Fufufu!Hindi ko mapigilan ang mapahagikhik ng lihim habang naka-sunod ang mga mata sa lalakeng kanina pa paikot-ikot sa loob ng silid na aking kinaroroonan.
Mapapansin ang irita sa mga mata nito habang tila may kung anong hinahanap.
"Damn it! Where in hell is that ugly bat!" narinig kong nguyngoy nito na nakapagpahinto sa aking hagikhik.
Ugly bat?
Ako ba ang tinutukoy nito?
Kusang tumilos ang aking nguso at nagsalubong ang aking mga kilay.
Kung makapagsalita, akala mo naman ay hindi ipinaglihi sa lumot!
Sa totoo lang ay noon lang ako nakakita ng buhok na kulay luntian. Hindi ko masasabi na maganda iyon sa paningin dahil para sa akin ay tila ito tao na tinubuan ng damo sa ulo.
Fufufu!
Ngunit agad ko rin na naalala na ito ang nagtapon sa akin sa silid na iyon nang nakaraang gabi kaya pansamantala ay isinang-tabi ko muna ang namuong inis dito.
Kung hindi kasi dahil sa ginoong tila pinaglihi sa sama ng loob sapagkat lagi itong nakasimangot ay hindi ko matatagpuan ang aking paraiso kaya naman bilang pagtanaw ng utang na loob ay mas pinagbuti ko pa ang pagsiksik sa ilalim ng lumang kama na naroon.
Upang gumanda ang mood ng ginoo, kailangan nito ng magandang libangan at iyon ay ang taguan.
Fufufu!
Sikat na sikat ang larong iyon noong bata pa ako. Natatandaan kong ilan sa mga kapwa ko paslit ay ilang linggong nilagnat sa tuwing sasali ako sa laro nila at ako ang s'yang napipiling taga-hanap.
Malinaw din sa aking alaala ang impit na mga ungol ng mga ito sa tuwing magbibilang ako ng isa hanggang sampu sa natural kong boses na tila nagmula sa ilalim ng lupa.
Pagkatapos niyon ay dahan-dahan akong hahakbang patungo sa pinagkukublian ng mga ito at kapag nahanap ko na ang aking mga pakay ay uusal ako ng kapangi-pangilabot na 'Boom!' habang nakakiling ang ulo at may malawak na ngisi sa mga labi.
Ang kasunod niyon ay ang pangingislap ng matatalim kong mga mata dahil awtomatikong sumisigaw ang mga ito saka mabilis pa sa kidlat na tatakbo pabalik sa kani-kanilang mga bahay.
Fufufu!
Nakatutuwa talaga ang taguan!
At dahil magaling ako sa larong iyon, hindi sa pagmamayabang ay sa loob ng sampung taon, walang sinoman ang s'yang naglakas loob pa sa bayan ng Lilipun na hamunin ako sa larangan na iyon.
Napabungisngis ako saka muling ibinalik ang aking atensyon sa ginoong may kakatawang kulay na buhok.
Napansin ko nang humakbang ito palapit sa aking direksyon at mukhang ang ilalim na nang kama ang pakay nito.
'Fufufu!'
Awtomatikong inihanda ko ang aking sarili. Nang huminto ito sa aking tapat, lumuhod sa sahig at sumilip sa ilalim ng higaan ay isang malawak ngunit nakapaninindig balahibong ngisi ang ibinati ko para dito.
"Ako ba ang hinahanap mo?" tanong ko sa paanas boses na subok ko nang nakatutunaw ng tapang ng kahit sinoman.
"What the fuck are you doing under the bed, you weird woman!" narinig kong bulalas ng ginoo ngunit imbes na matakot o kilabutan man lang ay ni hindi ito natinag sa taglay kong kapangitan. "I've been looking for you for fucking thirty minutes! Seriously, you are wasting my time!"
Sa likod ng makapal kong bangs ay hindi makapaniwalang tinitigan ko ito.
Hindi ba talaga ito natatakot sa akin?
Bakit hindi man lang ito sumigaw sa takot at tumakbo palayo gaya ng aking nakasanayan?
Ibig ba nitong sabihin ay may nakatalo na sa akin sa taguan?
"DO NOT try my patience, you ugly bat! Come out now and I'll drive you home!"
Fufufu!
I'll drive you home daw?
Ibig din ba nitong sabihin ay palalayasin na nito ako sa aking Paraiso?
Napahagikhik ako sabay iling.
"Ayaw."
"What!"
"Ayaw!"
Makalipas ang ilang minuto...
"Damn it! Stop right there, you freak!"
Hindi ko maiwasan ang mapabungisngis habang tumatakbo palayo sa Ginoong may lumot na buhok at habang tila ibong ipinapagaspas ang aking mga braso.
"Ginoong sungit, maaari bang dito na lang ako tumira?" lakas loob kong tanong dito bago tumungo sa kabilang bahagi ng silid.
Sa totoo lang at talagang nais kong manatili pa sa aking kinaroroonan sa sandaling iyon. Natagpuan ko na ang aking tahanan, ang aking paraiso kaya ayokong palalagpasin pa ang pagkakataong iyon.
Ngunit sa halip na tugunin ang aking kahilingan ay narinig ko sa aking likuran ang tila gigil na pag-ungol ng aking tinanong. " Will you stop running away!"
"Fufufu," hagikhik ko. "Pero gusto kong tumira dito sa bahay n'yo, maaari ba, ha? Ha, ha?" baka sakaling tanong kong muli sabay takbo naman sa likuran ng piano upang hindi nito mahuli.
Ngunit mukhang lalo lang yata na nadagdagan ang inis nito sa akin. "Nababaliw ka na talagang babae ka! Hindi ito bahay ampunan at wala akong balak na makita araw-araw ang isang weirdong tulad mo!"
Weirdo? Ako ba uli ang tinutukoy nito?
Ipinilig ko ang aking ulo at binalewala ang itinawag nito sa akin bago muling nagwika. "Kung ganoon, p'wede bang akin na lang ito?" tukoy ko sa instrumentong pangmusika sa aking harapan saka lumuhod upang yakapin ang isang paa niyon.
Muling ungol ng ginoo na sa pagkakataong iyon ay naniningkit na ang mga mata.
"Stop spouting nonsense and stop running away or help me Lord I'm going to strangle you to death!" hingal at gigil nang banta nito saka dahan-dahan humakbang palapit sa akin.
Napalunok ako at napa-isip.
Base sa hitsura ng ginoong masungit na ilang dali na lang ang layo sa akin, mukhang nais na talaga ako nitong sakalin sa panggigigil.
Tatakbo ba uli ako palayo dito?
Fufufu!
Pero gusto ko talagang mapa-sa akin ang piano.
Dahil doon ay pinanindigan ko ang pagyakap sa paa niyon kahit na nagawa na akong lapitan ng ginoo at saklitin upang ihiwalay doon.
"Let go!"
"Ayaw!"
"I said fucking let go!"
"Ayaw, ayaw!"
Isang angil ang pinakawalan ng ginoo bago nito binitawan ang aking braso ngunit sa aking pagkagulat ay para lamang pala hapitin ako nito sa bewang at higit sa akin palayo sa pinakamamahal kong grand piano.
Dumulas ang aking mga kamay at kasunod niyon ay tuluyan ko nang nabitawan ang instrumentong pangmusikang nais kong makasama habambuhay.
Hindi!
Awtomatikong nanubig ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay hinadlangan nito ang aking karapatan upang maging masaya.
"Ginoong Sungit..." Bago ko pa mapigilan ang aking sarili ay namuo ang ngitngit sa aking dibdib at kusang bumuka ang aking bibig. "Dapa!"
BINABASA MO ANG
The Witch Doctor
WerewolfThey called me a witch'. An ugly creature scaring every single soul in Lilipun away. One day, I accidentaly landed in the wolf-shifters territory. Read and enjoy. Date Started: 12/ 25/ 2017