CHAPTER 13
YOKO's POV
Maaga akong gumising para makapag bake ako ng cookies dahil namiss ko ang paggawa nito nang bigla namang may yumakap sa likuran ko habang inaayos ko yung nabake na cookies sa cooling rack.
"Hmmm.. Smells delicious."
"Ihhh wag ka nga!" Letche, amuyin ba daw yung leeg ko.. Pigilan niyo ko at baka mapatulan ko tong kamanyakan ng asawa ko kahit na kakasikat palang ni haring araw. "Tey namaHAHAHAHAHAHA! L-LAYUAN MOKOHAHAHAHAHAHA!" walanjo, san nakakuha ng feather ng manok to? "Y-yung cookies b-baka matapoHAHAHAHAHAHAHA!"
"Tsss.. Di kita titigilan hangga't di pa ako nakakascore!" tengenung lalake to! Napaka manyakis talaga. Nung akmang ilalapit niya ulit yung chicken feather sa tenga ko, bigla ko nalang siyang hinampas sa batok para naman matulog muna kahit saglit dahil di ako matatapos dito sa ginagawa ko nang bigla namang pumasok si Zacch sa kusina.
"NAY! Anong ginawa mo kay Tatay?"
"Pinatulog ko. Buhatin mo yan at dalhin mo sa sofa." utos ko sa kanya habang nilalagay sa box yung ilang cookies na para talaga sa pupuntahan ko. "Tapos may cookies dito sa glass jar kung gusto mo kainin mo nalang. Aalis muna ako, kapag nag freak out yang ama mo, pektusan mo." sabi ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng front door. Wala pang sampung minuto ng sa wakas eh nasa main road na ako. Di ko maiwasang ngumiti lalo na't muli kong nakita yung daan kung saan ako nagpabalik balik para umuwi sa pamilyang nag aantay saken.
"Tokosaio-Nasaio Condominium" basa ko sa Gintong pangalan na naka ukit sa mataas na building na papasukan ko. "Hi Manong Guard!" bati ko dun sa guard na guard na talaga mula nung magmerge ang ilang properties ng Nasaio at Tokosaio.
"M-ma'am A-ayako....." nginitian ko lang siya tsaka ako nagtuloy tuloy sa elevator. Halos lahat ng staff na madaanan ko napapatingin saken ng may nanlalakeng nga mata. Di ko sila masisisi, balitang balita ang pagkamatay ko eh. Pagpasok ko sa elevator, pinindot ko yung number na 36 kung saan nakatira sina Meigan at Seryeo.
TING! (Sfx ng pagbukas ng elevator. wag na kayong magulo hahahaha :'>)
Lakad lang ako ng lakad habang nagpipigil ng tawa dahil sa mga pagmumukha ng nasasalubong ko. Priceless I swear! Hahaha. Nung napatapat nako sa unit na pupuntahan ko, narinig kong nagtatalo sina Meigan at Sek kaya naman inenter ko na yung passcode para mabuksan yung pinto. Habang papalapit ako ng papalapit sa lugar nila, malinaw ko nang naririnig yung pinag uusapan nila.
"May kilala akong makakatulong sa problema natin sa Davao." sabi ni Sek nang makaupo siya sa tapat ni Meigan. Ako? Heto nakatago sa likod ng divider para lalong mapakinggan yung pinag uusapan nila.
"Sino naman?" seryosong tanong ni Meigan habang nakakunot yung noo.
"Ang mag inang Zacch at Yoko." WHATDA?! Tanggap ko naman na ako ang ipapain nila pero bakit kailangan pang kasama ang anak ko? Kung ako lang din naman ay ayos lang sakin dahil kaya kong protektahan ang sarili ko at sanay na ako sa Mafia World pero si Zacch? Ni isang laban hindi pa siya nakakakita kaya wala akong balak na idamay siya sa hakbang na maaari kong gawin.
"Baliw ka na ba ha Death?! Kita mong kababalik pa lang ni—"
"No I'm not. Kung hawak ni Matt ang HQ natin sa Davao, paniguradong kilala doon si Yoko at iisipin nilang lahat na kakampi padin nila ito."
"Kahit na!" ani ko sabay buntong hininga. "Isa pa, di natin mapapapayag si Gous na isaalang alang ang buhay ng mag ina niya." yeah. Alam kong hindi papayag ang asawa ko dahil kababalik ko lang pero kung sa ikatatahimik naman ng buhay naming lahat? Ayos lang kahit na buhay ko pa ang kapalit.
"But we don't have any other choice kundi ang sumugal sa nag iisang plano na alam nating delikado pero wala tayong magawa! Whether we like it or not, kailangan padin nating subukan!" pagpupumilit pa din ni Sek at nakikita kong malapit ng sumuko si Meigan.
