A SO SHORT SPECIAL CHAPTER - NEW LIFE, NEW BEGINNING
YOKO's POV
After 9 months of long wait, finally, nameet na naming lahat ang panibagong buhay na magpapasaya sa buo naming pamilya..
Ang bagong buhay na magsisilbing panibagong simula sa amin ng mag aama ko.
Biruin niyo, sobrang saya na naming lahat nung malaman naming magkakaron na ulit ng bagong miyembro ang pamilya namin, pero isipin niyo kung gaano pa kaming kasaya lahat nang sa mismong araw ng panganganak ko eh dalawa pala sila?
Yep, kambal ang isinilang ko. Bakit hindi namin alam? Dahil sinabi namin sa ob-gyne ko na isecret lahat ng malalaman niya sa baby namin except syempre sa health nito kaya ayun, gulat na gulat ako nung after mailabas ni Elo eh bigla nanaman akong nakaramdam ng pananakit ng tiyan kaya tinignan ulit nung doktora yung private part ko tapos ayun nga, sabi niya may kasunod pa nga daw kaya ayun, todo ire nanaman ako tapos si Gous imbis na nagising na, hinimatay ulit. Kung wala lang ako sa kalagitnaan ng pag-ire, malamang napa face palm nalang ako o kaya napahagalpak ng tawa dahil sa kaduwagan ni Gous.
"Ey, tignan niyo, kitang kita sa picture yung pagbagsak ni Tatay.." biglang bulalas ni Zacch na naging dahilan para mapunta sa kanya yung atensyon ng lahat.
"Zacch!" bantang sigaw naman ni Gous nang makitang iwiniwave nito yung litratong mukhang tanga yung tatay niya. "Give me that!" muling sigaw ni Gous pero nanatili parin namang nakaupo sa tabi ng crib nina Trinity (Girl) at Tristan (Boy). Pero imbis na ibigay sa ama, tumayo pa ito at lumayo sa pwesto ni Gous at isa isang nilapitan ang kanyang mga Ninong at Ninang na ngayon ay tawa na ng tawa. "Ugh! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Tanda mo na isip bata ka pa din." paingos na saad ni Gous kahit pa nakatingin na siya sa kambal.
"Tss.. Mana mana lang yan Tay." sukat sa sinabi ni Zacch, bigla nanamang napuno ng halakhakan yung buong living room ng bahay.
Haaaay, hindi ko akalaing sasaya kami ng ganito. Biruin nyo, ilang taon din kaming pinaglaruan at pinaghiwalay ng tadhana pero heto kami, masaya at nadagdagan nanaman ng bagong myembro.
"Ney, tulala ka nanaman?" tanong sakin ni Gous na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.
"Anong bago dun diba?" nakangiti kong sagot. Bigla akong kinilig nung ngumiti din sya. Naknang teteng, tatlo na ang anak namin at lahat pero may kilig factor padin yung ngiti niya para sakin. Pasensya na, ganito ata talaga kapag medyo nagkaka edad na, lumalandi, nabalik sa pagkadalaga.
"Hello Baby Trinity, Baby Tristan.. I'm your Tatay Gwapo..." muli, napangiti nanaman ako dahil ginawa nanaman niya yan. Pang sampung beses na niya atang pinapakilala yung sarili niya sa kambal kahit na alam niyang di pa naman siya nila maiintindihan.
"And I'm your Kuya, mas gwapo kay Tatay." na pang sampung beses nadin namang kinokontra ni Zacch.
Isa nalang ang hihilingin ko sa Kanya .. Yun ay ang malusog na pangangatawan ng mga anak ko.
Bakit? Dahil halos ibinigay na niya saken yung mga pangarap ko noong kabataan ko. Yung magkaron ng masaya at kumpletong pamilya, though, hindi kami normal tulad ng iba.
Challenge is just a challenge. Uulitin ko nalang yung sinabi ko sa Epilogue, Wala Siyang ibinibigay na problema na di natin kayang lampasan.
May nawala man, may bagong dadating...
Masalimuot man ang nangyari sa buhay namin, patuloy lang kaming lumaban hanggang sa makamit namin ang Happy Ending na hinahangad ng sino man.
---
Haha. Ang sabaw ng special chapter :) Time skip na po tayo sa WASPFIL ha? Nandon nadin pala yung kambal ^____^
SILIP'SCENE: (WASPFIL)
"Uhh.. Ehh.. Pwede bang...."
"Pwede bang ano? Dali Zacch! May lakad pako."
"Pwede bang... FVCK nevermind! sige na, lumakad kana.."
At dahil masunurin siya, tinalikuran na nga niya ako atsaka naglakad papalayo saken. Ena, mission failed nanaman! Makekeltokan ko 'tong Yaki Twins eh!
BINABASA MO ANG
IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]
General FictionBook 2 of I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?!