CHAPTER TWENTY SIX

3.1K 292 113
                                    

NAPAHINTO si Lux nang marating ang sangang daan. Awtomatikong napakunot-noo ito bago tumingala at inamoy ang hangin.

"She's been here and someone's with her," anito sa Beta at mga kasama na huminto sa likuran n'ya.

"Mabuti pa ay maghiwa-hiwalay tayo, bud. Kahit na mukhang paniki ang babaeng 'yon, marami pa ring panganib ang dala ng kagubatang ito," wika ni Legion.

Tumango si Lux at sumenyas sa mga packwarriors na tahakin ang kanang daan at agad namamg kumilos ang mga ito.

"We must hurry. I've a bad feelings that she's in danger," anang Alpha at sa kaliwang daan naman pumihit.

Agad na sumunod dito si Legion na napatiim bagang. "That woman. She must stay alive no matter what!"

_________

SAMANTALA nang mga sandaling iyon...

(Erika's POV)

"Fufufu! P'wedeng magtanong?" tanong ko sa matanda sa aking harapan habang patuloy ang aking pag-atras.

"Hikhikhik! Ano 'yon?" anito na humakbang naman pasulong.

Napalunok ako bago nagsalita. "Hindi ko kasi maintindihan. Fufufu! Bakit pilit n'yong ipinakakain sa akin ang mansanas na 'to? Nagp-promote po ba kayo ng paninda, Lola?"

"Hikhikhik! Hindi ako nagpropromote ng paninda, binibini!" tugon nito na lalong lumisik ang mga mata. "Gusto ko lang na alisin ka sa aking landas!"

Fufufu!

Ako?

Gusto nitong alisin sa landas nito?

"Fufufu! Pero bakit? May nagawa po ba akong masama, Lola. May utang po ba ako na hindi ko nabayaran?"

Baka naman kasi nung mga panahong nagipit ako eh dumaan ito sa Lilipun at nautangan ko kaya nagtanim ito ng sama ng loob sa akin?

"Wala, binibini, ngunit isa kang malaking balakid sa akin at sa aking mga plano para sa lupaing ito!" angil nito na muli kong ikinalunok at ikina-atras. "Masyado kang pakialamera! Kung sana ay bumalik ka na lang at nanatiili sa Lilipun ay hindi malalaman ng mga gusgusing asong lobo ng WarLord ang tungkol sa pinagmulan ng epidemya!"

Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata sa ilalim ng aking bangs. "K-kung ganoon, kayo Lola ang---"

"Tama, binibini!" putol nito sa aking pagsasalita. "Ako at wala ng iba ang s'yang nagpakalat ng Moon Coronapest sa lugar na ito!"

Napahinto ako sabay iling. "That's bad, lola! Gusto n'yong patayin ang lahat ng mga asong lobo? That's terrorism!"

"Hikhikhik! Wala akong pakialam dahil may ipinaglalaban ako at karapatan ko iyon bilang unang nilalang na dumating sa lupaing ito! Akin lang ang WarLord! Akin lang!" naging mabalasik ang hitsura ng matanda at bago pa ako makaiwas ay malakas ako nitong itinulak dahilan upang mawalan ako ng balanse.

Natumba ako at napalugmok sa lupa dahilan upanb mabitawan ko ang mansanas na nasa aking kamay at ang basket ng pagkain para sa tagapangalaga ng kabute ng buhay.

"Oras na ng hapunan, aking alagad! Kainin mo ang babaeng ito!" utos nito kay Ginoong Mabalahibo ngunit isang tila nag-aalanganing ungol lang ang itinugon ng alagad nito sabay iling.

Fufufu!

Ganoon ba talaga ang trauma nito ng makita ang hitsura ko?

Minabuti kong kumilos at gamitin ang pagkakataong iyon upang gumapang sana palayo ngunit mabilis na nahawakan ng matanda ang aking paa.

"Ano pang hinihintay mo! Tumatakas na ang binibini, hangal!" sigaw nito kay Ginoong Mabalahibo.

"Ngunit Perusha, kahit ganito ang aking hitsura ay pumipili ako ng aking pagkain! Baka hindi ako matunawan kapag pinatos ko ang pangit na mortal na 'yan!" tugon nito sabay ingos.

Fufufu!

Wow ha!

Dapat ba akong magpasalamat o mainsulto sa aking narinig?

Naulinigan ko ang malakas na pag-ungol ng matanda na Perusha pala ang pangalan bago nito binitawan ang aking paa ngunit para lamang pala daganan ako sa likod upang pigilan ang aking pagtakas. "Hikhikhik! Masuwerte ka pa rin dahil sa pagkakataong ito pa naging choosy ang ungas na lobong mamamaslang kaya wala na talaga akong pagpipilian pa kung hindi ang ipakain sa'yo ang mansanas ng kamatayan!"

Habang nakangiwi sa ilalim nito ay napakurap ako.

Mansanas ng kamatayan?

Ang mapulang prutas na iyon ay ang mansanas ng kamatayan?

Minsan nang nabanggit sa akin ng namayapa kong abuela ang tungkol doon. At may ikinuwento pa nga ito na may isang prinsesa ang nakakain ng mansanas na nagmula sa isang napakasamang mangkukulam. Nakatulog ito dahil sa lason niyon ngunit agad ding nagising dahil sa isang mahiwagang halik ng isang prinsepe.

Fufufu!

Kung sakaling tikman ko ba ang mansanas, may darating din kayang prinsepe upang ako'y bigyan ng halik at iligtas sa kamatayan?

O baka naman kumaripas lang ito takbo palayo sa oras na makita ang hitsura ko?

Fufufu!

Naputol bigla ang iba pang mga maglilitawan sanang tanong sa aking isip nang hagilapin ng matanda ang mansanas na may lason sabay hagikhik ng malakas.

"Hikhikhik. Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan, binibini?"

Fufufu!

Well, hindi pa naman talaga ako nagmamadaling makasama ang aking lola.

Hindi pa ako handa dahil may pangako pa akong dapat tuparin tulad ng paggamot sa mga biktima ng epidemya na ikinalat nito. Nais ko pang gumanda sa tulong ni Apache at nais ko pang maranasan ang magkaroon ng nobyo.

Ngunit mukhang seryoso si Perusha na alisin ako sa kan'yang landas. Hinawakan nito ang aking panga at pwersahang ibinuka ang aking bibig bago itinapat sa aking mga labi ang hawak nitong mansanas.

"Hikhikhik! Akin lang ang WarLord, akin lang!"

Iyon lang at sapilitan nitong ipinakain sa akin ang mansanas. Isang kagat lang at naramdaman ko ang biglang pag-ikot ng aking paningin.

"G-ginoong Nakasisilaw... Ginoong Lumot..." usal ko matapos malunok ang piraso ng mansanas na bumara sa aking lalamunan. "T-tulong..."

_____________

ILANG minuto ang lumipas...

"ERIKA!" bulalas ni Lux nang sa wakas ay matagpuan ang dalaga sa pinakadulong bahagi ng kakahuyan. Nakahandusay ito sa damuhan at tila walang malay.

"Fuck! What the hell happened," mura ng Beta na nagtagis ang mga bagang.

Lumuhod ang Alpha sa tagiliran nito at marahang tinapik ang pisngi ng dalaga. "Erika! Wake up!"

Wala itong naging tugon.

Muling tinapik ng binatang lider ng lupaing iyon si Erika ngunit walang responde mula rito.

Lumuhod na rin si Legion sa kabilang bahagi ng dalaga at kinapa ang leeg nito para lamang mapa-angil ng malakas. "Hey, she-bat! Wake up! Are you fucking dead! Fucking shit! Bakit wala kang pulso!"

Natigilan ang Alpha at hindi makapaniwala na bumaba ang tingin sa wala na pa lang buhay na dalaga. "Impossible! She's not dead, Legion! She can't be dead or we are all going die!" Pagkasabi niyon ay pinangko nito si Erika sabay tayo. "Let's go back to the packhouse! Now!"

Iyon lang at wala na silang inaksayang oras. Buhat ang manggagamot ay tinahak nila ang daan pabalik ng packhouse habang umaasang malulunasan at buhay pa ang ito.

To be continued...
















The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon