CHAPTER 6
ZACCH's POV
Tahimik akong naglalakad sa corridor ng fourth floor papuntang block ng may maramdaman akong nasunod sakin.
Kung kayo naweweirdan sa kakayahan ko, well kahit ako naweweirduhan din. Hindi ko na sinunubukang sabihin kay Tatay to dahil alam kong wala naman siyang isasagot kundi ang wag ko nalang pansinin.
Nagpatuloy padin ako sa paglalakad kahit na ramdam ko pa din ang presensya ng taong nasunod saakin, pero nang hindi ito nawala, huminto na ako sa paglalakad atsaka ng salita.
"What do you need?" madiin kong tanong habang nakatalikod pa din sa direksyon ng taong nasunod saakin. Naramdaman kong unti unti siyang lumabas sa pinagtataguan niya at dahan dahang lumapit sa pwesto ko kaya naman humarap ako at nabungaran ko ang isang maputing babaeng may maamong mukha, makintab na mahabang tuwid na itim na buhok, at height na pwedeng gawing keychain. Pfffft, I'm sorry sa description but I can't help it, kung itatabi siya saken para lang siyang keychain.
Maya maya inilahad niya yung kamay niya na may hawak hawak na blue na scented paper.
"Sanawagkangmagalitsamababasamosalamat!" aniya sabay takbo nang abutin ko yung papel. Anu daw? Naintindihan niyo ba yung sinabi nun? Haaaaaay hayaan na nga.
Nagkibit balikat lang ako sabay talikod at nagpatuloy sa paglalakad ng maramdaman kong may dalawang brasong umakbay sakin at isang daliring sumusundot sa tagiliran ko. Ugh! Hindi ko nanaman naramdaman yung presensya nilang tatlo.
"Yiiiie si Zacch!!!!" namimilipit sa kilig na sabi ni Sianna habang sinusundot yung tagiliran ko. "Huy! Di ka manlang nakikiliti?"
"No." at bigla niyang tinigil yung pagsundot sa tagiliran ko. Pssssh, stupid girl.
"Naks, Zaccheus Stephen Blake Tokosaio, a famous 17 year old man eh?" tukso naman ni Winter na nasa kanan ko.
"And isang 17 year old na kakambal ni Ice Yaki is now suffering from Jealousy dahil ang long time crush niyang si Henrietta Henriz ay naging isa sa cute admirers ng isang 17 year old famous man named Zaccheus Stephen Blake Tokosaio?" litanya ni Ice. Isa yan sa nakakainis sakanya, sa isang sinabi mo, sandamakmak ang balik niya sayo pero mukhang effective ang pang aasar niya dahil sinamaan siya ng tingin ni Winter. Nagtaka ako sa katahimikan ni Sianna kaya naman nilingon ko siya kahit na may dalawang unggoy na nakaakbay saken. Pero bago ko pa siya matanong, itinulak nako ng dalawa papasok sa block namen at nagsimula nanaman ang ingay ng mga blockmates namin kahit na may prof na sa loob. Nauna nakong naupo sa upuan ko at tahimik na tumingin sa white board sa unahan ko at di na pinansin ang mga babaeng titig na titig sa gwapo kong mukha.
"Okay class, since kumpleto na kayo.. Pwede ko ng ipamigay ang surprise test niyo." ani ni Prof.Toress na ikinatahimik ng lahat. Madaming nagprotesta, nainis pero ako?
Heto, nakangiti lang dahil mapapatunayan ko nanaman na hindi lang ako gwapo, may utak din ako na pwedeng ipagmalaki ng babaeng magiging girlfriend ko. *smirk*
GOUS's POV
"That's all for today, I hope na mas tumaas pa ang sales ng product natin." sabi ko bago lumabas ng conference room. Dati naman hindi ko gawain na lumabas kaagad ng conference room pagkatapos ng meeting pero nagbago lahat ng yon nang maging major shareholder si Ms.Nah na kamukha nga ng asawa ko at idagdag mo pa na naalibadbaran ako kay Matt dahil katabi siya ni Ms.Nah.
"Mr.Tokosaio, Mr.President is waiting for you." salubong sakin ni Helena nang makapasok ako sa opisina ko.
"What?"
"Nasa lobby po si Mr.Suichi Tokosaio."
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa masamang balita ni Helena. Yeah, bad news na nandito si Dad dahil paniguradong mag uusisa nanaman yon.
BINABASA MO ANG
IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]
General FictionBook 2 of I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?!