"M-Miss come here," tawag sa akin ni Ginoong Upo."Ayoko!" matigas kong tanggi.
Ano ako, timang?
Hindi puwerke't guwapo ito ay susunod ako sa kung anong gusto nito.
Over my dead black shiny bangs!
Akma akong tatakbo pabalik sa loob ng aking abang tirahan ngunit sa aking pagkagulat ay inunahan ako ang walanghiya.
Bigla itong bumangon sabay yakap sa isang kong binti. "M-Miss... d-don't leave me."
"Kyaaah!" nanlaki ang mga mata pati butas ng mga ilong na sigaw ako.
Tinamaan ng magaling!
Anong sapalagay ng kumag na ito ang kan'yang ginagawa?
"Bitawan mo ako, manyak!" nahintakutang pilit na binaklas ko ang mga kamay nito sa aking binti.
Ngunit mukhang wala itong balak na pakawalan ako dahil lalo lang humigpit ang pagkakakapit nito sa akin. "M-Miss listen. I n-need your help," wika ni Ginoong Upo na halos pabulong na lang.
"Help! Help-in mo mukha mo! Bitiwan mo ak---eek!" naputol ang muli kong pagsinghal nang dalawang binti ko na ang niyakap ng damuho.
Malakas akong napa-Oh-oh bago tuluyang nawalan ng balanse saka padapang bumagsak sa lupang nalalatagan ng mumunting damo.
"Akk! Ang ilong ko!" aking ungol ko mabilis na bumangon upang sapuin ang nabasag yatang bahagi ng aking walang kakuwenta-kuwentang mukha.
Ngunit hindi ko na gaanong nasiyasat kung nagdugo ba iyon o tuluyan ng na-flat dahil bigla akong ginapang ng hubo't hubad na tampalasan na hindi pa rin ako tinatantanan sa sandaling iyon.
"M-Miss... don't l-leave me, please," anito sabay yakap sa akin.
Halos tumalon palabas ang aking mga mata sa kinalalagyan nito at halos takasan ako ng kaluluwa nang maramdaman ko ang pagkiskis ng buhay nitong upo sa aking hita.
Namula ng husto ang aking buong katawan at bago pa mapigilan ang aking sarili ay isa na namang matinis na tili ang kumawala sa aking lalamunan.
"Bastos!" kusang kumilos ang aking mga kamay. Isang lumalagapak na sampal ang ibinigay ko dito saka ubod lakas itong itinulak.
Mabilis akong tumayo sabay karipas ng takbo na tila hinahabol ng sampung maligno.
Santa Maria, santisima.
Iligtas mo po ako sa makasalanang nilalang na 'yon!
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng aking bahay saka ini-lock ang pinto.
"Inang ko. Saan ba nagmula ang makulit na impaktong iyon! Anong kailangan n'ya sa akin!" hinihingal kong bulalas na halos lumawit ang dila sa lupa dahil sa pagod.
Nang bigla kong mapakunot noo dahil tila nakaramdam ako ng kakaiba. Dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay at kinapa ang aking likuran sapagkat tila namigat iyon.
Huh?
"T-teka, ano itong malambot at maumbok na bagay na ito?" wika ko at takang-taka na pinisil pisil pa iyon.
"W-well, t-that's my butt, M-miss," isang nahihirapang boses galing sa aking likuran ang sumagot sa aking katanungan na s'ya namang gumulantang sa akin ng bongga.
A-anong---
Pigil hingang lumingon ako at ganoon na lang ang panghihilakbot ko nang makitang may nakapasan sa akin.
Ang walang iba kundi ang makulit na Upo!
"Anong ginagawa mo d'yan, hangal!" singasing ko na hindi makapaniwalang hindi pa rin pala ito natatakasan.
Panginoon ko!
Mababaliw na yata ako.
Ano ba talagang kailangan sa akin ng tinamaan ng lintek na lalakeng ito!
Napangiwi ako nang unti-unting maramdaman ang bigat nito. "Teka hoy Mister, baka naman gusto mo nang bumaba?"
Seryoso, hindi ba naisip ng kumag na na napakaliit ko upang sakyan nito!
"S-sorry," usal nito at sinunod ang aking pakiusap.
Bumaba ito mula sa pagkakasakay sa aking likod at paikang humakbang patungo sa lumang sofa na naroon.
Napasuntok ako sa hangin.
Yes!
Agad kong sinamantala ang pagkakataong iyon upang mabilis na kumilos at buksan ang pinto.
Akmang tatakbo ako palabas para takasang muli ang manyak na lalake nang bigla itong magsalita.
"P-please... I... I badly need your help. D-don't run away from m-me, Miss. Babayaran kita kahit magkano," anito sa tila nahihirapang tinig.
Bigla akong nagpreno.
Hindi dahil sa sinabi nitong babayaran n'ya ako kundi dahil tila may kung anong sumaklot sa aking dibdib dahil sa pakiusap nito.
"H-hindi ako masamang tao. J-just please let me s-stay here for tonight and I... I'll leave first thing in the morning," patuloy nito na mukhang desperado na sa pagkakataong iyon.
"At bakit naman ako maniniwala sa'yo!" tugon ko naman.
Hindi ganoon kadali ang magtiwala sa isang estranghero ano! Bagamat wala naman itong mahihita sa tulad kong mahirap na sa buhay ay mahirap din ilarawan ang pagmumukha ay iba pa rin ang nag-iingat!
"P-please believe me. All... all I need is a little rest and I-I won't bother you anymore," kumbinse nito sa akin.
Napalatak ako. Ipininid ko ang pinto saka isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan.
"Hoy Upo. Lilinawin ko lang ha. Wala akong tiwala sa'yo pero dahil likas na mabait ako ay hahayaan kitang manatili dito ngayong gabi. Uulitin ko, ngayong gabi lang!" pahayag ko at kinalas ang aking bandana. "Ngayon por pabor, pakitakpan ang sarili mo at kanina pa nanakit ang aking mga mata! Tse! Babayaran daw eh brief nga hindi ka makabili."
"S-salamat," may bahid na katuwaan sa tinig na paanas nitong tugon.
Hindi ko na iyon pinansin pa. Bumaling ako sa aking silid at patakbong pumasok roon. Inilock ko ang pinto sabay dive sa ilalim ng makapal na kumot ng aking higaan.
Aaminin kong nagpatalo ako sa aking konsensya sa sandaling iyon.
At alam kong katangahan ang desisyon kong magpatuloy ng isang estranghero sa loob ng aking pinakamamahal na tirahan.
Ang hayaan itong manatili roon ng isang gabi.
Pero mukha namang mabait ang hangal, guwapo pa kaya lang may pagka-manyak.
Napanguso ako.
Sino kaya s'ya?
Taga-saan?
Paano ito naligaw sa aking halamanan?
At bakit wala ito kahit isang saplot!
Pinuno ng mga katanungang iyon ang aking isip hanggang sa makaramdam ako ng antok.
Haist.
Hindi ko na siguro dapat pang alamin kung sino ang lalakeng iyon. Dahil tiyak bukas ay wala na ito paggising ko.
••••
Maikli lang ang chapter na ito mga mahal. Bawi na lang sa susunod. Antok na si Author. Pinilit ko lang matapos ito.
BINABASA MO ANG
The Witch Doctor
WerewolfThey called me a witch'. An ugly creature scaring every single soul in Lilipun away. One day, I accidentaly landed in the wolf-shifters territory. Read and enjoy. Date Started: 12/ 25/ 2017