CHAPTER TWENTY TWO

3.2K 311 152
                                    

>Time skip<

Madaling araw na nang makabalik sina Beta Legion, Apache at Erika sa WarLord Territory.

Pagkahimpil ng pick up sa harapan ng malaking bahay ay agad na tumalon pababa ang binatilyo samantala, mabilis naman na umibis mula sa driver seat ang second-in command at lumibot sa kabilang bahagi.

Binuksan nito ang pinto ng passenger seat ng sasakyan at walang hirap na binuhat palabas ang walang malay na dalaga saka humakbang patungo sa direksyon ng packhouse.

Habang mat'yaga namang naghihintay sa hamba ng pinto kasama si Aztec ay napakunot-noo si Alpha Lux nang makita ang Beta na papalapit pangko ang kakatwang binibining manggagamot.

"What the hell happened?" sinalubong ng lider ng teritoryong iyon si Legion at mabilis na inagaw si Erika mula sa nagulat at napakunot-noo na second in command. "Why is she wounded?" pansin nito sa duguang mukha at ng dalaga.

"Mahabang k'wento, Alpha. Mabuting linisin muna ang mga sugat ng binibini," ani Apache.

"I'll take her to the guest room," wika ni Legion na binawi kay Lux ang dalaga.

"No, I'll take her!"

"No, I'll take her, Alpha."

"I said, I'll take her," tutol ng Alpha saka inagaw muli sa Beta nito si Erica ngunit kalahati lang ng katawan ng dalaga ang nakuha nito dahil ang kalahati ay hindi binitawan ng second in command. "Legion, let go!" utos ni Lux dito.

"You're already tired, bro! Just go to sleep and I'll take care of the she-bat," kontra naman ni Legion.

Nagkatinginan sina Aztec at Apache sabay iling dahil mukhang magkakaroon pa yata ng pagtatalo kung sino ang magdadala sa binibini sa guestroom.

"Fufufu! Maaari bang ako na lang ang magdala sa sarili ko pabalik sa basement, mga ginoo?"

"Fucking shit!" Nagulat ang apat na binata ng biglang magsalita ang may malay na pa lang dalaga dahilan upang sabay na mabitawan ito nina Lux at Legion.

"Aw!" ungol ni Erika ng bumagsak s'ya sa lupa at muling nawalan ng ulirat.
_________.

Few minutes later...

Sabay na kumuha ng upuan sina Alpha Lux at Beta Legion at sabay ding pumuwesto sa tagiliran ng nasa kama ng dalaga.

"Ako na ang maglilinis ng mga sugat n'ya," wika ni Lux ngunit mabilis na kumilos si Legion.

Kinuha nito ang bulak na nasa tray doon, binudburan ng alcohol at inunahan ang Alpha na linisin ang sugat sa braso ng binibini.

Napa-iling si Lux ngunit hindi ito nagpatalo. Kumuha din ito ng bulak at sinimulang linisin ang natuyong dugo sa ibabang bahagi ng mukha ni Erika na ikina-ingos ng Beta.

Akmang hahawiin ng Alpha ang makapal na bangs ng binibini ngunit mabilis na pinigilan ito ng second in command.

"Legion!" angil ni Lux na may inis na sa boses.

"Alpha!" tugon naman ng Beta ngunit sabay na napa-ungol ang dalawa ng tig-isang sapak ang dumapo sa ulo ng mga ito.

"Ano sapalagay n'yo ang ginagawa n'yo!" sita ni Samu sa kanila na nasa likuran na pala.

Sabay na napatayo sina Lux at Legion at nakangiwing sinapo ang mga ulo.

Napalatak si Samu at piname-awangan ang mga ito. "Paano malilinis ng mabuti ang sugat ni Erika kung gan'yan ang ginagawa n'yo? Labas!" turo sa pinto at utos nito sa kapatid at sa Beta.

"Samu, ako ang Alpha dito," pagliliwanag ni Lux sa nakababatang kapatid na babae ngunit isang nagbabagang tingin lang ang ibinigay dito ni Samu.

Ilang saglit pa ay sabay na lumabas ng guestroom ang dalawa na kakamot kamot sa ulo na ikinahalakhak ni Apache at ikina-iling ni Aztec. "They acting weird!"

Matapos niyon ay sabay na lumapit ang dalawa sa tabi ni Samu at tiningnan ang himbing na natutulog na dalaga.

"Mukhang kakaiba ang binibining ito kumpara sa ibang mortal ngunit malaki ang utang na loob ko sa kan'ya," anang kapatid ng Alpha saka umupo sa tabi ni Erika at buntong-hininga. "Gaano ba katindi ang diskriminasyon sa bayan ng Lilipun para saktan nila ang walang kalaban-laban na tulad ng isang ito."

Napa-iling si Apache. "Kung hindi dumating si Kuya Legion sa tamang oras, tiyak sinunog na nila ang binibini. Kung nangyari iyon, wala ng pag-asa na masugpo ang epidemya dito sa WarLord."

"Sakali man, gusto kong bantayan n'yo lagi ang binibining ito dahil nakasalalay sa kan'ya ang pagbalik sa normal ng lugar na ito," wika ni Samu sa dalawang nasa likuran n'ya na agad tumango. "At habang hindi pa s'ya magaling, huwag n'yong palalapitin sina Kuya at si Beta Legion sa kuwartong ito, maliwanag ba!"

Salgit na nagkatinginan sina Aztec at Apache bago sapilitang tumango kahit na alam nilang mahihirapan silang gawin iyon.

__________

SAMANTALA nang mga sandaling iyon...

Ipinagsalin ni Legion ng alak ang kan'yang matalik na kaibigan bago ini-abot dito ang baso at umupo sa mataas na stool na katabi nito sa harapan ng wine bar ng packhouse.

"That poor woman, hope that she'll recover soon," anang Alpha bago inisang inom ang alak nito.

Bumuntong-hininga si Legion bago tumugon. "Yes, buddy."

Bagamat kanina ay nakaramdam ng inis si Lux sa kaibigan ay agad na naglaho iyon. Bumaling s'ya sa katabi at may pagkamangha na tiningnan ito. "I thought you don't like her."

"I don't and still don't still trust her," sagot ni Legion at nagsalin naman ng alak n'ya sa baso.

"Then why the sudden concern?" hindi naniwalang muling tanong ng Alpha.

"We're desperate right now. Kailangan natin ang binibini para matapos na ang problema sa epidemya. S'ya lang ang naka-aalam ng lunas sa Moon Coronapest. Iyon lang 'yon."

"Yeah, that's right." Napatango si Lux saka tila napa-isip. "But it's weird, buddy. I think I've met Erika before. Hindi ko lang maalala kung kailan at kung saan. But anyway, magaan ang pakiramdam ko sa binibini. Hindi kaya s'ya ang aking mate?"

Sa narinig ay natigilan ang Beta at kunot-noong bumaling sa kaibigan nito. "Lasing ka na ba agad?"

Ngumiti ng malawak si Lux bago seryosong tinitigan si Legion. "Just kidding. However, I'm really interested in her. Tell me, Legion, you're not interested in her too, right, buddy?"

Pagak na tumawa ang tinanong. Diretsong ininom nito ang nasa kamay na baso ng alak bago seryoso ding tumugon. "Interested in that creep? That won't happen, Alpha."

Kuntentong napatango ang Alpha at tinapik ito sa balikat. "Good."






The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon