Chapter 23

4K 76 3
                                    

CHAPTER 23

ZACCH's POV

Kanina ko pa iniikot ang paningin ko sa kabuuan ng kwartong kinalalagyan ko upang maghanap ng pupwedeng labasan dahil di ako makalalabas kung sa pintuan ako dadaan sapagkat nandoon si DJ, ang tapat na myembro ng Clan ni Tatay.

Bakit ko gustong tumakas? Simple lang, gusto kong makita kung ano ba ang War na sinasabi ni Tatay. Gusto kong malaman kung paano ba kumilos ang Clan ni Tatay, kung paano mismo kumilos si Tatay bilang isang Mafia Boss, at higit sa lahat, gusto kong makatulong sa pagliligtas kay Nanay dahil hanggang ngayon, ikinahihiya ko ang sarili ko sapagkat di ko nagawang iligtas si Nanay sa kamay ni Tito Matt noong minsang magpunta akong Davao para sundan si Nanay.

"Psst!" napalingon akong bigla sa kung saan nung makarinig ako ng sitsit pero wala naman akong nakita kaya naman binalewala ko nalang yon at nagpatuloy sa pag ikot ng paningin para makahanap ng maaaring labasan.

"Pssssst!" this time, sa kisame na ako napatingin dahil doon mas may malakas na tunog at di nga ako nagkamali, nakita ko lang naman yung ulo ni Sianna na nakasilip sa pasquare na butas na mukhang siya mismo ang may gawa.

"What are you doing there? How can you get there?" sunud sunod na tanong ko na nagpakunot sa noo niya.

"Dami mong tanong, tara na!"

"What?"

"Tss, I said let's go! Alam kong kaninang kanina ka pa kating kating lumabas jan sa kwarto mo!" aniya sabay ngiti. "Kaya hangga't di pa naisipang pumasok ni DJ, umakyat kana kaagad dito!" dugtong pa niya habang nilelaser yung mata ko. (Laser, yung laruan ng bata. Ganon)

"But how?"

"Oh, wait!" sabi nya tsaka biglang nawala sa paningin ko kaya naman medyo nagpanic ako. Baka iwan ako ng babaeng yon, lakas pa naman mantrip nun.

Pero mukhang nagkamali ako. Kasi maya maya lang, may narinig akong kaluskos tsaka parang may hinihilang kung anong bagay galing kisame. Habang hinihintay kong lumitaw yung ulo ni Sianna, nagpapabalik balik yung tingin ko sa pinto kasi baka biglang pumasok si DJ, mabulilyaso pa yung pagtakas ko.

"Here." sabay dahan dahang ibinaba yung ladder.

"WTF! Where did you get this ladder?" tanong ko habang dahan dahang umaakyat.

"Just shut up! Dami mong satsat eh, dalian mo na umakyat!" and so I did.

Nang makaakyat nako, kinuha niya yung pasquare na flywood na may pinturang puti tsaka itinakip doon sa butas na pinasukan ko then binuksan niya yung mini flashlight niya para hindi madilim sa loob ng kisame. Takte, hindi ko alam na dadating sa puntong dadaan ako sa kisame makalabas lang ng ospital.

Gapang lang kami ng gapang, liliko kung saan siya liliko. Nung mukhang naubos na yung lilikuan namin, nagdiredretso nalang siya hanggang sa...

"WHAT THE FVCK!" sigaw ko sabay atras ng konti. Kung hindi siguro ako nakahawak ng maigi, baka nagkalasog lasog na yung katawan ko. Pano ba naman, yung ending pala nitong butas eh sa may elevator na sira, at mukhang nasa basement yung elevator kasi di ko makita eh. Tinignan ko ng masama si Sianna na nagpipigil ng tawa.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw mismo."

"Why?"

"Muntik ka ng malaglag. May hagdan naman yan sa gilid." di ko nalang siya pinansin, sinilip ko nalang yung sinasabi niyang hagdan at well, sa wakas, totoong meron nga kaya naman dahan dahan na akong bumaba hanggang sa mapunta kami sa sirang elevator na bukas na yung taas kaya makakalabas kami dito. Paglabas namin, yung kotse ni Sianna ang naghihintay sa amin. Naks, bilib nako sa babaeng to, planadong planado ang pagtakas ko.

IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon