CHAPTER 4
GOUS's POV
"Tay, anong nangyari sa kanya? Bat biglang— ARAY!"
"Manahimik ka nga muna Zacch! Para kang babae, napaka ingay mo!" Nakakagago na tong lalakeng to, kanina pa ako tinatanong kung anong nangyari kay Courtey— kung bakit daw hinimatay eh ano bang malay ko?
"Pero tay alam mo, kamukha niya si— ARAY! Pangalawa na yan tay!" reklamo sakin ng anak ko habang hinihimas yung parte ng ulo niyang binatukan ko.
Baka sabihin niyo child abuse ako ha? Ayoko lang ituloy niya yung sasabihin niya dahil nung isang araw pa ako hindi mapakali mula nung makita ko tong si Courtey. Kamukhang kamukha ng asawa ko eh.
"Seryoso tay, kamukha niya talaga si— AKALA MO HA!" tanginang bata to, ako ang binatukan nang makitang babatukan ko ulit siya. "Tay, si Tito Matt." napatingin kaming lahat sa itinuro ni Zacch. Makikipagkamay sana ako kay matt ng bigla niya akong suntukin. Gaganti sana ako kaso hinawakan ako nina Teri at Seryeo.
"Ano bang problema mo?!"
"Anong ginawa mo sa girlfriend ko?!"
"Wala akong ginagawa sa girlfriend mo!" gago to, pagbibintangan pa ako.. Susuntukin ko na sana nung pinakawalan ako nung dalawa ng batukan ako ni Zacch. Konti nalang talaga mabubugbog ko na'tong tarantadong batang to, kung batukan ako parang hindi ako magulang.
"Sino ho ang kamag anak ng—"
"Ako lang hong mag-isa." putol ni Matt sa tanong nung doktor na lumabas galing sa emergency room.
"Di ikaw, wala namang nagkeclaim." bulong ko sa sarili ko na mukhang wala namang nakarinig.
"Pffffft..." napatingin ako sa paligid ko nang makarinig ako ng mga nagpipigil ng tawa. Okay, may nakarinig pala. Pero imbis na pansinin sila, naglakad nalang ako palabas ng ospital at agad na sumakay sa kotse ko para bumalik sa opisina ng mag iba yung isip ko, minabuti kong umuwi nalang muna sa bahay ng magulang ko dahil matagal tagal nadin mula nung umuwi ako doon. Nang makarating ako, pinark ko lang yung sasakyan ko kung saan atsaka bumaba para pumasok sa loob. Pagbukas ko ng pinto, hindi ko inasahan ang mga taong nakita ko.
"Dad, Kuya, Mei.. Kelan pa kayo dumating?"
"Kahapon lang, surprise?" nakangiting sagot ni Dad sa tanong ko.
Medyo masama loob ko sa mga to eh.. Pano, umalis ng Pinas ng hindi kami kasama ng anak ko, at umalis sila kung kelan kailangan ko pa sila. Ang babait eh no?
"Not really."
"Si Zacch kuya?"
"Miss mo na?" at ang tinamaan ng lintik kong kapatid, bigla nalang yumuko at namula ang tenga. "Hoy Meigous! Pamangkin mo yon!"
"Nakakainis naman kase! Bakit ko pa naging pamangkin yung gwapong nilalang na yon?!" ang halay mag tantrums, 32 years old na nagtatantrums pa. Hahahaha!
"Hoy Meigous mahiya ka nga! May anak at asawa kana nga't lahat nakukuha mo pang luman—ARAY!" Oo, may asawa't anak yan. Remember Van Crofford? Yung kakambal ni Venice Crowfford na asawa na ngayon ni Kuya Hitch, yun yung napangasawa niya. Ewan ko nga kung anong nagustuhan ni Van dito kay Meigous eh isip bata naman.
"Tigilan mo ko Gous! Masama bang hanapin ang PAMANGKIN ko?!" muntik na kaming matawa ng makita yung pagmumukha ni Mei. Ang seryoso habang naniningkit yung mga mata.
"Mei ang ingay mo, natutulog si Avie." napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Van na gwapong gwapong ama. Pero syempre mas gwapo ako. HAHAHAHAHA "Boss!" nag salute siya nung makita niya ako kaya tinanguan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]
General FictionBook 2 of I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?!