CHAPTER EIGHT

5.2K 413 98
                                    

Dedicated to:
All my beloved followers and readers

.....

May inuwi si Erika sa bahay,
Nilabit n'ya, nilabit n'ya
At iaalay....

ISANG binibini na may bitbit na lumang basket, nakasuot ng itim na bestida, may mahaba at itim na itim na buhok at itim na bandana sa ulo ang humihimig na naglalakad sa may kadilimang ng pasilyo ng packhouse ng WarLord territory sa kalagitnaan ng gabing iyon.

Sa sinag ng buwan na tumatagos sa malalaking bintana na nasa gilid ng pasilyo ay mababanaag sa ilalim ng may kahabaang bangs nito ang nangingislap sa pagkasabik na mga mata at isang malawak at nakakikilabot na ngisi sa mga labi.

May inuwi si Erika sa bahay,
Nilabit n'ya, nilabit n'ya
At iaalay.

Muli itong humimig gamit ang napakalamig at tila nanunuot sa mga butong tinig bago nagpakawala ng malakas na halakhak na nagbigay kilabot sa mga pack-warriors na nasa malaking bahay na iyon.

May ilang namutla at biglang nahimatay, may ilang nagkulong sa kanilang mga silid at nanginginig na sumuot pa sa ilalim ng mga higaan at ang ilan ay nagtago sa likuran ng malalagong mga halamanan sa labas ng bakuran.

Nang mapansin ang reaksyon ng mga residente ng packhouse ay biglang huminto ang binibini sa paglalakad sabay kunot-noo.

"Hindi talaga friendly ang mga nakatira dito," nguyngoy nito ngunit nang biglang marinig ang pagkalam ng sikmura ay agad na nasapo nito ang tiyan. "Argh, gutom na ako." Tila biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod na napaluhod ito sa sahig sabay pakawala ng malakas na panaghoy, ngunit nang may makita itong paparating na tatlong matitipunong lalake ay agad itong nabuhayan ng loob saka pagapang na nilapitan ang mga ito.

"Mga ginoo," sa nakasanayang mababa at tila galing sa libingang tinig ay agaw pansin ng binibini sa tatlo.

Huminto ang mga bagong dating at gulat na napatingin sa nilalang na nasa sahig na mula sa kadiliman ay bigla na lang lumitaw sa harapan ng mga ito.

Ikiniling ng binibini ang ulo na lumikha ng nakapaninindig balahibong tunog saka muling nagsalita. "Nagugutom at sobrang nasasabik na ako sa malinamnam na lasa ng karne at ang sabi nila ay may makakain daw dito." Pinaraanan ng naglalaway nitong dila ang paligid ng tuyot na mga labi sabay ngisi ng ubod lawak. "Maaari n'yo bang ibigay sa akin ang mga iyon?"

Sa narinig mula rito at sa hitsurang hindi pang-tao ng binibini ay awtomatikong nanlaki ang mga mata ng mga lalake. Matapos niyon ay sabay-sabay na humiyaw ang mga ito at kumaripas ng takbo palayo na larawan ng matinding panghihilakbot ang mga mukha.

Napakuno-noo at napuno ng pagtataka ang naiwang binibini.

"Fufufu! Nakakita ba sila ng multo? Bakit sila tumakbo?" Napakamot ito sa pisngi sabay naiiling na bumuntong-hininga. "Kung hindi nila ako masasamahan, ako na lang ang hahanap sa kusina, fufufu!"

Bumalik ang hanggang tengang ngisi nito sa mukha bago itinukod sa sahig ang kanang kamay at tumayo na sapo naman ng kaliwa ang t'yan. Bumalik rin ito sa kan'yang kakila-kilabot na paghimig na muling nagbigay ng hindik sa buong kabahayan.

May inuwi si Erika sa bahay. Nilabit n'ya, nilabit n'ya
At iaalay...


........

SAMANTALA nang mga sandaling iyon...

"I don't think it's a good idea that we let that creepy woman wander around the packhouse. Baka hindi sa virus mamatay ang mga packmates natin kundi sa takot," wika ni Aztec. Nasa tabi ito ng mapayapang natutulog na bagong panganak na kapatid ng Alpha ng WarLord territory na sa mga oras na iyon ay nailipat na sa pribadong silid nito.

Mula sa pang-isahang sofa na nasa isang sulok, napakamot sa ulo si Apache at napangiwing tumugon. "Kanina pa ako nakakarinig ng mga sigaw sa labas. It must be because of her."

Aztec sighed and touched the new born pup's small hand in front of him that was laying in Lady Samu's arms. "That human, she's weird and really looked like a freak. Sapalagay mo, may magic ang babaeng iyon?"

Apache frowned. "Magic? No way! She doesn't look like a magician but a witch, man!"

Umiling si Aztec at bumaling sa binatilyo. "I've seen it. We even witnessed it. Hinawakan lang ng babaeng 'yon ang t'yan ni Lady Samu at lumabas na agad ang pup n'ya. If she's not a magician then what the hell is that freak?"

Napa-isip na hinimas ng tinanong ang baba nito.

Ang totoo ay hindi rin nito inaasahang ganoon kabilis na manganganak ang kapatid ng kanilang Alpha.

Nasa hitsura ni Lady Samu na nahirapan itong palabasin ang bata kaya naman lahat ng mga nakasaksi sa ilang oras na pagle-labor nito ay nakaramdam ng matinding pagkabahala.

They thought she'll be in danger. That she'll never make it.

Ngunit sinong maniniwala na sa isang hawak lang ng kakatwang babaeng hindi nila alam kung saan nagmula ay nagawa ni Lady Samu na makaraos at ligtas na makapagluwal ng sanggol.

Apache nodded as he finally agreed with Aztec. "You're right, man. The creepy woman is one hell of a magician! Or maybe she's a fucking witch or maybe... maybe..." hinagilap nito ang tamang salita sa isip at nang magtagumapay ay malakas itong napapitik sa hangin. "That's it, I think she's a witch doctor!"

Tumaas ang isang kilay ni Aztec at lumarawan sa mukha ng binata ang kuryosidad. "A witch doctor? May natitira pa bang tulad nila sa panahon natin?"

Apache shrugged his shoulder. "I'm not sure. Pero kung isa nga ang wirdong babaeng iyon sa mga nilalang na iyon..." ilang saglit na ibinitin nito ang iba pang sasabihin at inanalisa muna ang lahat ng nasa isip bago nagpatuloy. "Kung isa nga s'yang witch doctor, sapalagay ko ay nahanap na natin ang sagot sa problema ng ating pack. Sapalagay ko ay nakita na natin ang hinahanap ni Kuya Legion."

Agad na nakuha ni Aztec ang mga ibig ipakahulugan ng binatilyo kaya mabilis itong tumayo buhat sa pagkakaupo sa tabi ni Lady Samu at nilapitan ito.

"Then it only means one thing." A big full of hope smile formed on his lips as he patted Apache's shoulder before he blurted out his own conclusion. "We're not going to die a virgin anymore! We will still have a chance to--"

"Who's not going to die a virgin?" biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok sa loob ang dalawang matatangkad na nilalang na nagpahinto sa pagsasalita ni Aztec.

Sabay na bumaling sa mga bagong dating ang dalawa na agad bumalatay ang kasiyahan sa mga mukha.

"Kuya Legion!" Apache jumped into his brother's arms. The Beta automatically groaned and pushed him off but the golden haired youth just ignored his grumpiness and delivered the good news. "Kuya Legion, Alpha Lux! Nahanap na namin s'ya!"

Lux Spartan gave him a questioning but intrigued look. "Chill a little runt and tell us. Sinong nahanap nino?"

Aztec and Apache both replied,
"We've found the witch!"
"We've found the doctor!"

"Ano!" angil si Legion.

"We've found the witch doctor!"

The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon