THIRTY FIVE

1.7K 106 48
                                    

(Erika)

MATAPOS na isalansan ng maayos sa likuran ng pick-up car ang mga trays ng bulaklak na order ni Mr.Polly ay nakatanggap ng biglaang tawag sa mobile phone ang ginoong kamukha at kasing sungit ni Ginoong Lumot habang humahakbang ito patungo sa unahan ng sasakyan.

"Nasaan ka?" bungad agad ng  pambabaeng boses sa kabilang linya na nagpakunot-noo sa akin habang naki-uusyoso sa usapan ng mga ito.

"I have errands to do for my old man," sagot ng ginoo na may pagkayamot akong tinapunan ng tingin ngunit hindi ko iyon pinansin at ipinagpatuloy ang aking pakikinig.

"What errands? May usapan tayo mamayang gabi baka malimutan mo na naman," mapagdemandang wika ng kausap nito.

Marahas na napabuntong-hininga ang ginoo at larawan ng prustrasyong sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri sa kaliwang kamay. "I won't. I promise I'll see you once I'm done with-" saglit na huminto ito sa pagsasalita at pabulong akong sinikmatan ng, "Will you fucking move away!"

Buhat sa pagkakadikit ng mukha ko sa mukha nito at mahigpit na paghawak sa kamay nitong may tangan ng mobile phone ay umiling ako at pabulong na tumugon ng, "Damot. Gusto ko lang naman makinig sa usapan n'yo, ginoo."

Gusto kong malaman kung sino ba ang babaeng kausap nito? Girlfriend ba o kamag-anak? Bakit napaka-demanding at mukhang ma-attitude ito kahit sa telepono lang?

"Do you know what invasion of privacy is? Bitawan mo ang kamay ko at lumayo ka sa akin," muling parungit sa akin ng ginoo ngunit sa pangalawang pagkakataon ay muli akong umiling at hinigpitan pang lalo ang pagkakahawak dito.

Dahil doon ay inilipat nito ang telepono sa kabilang kamay at inilapat sa kaliwang tenga ang gadget bago itinuloy ang pakikipag usap sa babae. "This won't take long, Vex. I'll come and see you tonight, okay? Bye, I love you."

Hindi na hinintay pang makatugon ang kausap na mabilis na pinindot nito ang off button bago bumaling sa akin at p'wersahang binawi ang kamay mula sa mahigpit kong pagkakakapit.

"Seriously, what is your problem!" angil ng ginoo sa tila gigil na tono ngunit hindi nagpatinag na tumitig ako dito.

"Maari ko bang malaman kung sino ang babaeng 'yon? Bakit ka nag-I love you sa kan'ya? Tandaan mo, wala kang jowa!"

Napabuga ito ng hangin at matalim akong tinapunan ng tingin. "Kung ano man s'ya sa akin, wala ka ng pakialam doon, baliw na babae. You don't even know me! Now I have second thoughts of allowing my grandfather to continue his business with a mad woman like you."

Binuksan nito ang pinto ng driver seat ng sasakyan at akmang pag-wa-walk out-an ako nang bigla ko itong itinulak sa tabi at inunahan itong umakyat sa loob.

"What the hell! Get out of my car, you freak!" utos nito na sa pagkakataong iyon ay bahagyang namumula ang mukha dahil sa galit.

Imbes na gawin ang nais nito ay lumipat ako sa passenger seat saka matigas na nagwika ng, "Ayoko. Hindi ako aalis hanggang hindi mo sinasagot ang mga bagay na lumiligalig sa akin!"

Hindi ito maaaring umalis ng hindi ako naliliwanagan. Kung sino ba talaga ito at bakit kamukha ito ni Ginoong Lumot?

Naningkit ang mga mata at nagngalit ang mga bagang na tumiim ang titig nito sa akin. Sa mga oras na iyon, pakiramdam ko ay nais na nito akong  tirisin sa pagkasuya ngunit sa aking pagkagulat ay bigla itong kumalma.

"Alright, what are you questions? Make it quick or I'll kick you out of my car!" pa-asik nitong wika at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib.

Hindi makapaniwala na gumuhit ang malawak na ngiti sa aking mga labi. At bago pa magbago ang isip nito ay hindi na nag-aksaya pa ng panahon na inulan ko ito ng mga katanungan. "Ginoo, hindi mo ba ako nakikilala?"

"Hindi," walang emosyong sagot nito sa pantay na tono.

"Hindi mo ba ako namumukhaan man lang?"

"Hindi."

"Hindi mo ba naalala kung saan tayo nagkakilala?"

"Hindi."

"Weh! Hindi nga?" ungol ako at dahil sa mga negatibong tugon na aking natanggap ay hindi ko na napigilan pang ipilit dito ang mga impormasyon na baka nakalimutan lang nito. "Ginoo, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa'yo sa nakalipas na isang taon ngunit hindi mo ba talaga ako nakikilala, ha? Ako ito si Erika!"

Hinintay ko itong sumagot ngunit wala talagang rekognasyon na mababanaag man lang sa mga mata nito na nagpakirot sa aking dibdib.

"Ginoo, ikaw si Legion at kung matatandaan mo, ako ito! Ang babaeng gusto mong sabawan! Ang babeng paniki!" puno ng desperasyong imporma ko dito.

Namayani ang katahimikan sa paligid sa loob ng ilang segundo ngunit pagkatapos niyon ay namalayan ko na lang na lumasik na ako palabas ng pick-up kasunod ng pagharurot ng nasabing sasakyan palayo.

'Fufufu!' hagikhik ko na dahan-dahang bumangon buhat sa pagkakalugmok sa magabok na lupa. 'Hindi ako sigurado ngunit tila may mali yata sa mga sinabi ko.'

________________

SAMANTALA, sa mga sandaling iyon  sa loob ng pick-up car ay yamot na napa-iling si League.

"Crazy witch!" angil ng binata na hindi makapaniwalang pinag-aksayahan ng panahon ang kalokohan ng dealer ng bulaklak ng kan'yang lolo.

'Ako ito! Ang babaeng gusto mong sabawan! Ang babeng paniki!'

Tila umalingawngaw pa sa tenga n'ya ang mga winika nito na kumumpirma kung gaano kalala ang sayad nito sa utak.

Yes, his grandfather informed him in advance that she's quite bizarre but he  never foreseen that her mental disorder is severe. To add up to her striking peculiar personality, she's annoyingly  shameless.

"Damn it!" he cursed under his rough breathing as he recalled how the woman mindlessly glued herself to him and brashly eavesdropped on his conversation with his girlfriend. "Sinto-sintong babae! She's good at invading privacy!"

Muling napa-iling si League.

Kailangang ihinto ng lolo n'ya ang anumang transakyon sa nilalang na iyon dahil baka mahawa pa ang matanda sa kabaliwan nito. Perhaps, there are other farms in town they could contact with and could provide flowers to their shop.

Habang nagpapagaling ang lolo n'ya sa karamdaman nito, sisiguraduhin n'yang hindi na ito kukuha pa ng anomang produkto sa babaeng iyon na maaaring maging daan sa muli nilang pagkikita.

That 'she-bat'. He honestly could not withstand the sight of her because she's irking his blood for no specific reason. Hindi n'ya maipaliwanag ngunit mabigat ang loob n'ya dito kaya naman isang desisyon ang nabuo sa isip ng binata. "I must avoid her!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon