Chapter 18

3.6K 67 1
                                    

Dedicated to SweetLittleKisses. Natouch kasi ako sa mahabang comment niya :']]

SO HERE'S THE UPDATE! ENJOY READiNG!

CHAPTER 18

GOUS's POV

Patuloy padin ang pagtulo ng mga luha ko kahit na ilang kilometro na ang layo ko sa gusaling naging saksi sa pagtataboy saakin ni Yoko.

Hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip na kaya akong ipagpalit ni Yoko ng ganun ganon nalang. Para bang binalewala na niya yung mga masasayang alaala noong magkasama kami, at di ko rin lubos maisip na nagawa niyang talikuran ang sarili niyang anak para lamang sa hinayupak na Matt na yan!

"SHIT!" napamura ako sabay kabig pakanan ng sasakyan ko ng may biglang nag overtake na sasakyan. Kundi ako natauhan, malamang naaksidente na ako.

* Zzzt zzzt zzzt *

"Hello." pormal na sagot ko pagkalagay na pagkalagay ko ng earphone sa tenga ko.

[Tay ano? Siguro kasama mo na si Nanay no? Siguro hinintay niya lang na ikaw ang sumundo sa kanya no?] sunud sunod na may halong excitement sa bawat tanong na sinasabi ng anak ko kaya naman muli nanamang tumulo ang mga luha ko. Tangna Yoko! Di ko inakalang ikaw ang kaisa isang babaeng magpapaiyak sakin ng ganito kadami at katagal.

"Di ko kasama ang nanay mo ngayon." malungkot na sagot ko sa sunud sunod niyang tanong."

[Tay siguro nagpapamiss lang sakin si Nanay kaya di siya sumama sakin no? Siguro—]

"Tangina! Hindi ko kasama ang nanay mo ngayon!"

[S-siguro Tay, ayaw lang ako mapahamak ni Nanay kaya hindi siya kaagad sumama sa—]

"TANGINA! NAINTINDIHAN MO BA YUNG SINABI KO?! HINDI KO KASAMA ANG NANAY MO!"

[S-s-siguro ... Siguro gusto lang niyang lambingin mo sya kaya—]

"PUNYETA! ZACCHEUS STEPHEN BLAKE TOKOSAIO! HINDI KO KASAMA ANG NANAY MO!"

[………] napabuntong hininga ako ng di siya sumagot at tanging hikbi niya lang ang naririnig ko kaya naman minabuti kong itabi nalang muna yung sasakyan ko sa gilid ng kalsada dahil tuluyan ng nanlabo ang paningin ko dahil sa putanginang mga luha na ayaw tumigil mula pa kanina.

"A-anak... Ilang b-beses kong sinubukan na isama ang Nanay mo pero tinanggihan niya lang ako. A-anak *sniff hindi ko gusto tong—"

[Tay please, wag *sniff mo nang ituloy. Wag *sniff mo nalang sabihin na *sniff hindi sumama sayo si *sniff Nanay.] Fvck! Awang awa nako sa anak ko. He's only 17 years old at kahit na matalino pa siya, hindi pa rin sapat yon para maintindihan niya yung mga nangyayari.

Hindi pa rin sapat yung talinong yon para mabigyan niya ng magandang rason ang mga bagay bagay sa paligid niya.

At lalong hindi sapat ang talinong iyon para mawala ang mga gumugulo sa mura niyang utak.

Hindi niya deserve yung ganitong problema.

At di ko pinangarap na maging ganito yung kalalabasan ng relasyon namin ni Yoko. Kung masakit na sakin, pano pa kaya sa anak ko na ilang buwan pa lamang nakakasama ang nanay niya? Ayoko ng isipin.

[Ayy Sir Zacch san ho kayo pupunta! Bilin ho ni Sir Gous na dito— SIR!]

"ZACCH! HELLO?!" sigaw ko ng matauhan ako dahil sa narinig ko.

[MACARIO! SUNDAN MO SI SIR ZACCH, NAKA MOTOR PA NAMAN YON! NAKITA KONG NAIYAK EH BAKA MAAKSIDENTE YON! DALI!]

Sapat na ang mga narinig ko para putulin ang tawag at agad na inistart ang sasakyan ko, para magtungo sa hotel na may helipad dahil doon naghihintay ang helicopter na sasakyan ko pabalik ng Manila.

IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon