulong sa mga bisig nito.

“I'm sorry.”

Ahrkhei kissed her forehead. He was obviously disappointed, pero walang salitang lumabas sa bibig nito. Isiniksik nito ang ulo niya sa malapad na dibdib nito. “Go back to sleep, Deejay.”

“Huwag kang aalis.”

“I won't.”

Hindi na napigilan ni Deejay ang pamimigat ng talukap ng mga mata. Sumunod na pagmulat niya ay maliwanag na sa paligid. Nasalubong niya ng tingin ang Mommy ni Ahrkhei, na ngayon ay nakatanghod sa kanilang dalawa ng binata.

Tinignan niya si Ahrkhei. Mahimbing pa rin ang tulog nito, palibhasa'y pinuyat niya ito nang nakaraang gabi. Nakadapa ito sa kama. Ang isang braso nito ay nakakawit sa beywang niya. Siniko niya ang binata.

Biglang nagmulat ng mga mata si Ahrkhei. Parang nagulat pa ito nang makita siya. Bahagya itong umungol at kinabig pa siyang lalo palapit dito.

“Ang Mommy mo,” inginuso niya ang ginang na nakataas ang isang kilay.

Napabalikwas ng bangon ang binata. “Mom!”

“What did I tell you yesterday?”

“Ahm... it's not what you think. I...” Nilingon siya ni Ahrkhei. Dumako ang mga mata nito sa tiyan niya na lumitaw nang tanggalin nito ang braso sa katawan niya.

Mabilis niyang inayos ang sarili. Dalawang butones lamang kasi ng pajama top niya ang naisara niya ulit bago siya nakatulog.

Tinignan niya ang ayos ni Ahrkhei, boxer shorts lamang ang suot nito. Ang puting sando nito ay mabilis nitong nahubad kagabi at basta na lamang nitong inihagis sa kung saan.

“I don't like the kind of women you are associating yourself with, Ahrkhei. Hindi ka pa ba natuto sa mga pagkakamali mo?”

Naihilamos ni Ahrkhei ang isang palad sa mukha nito. “Mommy, it's different this time, okay?”

“There is no difference. She is exactly the same as the last one. I am not tolerating this, Ahrkhei.”

Tumayo ang binata at hinila nito ang ina palabas ng silid. Pero narinig pa rin ni Deejay ang pag-uusap ng dalawa.

“Ayoko nang magulo ulit ang pamilyang ito nang dahil lang sa isang walang kuwentang babae. I don’t want to lose another son!”

“Mommy! I’m not a kid anymore. Hindi mo na ako puwedeng diktahan kung ano ang dapat at hindi dapat kong gawin.”

“Listen to me, son. I just want the best for you. I don’t want you to get hurt again in the end.”

“Let's not talk about this now, please.”

Narinig ni Deejay ang mga yabag palayo. Bumangon siya at mabilis na inayos ang sarili. This had been a disaster. Hindi siya dapat sumama dito. Makakasira ito sa plano nila ni Gelo. Paano kung dahil sa galit ng Mommy ni Ahrkhei ay bitawan na siya ng binata?

  Hello to Bb. Pilipinas beauty queen! Hindi niya inaasahan na ganoon ito ka-matapobre. Kung magsalita ito ay parang napakatino ng anak nito. Duh!

Kalahating oras ang lumipas bago nagbalik si Ahrkhei. Nakabihis na ito. “I'm so sorry about that, Deejay. Hindi mo dapat narinig ang mga iyon.”

“I wanna go home.” Binitbit niya ang dalang canvas bag.

“Okay.”

Nang magpaalam sila sa ginang ay hindi man lamang sila nilingon nito. Nang nasa biyahe na sila ay tahimik silang pareho.

“I'm sorry if I disappointed you, Ahrkhei.”

“No. I should be the one to feel sorry. Please, don't take it personally, Deejay. It's not about you. May isang babae lang na pinag-awayan naming magkapatid noon. That was over ten years ago. It has nothing to do with you. You are nothing like that girl, Deejay.”

Kinuha nito ang palad niya at hinagkan nito iyon. “Just give me some time to fix these things, okay?”

Napalunok siya. Well, I might actually be like her. 'Cause I'm a fraud, too. But isn't it a cheater like you deserves something like that?

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon