Chapter 15

3.8K 71 3
                                    

CHAPTER 15

YOKO's POV

' WELCOME TO DAVAO '

Kauna unahang nakita ko pagkababa ko ng eroplano. Hindi ko alam kung anong naghihintay sakin dito pero nagdarasal ako na sana maging matagumpay ang pakay ko sa lugar na'to para maibalik na ang kaayusan at mabigyan na ng katahimikan ang buong pamilya ko at maging ang pamilya ng buong barkada ko. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas sa naturang paliparan upang puntahan ang mismong pakay ko sa lugar na'to— ang Black Crow's HQ. Habang naglalakad ako papuntang sakayan, masusi kong pinasadahan ng tingin ang folder na ibinigay saakin ni Meigan para maging guide ko kung paano makapunta sa Headquarters na kailangan kong puntahan.

"Manong, ***** subdivision ho." flat na sagot ko sa taxi driver ng makasakay ako ng taxi. Tumango lang yung driver at nagsimula na siyang magmaneho. Masusi kong tinatandaan ang bawat daan na dinaraanan namin dahil kung saka sakaling pumalpak ako, maaari akong makatakbo ng walang anu mang sagabal. Dahil sa sobrang pagka enjoy ko sa daan, parang nabilisan pa ako nang sabihin ng driver na nandito na kami pero hindi na ako nagreklamo at kaagad na nagbayad bago bumaba. Pagbaba ko, sumalubong saakin ang isang malawak na lupain na nababakuran ng mataas na rehas na may alambreng matinik sa tuktok, nung una akala ko bigla nalang may magtatakbuhang zombie na handang gawing tanghalian ang katawan ko pero nagkamali ako dahil mga naglalakihang kalalakihan na may bitbit na pagkalalaking baril na mukhang sila lang ang may kayang magbuhat ang naglalakad papuntang direksyon ko.

"Ma'am.." saad ng isang matipunong lalake pagkalapit nila sa lugar ko habang nakayuko. "Buksan ninyo ng tarangkahan ang magandang binibining ito." dugtong pa nito sa pamamagitan ng pagsasalita ng malalim na tagalog, but to my surprise, they obey his command. Di nako nagdalawang isip na pumasok sa loob hanggang sa maramdaman kong may kung anong bagay ang tumama sa batok ko kasabay ng panlalabo ng mga paningin ko and after a second, everything went black.

***

Nagising ako sa isang maliit na kwartong nababalutan ng kulay asul na pintura at nanggigitatang sahig. Gusto kong masuka sa kinalalagyan ko nang mapukaw ng atensyon ko ang binatang nakatali sa isang upuang di kalayuan sa pwesto ko. Damn! Anong ginagawa niya dito? At paano niya nalamang nandito ako?!

"N-nay.." aniya sa namamaos na tinig. Oo, si Zacch nga ang binatang iyon. Ang binatang nakita kong tulad ko'y nakagapos din sa isang kahoy na silya sa loob ng nanggigitatang silid. "N-nay, bat di mo to sinabi kay Tatay?"

"Anak, para sa inyong lahat tong pagsasakripisyo ko! Pero bakit ka pa sumunod saakin dito?!" mangiyak ngiyak kong tanong sa kanya. Hindi ko kayang makita ang anak kong naghihirap ng dahil sa akin kaya naman handa akong ibuwis ang buhay ko para lamang sa kanya. "ZACCH! SANA HINDI KA NA SUMUNOD!" muli kong sigaw ng makabawi ako sa panlulumong nararanasan ko ngayon. Nang titigan ko siya, nakita kong nagpipigil siyang masigawan ako dala narin siguro ng paggalang niya sakin bilang magulang niya. "ANO?! MAGSALI—"

"DAHIL MINSAN KA NG NAWALA SA PAMILYA NATEN! MINSAN KA NANG NAPAHIWALAY SA BUHAY NAMIN NI TATAY! MINSAN KO NANG NAKITANG NAGHIRAP ANG BUONG PAGKATAO NI TATAY NUNG PANAHONG NAWALA KA!" tuluy tuloy na sigaw niya habang lumuluha. Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga bago muling pinagpatuloy ang pagsigaw niya. "KAYA .... KAYA NGAYONG MAY KAKAYAHAN NA AKONG MAKATULONG .. HINDI KO NA HAHAYAANG MULI KANG MAWALA SAMIN NI TATAY DAHIL MAHAL NA MAHAL KA NAMIN NANAY!" matapos niyang ilabas lahat ng saloobin niya, bahagya siyang yumuko ang nakita ko ang pagyugyog ng balikat niya senyales na humagulgol na siya. Sasagot pa sana ako nung bigla nalang may pumalakpak habang nagsasalita.

