CHAPTER 16
YOKO's POV
"S-sige.. P-pumapayag nako." Nang balingan ko ng tingin si Zacch, nakita ko ang bahagyang pagyuko niya habang nakakuyom ang mga kamao. Gusto kong bawiin yung sinabi ko kanina pero alam kong hindi pwede dahil pwedeng matuluyan ng mawalan ng buhay ang anak ko na hindi ko namang hahayaang mangyari.
"Narinig mo naman ang sinabi ng nanay mo diba?, pumapayag na siyang magpakasal saken kapalit ng kalayaan mo." nakangising saad ni Matt habang hawak ang buhok ni Zacch para siguro tumingin ito sa kanya. "Kalagan niyo na yan at ihatid sa tapat ng mansyon ng mga Tokosaio. Huwag kayong magpahuli, mga tanga pa naman kayo." utos niya sa dalawang goons na agad namang sumunod sa utos niya. Kinalagan nga nila si Zacch na di na muling nagsalita o tumingin manlang sa direksyon ko at inalalayang lumabas sa kadiring lugar na'to.
Oo, inaamin kong nasaktan ako dahil sa di pagbigay ng huling sulyap sakin ng anak ko pero di ko siya masisisi, dahil itong desisyon ko ang naging daan para kamuhian ako ng anak ko. Gusto ko man syang tawagin upang makapagpaalam manlang pero hindi ko na ginawa dahil sa demonyong nasa harapan ko ngayon.
Lumipas ang ilang minuto nang lumapit saakin si Matt para kalagan ang tali ko pero kusa na akong tumayo at di nakaligtas sa paningin ko ang pagkamanghang rumehistro sa buong mukha niya. Siguro'y di niya inaasahang makakawala ako sa mahigpit na pagkakatali sa buong katawan ko. Nang tignan ko siya, nakapasok na yung dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa niya atsaka nakangising nakatitig sakin.
"Nakawala ka na pala, pero bakit hindi mo sinunukang iligtas o tulungan manlang ang anak mo?" kamuntikan pakong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya.
"Para saan pa? Tuso ka hindi ba? Kaya kung lalaban man ako, tiyak na pupuntiryahin mo ang kahinaan ko sa pamamagitan ng anak ko kaya bakit ko kailangang isakripisyo ang buhay ng ANAK NAMIN NI GOUS kung pwede naman na kalayaan ko ang kapalit?"
"Tsk.. Di ka padin nagbabago, Yoks.. Mula ng lokohin kita hanggang ngayon ganyan ka pa din." natigilan akong bigla dahil sa sinabi niya. Isa lang naman ang tumatawag sakin ng Yoks., at imposibleng si Matt iyon dahil wala naman siyang ibinigay na pet name sakin. "Tama yang nasa isip mo. Ako nga yung taong tinutukoy ng matalino mong utak." aniya sabay tanggal ng face accessory niya at anong gulat ko ng makita ko ang mukha ng taong minsan ng naging parte ng buhay ko.
ZACCH's POV
Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang nakayang piliin ni Nanay si Tito Matt kaysa saamin ni Tatay. Hindi ko din inaakalang wala siyang tiwala sa kakayahan ko o maging ni Tatay dahil sinuong niyang mag isa ang panganib at sinolo ang problema.
Marahil kung sinabi kaagad niya saaming lahat ang problema, siguro'y hindi na kami umabot sa puntong kailangan niyang mamili, kung kalayaan niya ba o kaligtasan ko.
"Siguro naman magtatand kana? Narinig mo naman ang sagot ng mahal mong ina hindi ba? She chose Boss over you." dada nung isa sa mga panget na alagad ng Matt Chou na yon.
"Tss. Its a matter of life and death, kahit siguro magulang niyo ganyan din ang gagawin kung sakaling malagay yung patapon na buhay ng walang kwenta nilang anak sa panganib." matabang kong sagot sa kanila habang nakatingin sa bintana. Naramdaman kong natigilan silang dalawa maging yung driver ng van na sinasakyan namin. Maya maya lang, sinubukan akong suntukin nung panget na katabi ko sa mukha. Pero mabilis kong nahuli yung kamao niya at pinilipit iyon. "Ah-ah... Hindi mo basta basta mababangasan ang gwapong mukha ng isang Zacch Tokosaio." mayabang na wika ko sabay bitaw pabagsak nung kamay niyang pinilipit ko.
"Tss, like Father like Son. Pareho kayong mayabang." aniya habang iniikot ikot yung kamaong napuruhan yata.
"Atleast may ipagyayabang. Gwapo na, matalino pa. San ka pa?" nginisian ko lang siya sabay bukas nung pinto nung van para tumalon kahit na naandar pa. Pero siyempre, bago ko gawin yon, sinuntok ko muna yung katabi ko. "SAYONARA!" sigaw ko tsaka tumalon palabas ng van na sa katangahan ko eh nagkamali ang bagsak ko kaya hayun, gulong ako sa kalsada. Tangna naman! Baka mabangasan yung pinakaingat-ingatan kong pagmumukha! Pinakiramdaman ko muna yung sarili ko kung may nabali bang buto sakin o ano pero nung maramdaman kong wala, tumayo na kaagad ako dahil nakakahiya yung nangyari sakin dala ng katangahan ko.
BINABASA MO ANG
IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]
Ficção GeralBook 2 of I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?!