"Pero Death! Papatayin tayo ni Boss oras na—" di ko na pinatapos yung sasabihin dapat ni Meigan dahil lumabas nako sa pinagtataguan ko.
"Don't bother. I'll accept the mission." sabad ko ng nasa harap na nila akong dalawa. "But in one condition, hindi ko isasama si Zacch."
"Pero Yoko! Alam nating lahat na malaki ang posibilidad na magtagumpay tayong lutasin ang problema sa Davao kung kasama si—"
"AYOKO! Hindi ko isusugal ang buhay ng anak ko para lang matahimik tayo! Sapat na yung buhay ko ang isakripisyo ko para sa ikatatahimik nating lahat dahil ako lang naman ang kailangan ni Matt." pinal kong desisyon na ikinatahimik nilang dalawa. "Anyways, I brought some cookies para naman may mamiryenda kayo. Una nako, maghahanda pako para sa pagpunta sa Davao." yun lang at umalis nako matapos kong ilapag yung box of cookies sa lamesa kung nasaan yung dalawa.
Sana hindi mali tong ginawa kong desisyon ..
Sana dahil sa desisyong to, mawala na ang gulo na daladala ng Mafia World ..
Mahuli na ang may kasalanan ..
Maparusahan ang mga manloloko ..
At higit sa lahat ..
Matahimik na ang mundong ginagalawan namin dahil magiging balanse na ang mundo ng mga civilian at mundo ng mga makapangyarihan ..
GOUS's POV
Ugh! Tangna, ang sakit ng ulo ko.. Di naman ako nag inom kagabi kaya bakit ako magkaka hangover? Dahan dahan kong binuksan yung mga mata ko at nakita ko si Zacch na nakaupo habang may hawak na magazine.. MAGAZINE?!
"YOBYALP." mahinang basa ko sa cover ng magazine at napabalikwas ako ng bangon nung mapagtanto kong baliktad pala yung pagkakabasa ko. Agad kong hinila kay Zacch yung magazine na yon at pabalagbag na inihagis sa center table ng living room namin. "Tarantado kang bata ka! San ka nakakuha niya?!" Bulyaw ko sa kanya sabay batok ng medyo malakas. Disisyete anyos may hawak ng magazine na ganon? "Hoy tinatanong kita!" nagkibit balikat lang tong lalakeng to bilang sagot kaya naman babatukan ko na sana ulit ng biglang pabalagbag na bumukas yung front door at ang nagtatakbong si Yoko ang iniluwa niyon at nagdudumaling nanakbo paakyat ng hagdan kaya naman agad ko siyang sinundan. I know may something na di magandang mangyayari kaya siya nagmamadali at di nga ako nagkamali dahil naabutan ko siyang nageempake ng gamit.
"Hey, where are you going?" bahagya siyang natigilan dahil siguro hindi niya inaasahan na maaabutan ko siya sa pag eempake niya.
"I'm leaving."
"You what?!" I shouted. Hindi ko mapigilan dahil unang una, ayos naman kami kanina pero bakit ngayon parang ang cold na niya saken?
"I said I'm leaving! Are you fvcking deaf?!" ganting sigaw niya saken habang patuloy padin sa pag eempake. "Hey! Give that to me!" aniya matapos kong hilahin yung maletang pinaglagyan niya ng mga gamit nya.
"No. Bakit ka aalis? Ayos naman tayo kanina ha?"
"You don't care! Give that to me!"
"No!"
BOOOOOOOGSH!
"Acccck! Y-yoko! C-come back!" sigaw ko habang sapusapo ko yung sikmura kong sinuntok niya. Nang makarating ako ng hagdanan, nakita kong palabas na siya ng main door at narinig ko pa ang pagsigaw ni Zacch.
"Nay! Are you leaving me again?!" may pait sa boses ni Zacch nang maabutan niya yung Nanay niya. I thought mapapagbago nito ang isip ni Yoko pero hindi, dahil maging si Zacch eh sinuntok nito sa sikmura kaya naman nabitiwan nito ang maleta ni Yoko.
"I'm sorry Zacch. And yes, iiwanan ulit kita. Sorry para sayo din to." pabulong nalang sana yung huli niyang sinabi pero alam kong narinig din iyon ni Zacch dahil narinig ko mula dito sa itaas ng hagdan. Nang marinig ko ang pag andar ng kotse ni Yoko, bigla na lamang nanlabo ang paningin ko dahilan para magpagulong gulong ako pababa ng hagdan.
"TAY!" pasigaw na pagtawag sakin ni Zacch bago ako tuluyang mawalan ng ulirat.
BINABASA MO ANG
IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]
Ficción GeneralBook 2 of I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?!