"Wow! Nice scene.. As I expected, magdadrama nga kayong mag-ina .." Sabi ng demonyong si Matt habang naglalakad papalapit kay Zacch. Naalarma ako nang bigla niyang hinawakan sa balikat ang anak ko.

"WAG MONG GAGALAWIN ANG ANAK KO!" sigaw ko sa kanya pero nginisian lang ako at may ibinulong sa isa niyang kasama na agad namang lumapit kay Zacch at tinanggal ang pagkakatali dito bago sinuntok sa sikmura para siguro hindi makalaban pero di naging sapat ang lakas niya para tuluyang bumigay ang katawan ni Zacch, dahil nagawa pa nitong gumanti ng suntok sa lalaki hanggang sa mapatulog nito iyon.

"Tsk, walang silbi. Tonyo! Estong! Pagtulungan niyo tong binatang to! Walang silbi si Ruben, napatulog kaagad." utos niya dun sa dalawang natirang goons na kaagad namang lumapit sa anak ko at pinagtulungan nila ito. At dahil siguro sa sobrang pagod, bigla nalang bumagsak sa sahig si Zacch kahit na di pa nasusuntok ng kahit na sino sa dalawa.

"ANAK!" sigaw ko. Gusto ko man siyang daluhan sa pwesto niya pero di ko magawa dahil mahigpit padin akong nakagapos. Nagulat ako nang biglang naglabas ng baril si Matt at itinutok iyon kay Zacch na bagamat may malay pero nanatili nalang nakatitig sa dulo ng baril na nakatutok sa kanya.

"Any last words, Zacch?" nakangising tanong ni Matt sa anak ko habang hawak hawak yung gatilyo ng baril.

"Yeah." malumanay na sagot ni Zacch bago bumuntong hininga. "MAMATAY KANA SANA!" nagulat si Matt at yung dalawang goons dahil sa pagsigaw ni Zacch at maging ako eh nagulat at kinabahan. Unti unti ng dinidiinan ni Matt yung gatilyo ng baril nang bigla akong sumigaw.

"DON'T! WHAT DO YOU WANT?!"

"Marry me." Matt said between his fvcking smirk. "Marry me, then we will set your son free." dugtong pa niya. Alam kong alam niyo kung ano ang isasagot ng isang ina na nasa bingit ng kamatayan ang kanyang anak, malamang sa malamang na papayag ako sa kondisyon niya dahil buhay na ng anak ko ang nakataya dito.

Buhay ng anak kong minsan ko ng iniwan dahil sa pagkawala ng memorya ko.

Buhay ng binatang sakin mismo nagmula ..

Ang anak kong naging tulay upang tumibay ang relasyon namin ni Gous ..

"Ano na? Nangangalay nako sa isasagot mo." narinig kong reklamo ni Matt. Bago ko sagutin yung tinanong niya, tumingin muna ako kay Zacch na parang humihinga ng pang unawa na nakuha naman niya agad.

"N-nay.... parang awa mo na, huwag kang p-papayag!" pakiusap ni Zacch sa pagitan ng paghikbi. I'm sorry Zacch, pero kailangan kong isakripisyo ang kalayaan ko para sa kalayaan at ikatatahimik ng buhay mo, ng buhay niyong lahat ng mga mahal ko sa buhay.

"S-sige.. P-pumapayag nako."

---

Hi There! Feedbacks?

NOTE: Nga pala, baka after nitong IASOAMB2 mawala muna ako sa Wattpad World. So yung mga gusto ng dedication, imessage lang ako or magpost lang kayo sa Message Board ko. First come, first serve. Hanudaw? HAHAHAHA

P.s - BAKA lang naman, di pako sure ^______^

IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon