PROLOGUE

11.6K 520 112
                                    

Sabi nila ay hindi mahuhusgahan ang isang nilalang sa panglabas nitong kaanyuan.

Ang masasabi ko naman ay mapapatay ko ang kung sinomang nagpakalat ng kalokohang kasabihang iyon.

Bakit?

Dahil isa ako sa ipinanganak sa mundong ito na hindi pinalad magkaroon ng pisikal na kagandahan at s'yang kauna-unahang humuhusga sa aking taglay na kapangitan.

No.

Hindi naman ako bitter.

Talagang naka-iirita lang na sa tuwing gigising ako ng umaga ay napapasigaw ako sa takot kapag nakikita ko ang aking sarili sa salamin.

Punyemas.

Kailangan ba talagang ipamukha sa akin ng mundo kung gaano nakapangingilabot ang aking hitsura na maging ako ay nakararamdam ng ibayong hilakbot sa tuwing nakikita ang sarili kong repleksyon?

Tss...

Tuloy, para maiwasan iyon ay itinapon ko ang lahat ng salamin na nasa loob ng bahay na minana ko pa sa aking yumaong lola.

Nakahihinayang man dahil mga antiques ang mga iyon ay mas mabuti nang mawala lahat sila sa aking paningin kesa atakehin ako sa puso.

Gosh.

Panghorror talaga ang mukha ko, maniwala kayo.

By the way, maiba tayo.

Alam kong cliché na magpakilala ang isang tauhan sa unang bahagi ng isang kuwento pero haller, ako ang bida dito kaya walang pakialamanan!

Ako si Erika Asch Levi.

Labing walong taong gulang, isang ulila. May tangkad na 5'3, kayumanggi at higit sa lahat PANGIT!

Oo na.

Bitter na kung bitter!

Masisisi n'yo ba ako ganoong dahil sa walang kapantay kong kagandahan 'note the sarcasm' ay kahit kailan ay hindi naging normal ang aking buhay.

Since I was small, people avoided me like I was infected by zombie virus.

They were scared of me to the extent of throwing garlics and sprinkling holy waters on me.

Ang OA!

Pangit lang ako at hindi aswang o maligno.

Hindi lang dahil doon kaya kinatatakutan nila ako. Kundi batid ng buong Lilipun na bukod sa may lahi akong mangkukulam ay taglay ko rin ang tinatawag nilang mga mata ng Diyablo.

Ayon sa kasabihan ay kamalasan at trahedya ang dulot ng s'yang nagtataglay niyon kaya pilit nila akong itinataboy at iniiwasan.

"Fufufu," hagikhik ko.

Dahil sinong makapagsasabi na bibigyan ako ng isang pagkakataon ng D'yosa ng buwan na baguhin ang takbo ng malungkot kong buhay.

Iyon ay nang ipakilala nito sa akin ang isang makisig at ubod guwapong Alpha at ang ubod sungit na Beta ng WarLord territory.

Uulitin ko.

Ako si Erika at dito nagsisimula ang puno ng kakulitang k'wento ng aking buhay.

The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon